Prologue

4 0 0
                                        


Akira avory Delvino

Papasok palang ako rinig na rinig ko na Ang ingay mula sa room namin.
"tangina mo chase yung cellphone ko akin na!" rinig kong sigaw ni avina.
Mula sa pintuan namataan ko silang
Dalawa na nag hahabulan. Hawak ni chase ang cellphone ni avina na halos lumabas na ang litid sa sobrang Galit.

"Ayoko nga!" Sigaw rin ni chase habang habol habol Siya ni avina.

"Kapag nalaglag 'yan chase, tignan mo!"

Lagi silang gan'yan, matatapos na ang taon namin bilang mag ka-kaklase hindi parin sila mag kasundo.

Pumasok nalang ako sa room at tumabi kay loid na tropa naming kupal pero matalino.

"Loid, may assignment ka?" Tanong ko sakaniya habang nakatingin sa papasok na lalaking matagal ko nang hinahangaan. Walang iba kung hindi si lux. Kaibigan din namin siya. Pero ako'y may lihim na pag-tingin sa kaniya.

"Wala, gagawin ko nalang Mamaya kapag break na, kopya kanalang mamaya." Sagot nito sa akin babang nag lalaro sa cellphone.

"Yown! Thank you bestpren!!" Kahit ganiyan-ganiyan 'yang kaibigan namin may bitaw yan sa mga acads. Sadyang matalino talaga eh, siguro no'ng umulan ng katalinuhan sinalo niya lahat, baka nga nag swimming pa eh.

Bumalik ang tingin ko Kay lux na papunta na Kay loid. Siguro may ku-kwento nanaman 'tong kalokohan.

"Loid! Ano pangalan nong babaeng Kasama niyo kanina?" Agad na napakunot ang noo ko sa tanong niya dahil bakit niya tinatanong yung bagong transfery? Type niya ba?

"Valeen dizon, bakit?" Takang tanong naman ni loid. Kahit ako nag tataka rin eh first time kong narinig na nag tanong siya tungkol sa babae.

"Wala lang."

Wala naman pala eh. Kinabahan ako ng medyo slight hehe. Akala ko gusto niya yung valeen na transfery eh.

Napatingin ako sa dalawang baliw na tapos na pala mag-away. Gusot-gusot naman ang uniform ni chase dahil siguro sa pag hablot ni avina para makuwa yung cellphone niya.

"And'yaan na si ma'am." Sabi ni avina at na upo na sa aking tabi.

"Good morning class! May bago kayong kaklase. Be nice to her." Nabaling ang tingin ko sa babaeng pumasok sa room namin, maganda siya. Maputi, matangkad, maliit yung muka, matangos yung ilong. Para siya manika.

"Loid, classmate natin siya," bakit parang tuwang-tuwa siya? Gusto niya ba talaga yung valeen na 'yan? Hindi ko mapigilang mag selos kahit wala naman talaga akong karapan. Paano ba naman kasi! Ngayon niya pa lang nakita pero na inlove na siya agad eh ako na matagal nang narito sa tabi niya since elem pa kami pero hindi niya ma pansin-pansin!

"Type mo?" Tanong ni loid dito, pero ngiti lang ang sagot nito sa tanong ni loid.

♡✧⁠*⁠。♡✧⁠*⁠。♡✧⁠*⁠。

Natapos na ang klase namin sa Ibang subject at ang favorite subject ko na ang oras ngayon, syempre walang iba kung hindi ang break time! As a Patay gutom mahal na mahal ko ang pag kain. Pero hindi naman ako na taba kahit kumain ako nang kumain.

Nasa cafeteria kami ngayon nang aking mga kaibigan. Kaya napaka ingay na akala mo sila lang ang tao rito. Lalo na si loid, avina, at chase na halos lumuwa na yung mata kakatawa dahil lamang sa katangalan na ginawa ni chase sa teacher na akala niya istudyante yung na bangga niya at hinamon niya nang away.

Pero nalaman niya lang no'ng humarap ito sakan'ya at talaga namang namutla siya nang Makita niya hindi estudyante ang hinamon niya kundi teacher. Kaya naman tawa nang tawa yung dalawa.

Nabaling naman ang tingin ko kay lux na kanina pa nakatingin sa transfery naming kaklase na mag-isa lang sa table. "Lux may problema ba? Kanina kapa nakatingin sa kaniya." Tanong ko sakaniya.

"Gusto ko siyang puntahan para ayain na maki-table nalang siya sa atin, mag isa lang lang kasi siya eh."

"Ako na lang pupunta para ayain siya." Tatayo na sana ako nang Sabihin niyang siya nalang at dali-dali na siyang tumayo at lapitan si valeen.

Nakatingin lang ako sakanilang dalawa, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng paninikip sa dibdib dahil lamang sa nakikita ko silang  nakangiti sa bawat isa at halatang parang may gusto si lux kay valeen.

Maya-maya sabay na silang pumunta sa table kung saan kami naka upo. Napatulala nalang ako kung paano alalayan ni lux si valeen kahit na sa pag upo lang. Napayuko nalang ako para hindi ko sila makita sa harapan ko.

Sa ilang minuto na naririnig ko ang mga asaran ng mga kaibigan ko kina lux at valeen ay napag desisyonan ko nalang na mag paalam na iihi lang pero maaga nalang akong bumalik sa room namin dahil nawalan na ako ng gana.

Hindi alam nila avina, loid, at chase na may gusto ako sa isa sa mga kaibigan namin. Dahil nahihiya ako Sabihin sa kanila dahil alam kong ikakalat at aasarin lang nila ako dahil alam kong mga madaldal at halos hindi mapigilang ang mga bunganga nila kaya ayokong sabihin. 

Ako lang ang narito sa loob ng room dahil lahat ay nag si babaan para kumain at tumambay sa ibaba.
Mas pinili ko nalang na mag cellphone sa isang tabi kaysa naman panoorin yung dalawa sa baba. Nakakainis kaya.

Maya-maya lang nag si pasukan na
ang mga iba  kong kaklase dahil tapos na ang break time namin.

"Zeus, pasimpleng flirt ka rin eh no?" Napalingon naman ako kay loid na naka akbay kay lux habang natawa.

"Hindi naman pre." tatawa-tawang sagot ni lux kay loid.

♡✧⁠*⁠。♡✧⁠*⁠。♡✧⁠*⁠

Natapos na ang klase namin ngayong araw. Ngayon uwian na namin ngunit nag aya pa si valeen na pumunta muna kami sa mall dahil may gusto raw siyang bilhin. Sumama na ako dahil friday naman, walang pasok bukas.
Sumama rin ang mga mokong kaya napaka ingay sa loob ng kotse halos mabingi na ako sa ingay ng tugtog nila. Hindi naman sinasaway ni valeen dahil ka music taste niya.

Nanahimik nalang ako sa isang tabi dahil wala naman akong magagawa.
Masaya sila r'yan eh. Edi go.

"Okay kalang?" Napalingon naman ako kay lux dahil sa tanong niya sa akin.

"Oo n-naman! Bakit hindi?"

"Kanina kapa tahimik. May problema ba?" Oo Ikaw.

"Wala naman... Tinatamad lang ako mag salita."





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl He Never ChoseStories to obsess over. Discover now