Pagmamahal mong kay wagas
Di akalaing ito'y magwawakas
Ang batid ay mahal ng lubusan
Ngunit di naisip na ika'y lilisan
Sa ngiti mong kay tamis
Puso ko'y nahumaling ng labis
Sa pagsabi mong mahal moy iba na
Puso ko'y biglang naulila
Sa tuwing naaalala ka
Anong lungkot ang nadarama
Puso'y umaasang babalik kapa
Ngunit sa isip, parang imposible na
Maging masaya sana sa piling niya
Huwag sayangin aking pagpapaubaya
Sabihin mang puso ko'y nasasaktan
Ngunit di parin mapapalitan,
Kung sino talaga ang nandyan
Palaging pagatatandaan
Na kahit puso koy iyong sinugatan
Patuloy paring pahahalagahan
Ating wagas na pagmamahalan
ESTÁS LEYENDO
Panulaang Filipino by @dim_preslyn
PoesíaSa una naiintindihan Sa huli dina maunawaan Paano ba ipaliliwanag Mahal kita kaya ako'y naduduwag Baka masira kung anong meron tayo ngayon Maging ibang tao na pagdating ng panahon Kaya ipapaubaya nalang sa iba Madadama mo diyan ang tunay na pagsi...
