chapter one

8 3 1
                                        

---

✨ PROLOGUE

Si Stell ang tipo ng taong madaling ngumiti pero mahirap basahin. Tahimik, laging may iniisip, at parang laging may tinatago sa likod ng mga mata niya.

Si Ken naman ay maingay, makulit, palatawa—iyong tipo ng taong kayang pasayahin ang buong kwarto.

Dalawang magkaibang mundo, pero isang hila ng tadhana.

At sa pagitan ng tawanan, selosan, at mga lihim na hindi agad mabibitawan… doon mabubuo ang kwento nila.

---

✨ CHAPTER 1 – ANG SIMULA NG HINDI DAPAT O DAPAT TALAGA?

🍓POV:

Maulan  Hindi yung malakas na bagyo—yung ambon na parang hindi matapos-tapos, pero sapat para maging malamig ang pakiramdam.

Nakatayo ako sa waiting shed ng campus, nakasabit ang earphones, nakatingin sa mga patak ng ulan. Tahimik magisa.

Hanggang sa biglang may tumakbong papunta sa akin.

“Stell! Pre! Pwede makisilong? Grabe—nabasa ako ng ambon!”
Si Ken pala basang-basa, pero nakangiti pa rin na para bang hindi siya nilalamig.

Napatingin ako at napapikit saglit. Ito na naman…
Yung ngiti ni Ken—yung ngiting ayaw niyang tanggapin na gusto niya.

🍓:Tssk. Ang kulit mo,” sabi ko habang inabot ang panyo.
🐣:Huh? Sayo to? Ako gagamit?.

🍓:Hoy, oo Gamitin mo bago ka magkasipon. Huwag kang maarte.”

Ngumiti si Ken, mas malambing kaysa sa dapat.
🐣:Salamat, Stell. Ang bait mo talaga… kahit kunwari suplado ka.nahiya ako ng bigla niya sabihin yun.

🐣:Hindi ako suplado. Hindi lang ako maingay tulad mo.”

Naglakad si Ken palapit, halos dikit na ang balikat nila.
🐣:Pero gusto mo ako, ‘di ba?.

Biglang nanghina ang tuhod ko at Mabilis akong  umiwas ng tingin.
🍓:Ano bang pinagsasabi mo? Ang kapal.”

Ngumiti lang ang loko parang sanay na sanay na siya.
🐣:Hindi ko naman sinabing romantically pero oo sana ganon.

Tumahimik ako at Napalunok. Sana nga bulong ko ng mahina.

Habang patuloy ang ambon, nanahimik kaming dalawa—pero hindi awkward.
Kung may musika siguro ang katahimikan, iyon yung tipo ng tugtog na parang may sasabog na emosyon sa dulo.

🐣:Stell,” tawag ni Ken.

🍓:Hm?”

🐣:Pwede ba tayo mamaya? Kape lang. Gusto kong makausap ka."nagulat naman ako".

🍓:Kailangan ba natin mag-usap?”

🐣:Hindi… pero gusto ko. Kasi parang may tinatago ka.”
Tinignan ako ni Ken diretso walang iwas.

Napahawak ako sa ulo. Ito na naman… ang hirap mong hindi pansinin, Ken.

🍓:Sige…” mahina kong sagot. “Pero sagot mo kape.”

Nagningning ang mata ni Ken.
🐣:Talaga? NICE! Date—este—kape, kape pala. Kape lang.”

🍓:Grabe ka,” sabi ko pero hindi ko mapigilan ang mapangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

friendship moment Stories to obsess over. Discover now