Prologue

25 7 1
                                        

Reader Warning ⚠️

This story is a work in progress.
It may contain:

✔Cringe-worthy moments (you've been warned 😬)

✔Random, messy thoughts and chaotic scenes

✔Inconsistent pacing or sudden jumps in the story.

✔Awkward social interactions

✔Typos, grammar mistakes, awkward phrasing and general "stuffed" writing.

Please bear with me and enjoy the experience in S.H.I.T school!!

This story starts here...

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

Ahhhhhh!!!

Sigaw ng babae mula sa loob ng kotse. Malakas ang ugong ng makina-ramdam na ramdam niya ang pwersa habang kumakabig ang sasakyan sa kalsada. Habang ang kanyang kasama ay pukos na pukos sa daan.

Akalain mo bang 100 km/h ang takbo nila.

Ang traffic pa.
Lahat ng sasakyan sa paligid nila?
Naka-preno. Usad-pagong. Puro busina.

"Hindi normal 'to! HINDI 'TO NORMAL!" sigaw ng babae habang kumakapit sa handle ng pinto.

"Simple lang naman sagot ng tanong mo. " malamig na sagot ng lalaki.
"Magaling ako."

"MAGALING NA SIRANG ULO KA!"

Ahhhh!!!!

beeeep! beeeep!
...

HONK! HONK! HOOOONK!
"HOY ANAK NG-!" sigaw ng taxi driver na halos masabitan nila.

Ahhh!!!

"Ano ba?!Papatayin mo ba tayong dalawa?!" sigaw ng babaeng halos mawalan ng boses. Nilingon niya ang lalaking nagmamaneho, pero hindi pa rin ito umimik.
"Kung gusto mong magpakamatay, ikaw lang!"

Ahhh!!!

Sigaw niya ulit ng muntik na silang mabangga ng isang malaking truck-isang pulgada lang ang pagitan.
Nanlamig ang buong katawan niya.

"Jac- ahhhh!!!!"

"Kanina ka pa!" Napuno na ng inis ang lalaki.
"Pwede bang tumahimik ka?"

"Sino bang hindi matatahimik niyan, baka mamaya masalubong na natin si San pedro o kaharap na natin ang gate ng langit!" Pasigaw niyang sabi.

Lumingon ang lalaki, deadpan expression pa.
"Bakit? Sino bang may sabi na sa langit ka mapupunta?"

Napalingon siya, iritang-irita.
"Aba!-AHHHH!"

Sigaw niya habang ang nadaanan nilang driver ay nag busina galit,pero hindi pa rin sila huminto.

Hindi sila pwedeng huminto.

*police siren*
*helicopter noise*

"Ayan na sila!"

"Tahimik"

He slammed his foot on the gas.
Umangat sa 120 km/h ang meter.

"B-bilisan mo! Papalapit na sila!"

"Tahimik kasi."

"Ikaw kasi eh! Sinama mo pa ako sa mga kalokohan mo!" sigaw niya, halos mapigtal ang seatbelt sa higpit ng kapit niya.

Nilingon ulit ng babae ang likuran-
nandoon pa rin ang mga pulis, halos hindi makasingit sa siksikan pero pilit sumusunod.

My Sweet SecretStories to obsess over. Discover now