LDR

59 1 0
                                    

Sobrang miss na kita.

Sana magkasama na tayo.

Ang hirap kasi hindi man lang kita mahawakan, mayakap at mahalikan.

Ilan lang yan sa mga salitang mababasa o maririnig kapag napag-uusapan na ang Long Distance Relationship.

Mahirap? Oo. Sobra.

Kasi text, call, video call. Letter? Uso pa ba yan? Well, ewan ko.
Basta lahat ng nabanggit ko pweding kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig.

I mean, malayo kayo sa isa't-isa hindi naman tayo 100% sure kung sincere ba talaga sila sa mga sweet promises na nababasa o naririnig natin mula sa taong yun. Tulad ng mga salitang ito :

Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal kasi alam ko pag nagkita naman na tayo sobrang saya na nating dalawa.

Walang iwanan ha? Kaya natin to. Sus! Distansya lang to.

We will win this game, distance is just a word.

Sobra kitang mahal para lang ipagpalit sa iba. Kaya maghihintay ako.

Sobrang saya mo nung time na yun kasi alam mo at ramdam mo kung gano ka nya kamahal kahit pa magkalayo kayo.


Hanggang sa........

1st week. No text/call.

2weeks.

3weeks.

4weeks.

Sobra kang nalungkot sa hindi nya pagpaparamdam.

Halo halong emosyon ang bumabalot sa pagkatao mo.

Lungkot, inis, galit, pag-aalala.

Hindi mo na alam ang gagawin.

May iba na kaya sya? Hindi! Nangako sya. Nangako syang hihintayin nya ako.

Ah. Baka busy lang sya, sige hindi ko muna sya kukulitin.

1 message received.

From: Baby <3

Hi. Pwedi ka tumawag?

Sa sobrang gulat mo sa muli nyang pagpaparamdam, hindi mo na alam ang gagawin.

Dali daling nagpaload at nag register ng unli call.

Masaya na naman kayong nagpapalitan nang mga matatamis na salita.

Na sa sobrang tamis nakalimutan mo ng itanong sa kanya kung ano nangyari nung nakaraan.

Kung bakit ang tagal nyang hindi nagparamdam sayo.

Hayaan mo na, atleast okay na kami ngayon.






Akala mo lang pala.

Kung dati e weeks lang sya hindi nagpaparamdam, ngayon iba na.



Ilang buwan na ba? Mga apat na buwan pa lang naman.

Apat na buwan. Normal lang ba yun? Hindi.

Text ka ng text. Walang reply

Tawag ka ng tawag. Walang sagot

"Ayaw ko na." Sabi mo sa sarili mo. "Napapagod na akong mag initiate." Dagdag mo pa.

Nagpakabusy.

Naghanap ng ibang mapaglilibangan.

Nagmove on.

Okay ka na.

Hanggang sa hindi mo inaasahang pagkakataon,
Nabasa mo ang mga salitang ito sa cellphone mo :


Patawarin mo sana ako.

Hindi ko nagawang maghintay sayo.

Kalimutan mo na ako.

Nalungkot ka syempre.

Alam ko. Alam ko.

Yan nalang ang naisip mo.

Pero narealized mong totoo pala ang sinasabi nila.

Promises are meant to be broken.

Long distance relationship doesn't work.

Pero sa kabila nun nagpapasalamat ka pa din.

May natutunan ka :)










-
HUGOT BA? OO SOBRANG LALIM NG PINANG HUGOTAN KO NITO!

nway, thank you for reading my story. Super thank youuuuuu! :*














Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon