No one's POV
Beep. Beep. Beep.
Ang alarm clock sa tabi ng lumang foam na higaan ay tumutunog na parang galit na galit sa mundo. Si Maxwell Red Lim o Red lang para sa lahat ng nakakakilala sa kanya ay humikab nang malakas habang inabot ang alarm para patayin iyon.
"Tangina naman," bulong niya sa kanyang sarili at ang mata niya ay sarado pa rin. "4 AM na naman."
Pero hindi siya pwedeng magreklamo. Hindi siya pwedeng tamarin. May pamilya siyang binubuhay.
Bumangon siya mula sa foam, ang mahaba niyang pulang buhok ay gulong-gulo pa. Kinuha niya ang hair tie sa bedside table, isang lumang pula na hair tie na galing pa kay Ate Cal at nag-simula na sa pagbuhol ng buhok niya na usual low bun. Neat. Simple. Practical. Ganyan lagi ang style ni Red.
Tumayo siya at tumingin sa sarili sa maliit na salamin na nakasabit sa pader. Maputi ang kutis niya at namumula pa dahil sa antok, ang mga hunter eyes niya ay halos sarado pa. "Poganda pa rin kahit antok na antok" sabi ng Nanay niya. "Cute pa rin kahit lutang" sabi naman ni Ate Cal habang nanunukso.
"Ang cute cute mo, Red, pero mukha kang aswang," sabi niya sa sarili habang ngumingisi.
Kinuha niya ang towel na nakasabit sa pako sa likod ng pinto at lumabas ng kwarto niya. Ang bahay nila ay maliit lang, isang small house na parang shoebox, pero puno ng buhay. May sala na katabi ng kusina, isang kwarto para kina Nanay Taps at Tatay Dodoy, isang kwarto para kay Ate Cal, at isang kwarto para kay Red. Walang sala na naghihiwalay. Walang privacy na ganon. Pero okay lang. Sanay na sila.
Dumaan siya sa kusina at nakita niya si Nanay Taps na gising na, nagluluto na ng almusal.
"Red, anak! Ang aga mo naman gumising," sabi ni Nanay Taps, nakangiti. Si Nanay Taps ay maliit na babae, medyo mataba na, at laging may ngiti sa mukha kahit pagod na pagod na. Nagtitinda siya ng kakanin sa tabi ng kalye tuwing umaga...bibingka, puto, kutsinta, lahat na.
"May pasok ako ng six sa construction site, Nay," sagot ni Red at humalik sa pisngi ng nanay niya. "Kailangan maligo pa ako at mag-ayos."
"Ay sus, ikaw talaga," sabi ni Nanay Taps, hinampas nang bahagya ang braso ni Red gamit ang sandok. "Pagod na pagod ka na niyan, anak. Bakit ba kasi ang dami mong trabaho?"
"Nay, alam mo naman," sabi ni Red, ngumingiti pero halata ang pagod sa kanyang mga mata. "Para sa inyo to. Para may pang-bili tayo ng mas okay na gamit. Para may pang-aral si Ate Cal kung gusto niya mag-advance sa work niya."
"Ang tatay mo at ako, may trabaho naman kami---"
"Nay, hindi enough," putol ni Red, mahinang lang pero may firmness sa boses. "Alam natin yun pareho. Kaya ako nandito. Kaya ako nagtatrabaho nang ganto."
Si Nanay Taps ay tumingin kay Red, ang mga mata ay nangungusap ng maraming bagay...proud, worried, sad, at thankful. Pero hindi na niya sinabi. Hinaplos niya lang ang pisngi ni Red.
"Sige, maligo ka na. Magluluto ako ng extra rice para sa baon mo."
"Salamat, Nay."
.
.
.
Ang paliguan nila ay maliit lang. Walang shower, puro tabo lang at balde ng tubig. Pero ginawa nang normal ni Red ang lahat. Malamig ang tubig, especially sa umaga, pero okay lang. Nakakapagpagising.
Habang nagsasabon siya, nag-iisip siya.
Construction worker mula 6 AM to 2 PM. Tapos delivery rider mula 3 PM to 10 PM. Minsan may extra job pa on weekends...loading and unloading sa Divisoria. Pagod na pagod na ako, pero kakayanin.
Ang katawan ni Red ay matipuno na dahil sa trabaho...may muscles sa braso, sa balikat, sa hita. Matangkad siya, 5'5 ang tangkad", at may presensya na masculine pero hindi aggressive. May confidence pero hindi bastos. Ganyan si Red. Respected sa Tondo kahit bata pa lang.
Natapos siya sa pagligo after ten minutes. Kinuha niya ang panyo at pinunasan ang katawan, tapos sinuot ang working clothes niya...faded jeans, black sando, at checkered polo na 'di niya naman bubutunan. Steel-toed boots na lumang-luma na. Work gloves na may butas na sa daliri.
YOU ARE READING
Sugar & Love|MIKHAIAH
FanfictionSometimes, love finds you in the most unexpected place and suddenly, you're home.
