CAUGHT
"I really don't like what you are doing Ron."
"What? are you chickening out? Cut the crap Inigo."
"If we get caught what will you do huh?"
Ngumisi ako sa kanya. Nababading na naman siya. Mas risky nga sa part ko dahil ako ang gumagawa ng krimen pero parang siya pa ang nababahala. So righteous of him.
"Just fuckin cover me."
Kumuha ako ng isang bote ng alcohol sa fridge at pinasok ito sa jacket ko. I also picked a chips and inserted it inside my shirt. Malaki ang jacket ko habang payat naman ako kay hindi mukhang may laman ang ilalim nito dahil maluwag.
"Someone's coming." Bulong ni Inigo.
Tumigil na ako sa pagkuha ng chichirya at nagpanggap na namimili ng bibilhin.
"Wala palang Lala dito Inigo, lipat tayo sa kabila." Pagpaparinig ko sa staff na papalapit.
Mabilis na tumango si Inigo at sumunod sa akin. Naririnig ko ang mabilis na paghinga niya dahil sa kaba, dahilan bakit lumaki ang ngisi ko. Bakla. Ilang hakbang pa ay matagumpay kaming nakalabas ng convenience store. Nilabas ko ang tawa ko nang makitang mukhang natatae ang aking kasama.
"You're such a bad influence man!" Sabi niya sabay hampas sa balikat ko. Napangiwi ako dahil medyo masakit iyon.
"Tangina ang bigat ng kamay mo!" Sabi ko sabay suntok sa tiyan niya.
He groaned in pain. Nanghahampas ng babae kalalaking tao. Kahit na kilos lalake, isip lalake, at bihis lalake ako babae pa rin ako no.
"Nakalimutan ko babae ka nga pala." Ani niya at tumawa.
Minura ko siya at inulan ng asar. Malaking lalake kasi siya, six footer at malaki ang katawan pero duwagin, kaya palaging nakasunod sa akin dahil ayaw niya rin makasama ang iba naming tropa. Kaming dalawa lang ang nagkakasundo.
Lumakad na kami patungo sa isang madilim na iskinita. Alas onse na ng gabi at nasa labas pa kami. Ganito na ang buhay na aking nakasanayan. Gabi-gabi nasa lansangan nakikipag-inuman.
Nilabas ko ang dalawang bote ng alak na nakuha ko at ibinigay ito kay Inigo. Kinuha ko na rin ang chips at binitbit. Unti-unti ay nasisilayan ko ang grupo ng kalalakihan na maingay na naghihintay sa amin.
"Nandito na sila Ron!" Sigaw ni Kilton.
Sampung kalalakihan ang nasilayan ko. Kumpleto ang mga kumag. Nakaupo sila sa sirang mga upuan, habang ang iba ay nakasandal sa dingding at naninigarilyo.
"Alam mo Ron sayang ka talaga, napakaganda mong babae pero sinayang mo lang." Ani Ryan na mabilis kinuha ang mga inumin at binuksan ito.
"Reklamador kang kumag ka, makakainom ba kayo ng libre kung hindi ako ganito?" Tugon ko naman.
Tumawa silang lahat at inasar si Ryan.
"Huwag ka na kasing magsalita kung ayaw mong matrashtalk." Ani Jude.
Tahimik lang si Inigo sa tabi ko habang nakikinig sa mga asaran ng mga tropa namin. Lumapit ako sa naninigarilyong si Paul at humingi ng isa. Binigyan niya ako at siya na rin ang nagsindi ng lighter para itapat sa sigarilyong nasa bibig ko na.
