Rein's POV
Hay na'ko, mahirap talaga kapag maganda na matalino pa, may naiinggit talaga.
Buti na lang Friday ngayon, sarap na kasing sungalngalin ng bunganga ni Tatiana. Secretary namin. Parinig nang parinig porke ako yung lalaban sa intrams namin, kung inggit pikit na lang. Gusto niyang siya yung lalaban as muse e ako nga muse nila palibhasa crush niya kasi yung escort naming pinsan kong hambog. Hindi niya alam na pinsan ko 'tong hambog na 'to kaya grabe kung makaselos. Hayst gusto nila pagbuhulin ko pa sila.
"Makakasagot kaya siya sa Q&A? 'Cause you know guys ang bobo niya, for sure na matatalo lang sila." pagpaparinig niya na naman, kasama niya na naman alipores niyang maaasim gaya niya. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Alam mo, alam mo sa sarili mo na sa ating dalawa mas matalino ako sa'yo. Hindi ka nga makaperfect sa Exam kahit anong gawin mo. You're such a pathetic jerk, people pleaser at trying hard. Kahit anong gawin mo hinding-hindi mo ako malalamangan. You know why? Immature ka kasi masyado kaya maraming may ayaw sa'yo" Namula naman ang mukha niya dahil sa inis. Mahigpit na nakasarado naman ang kanyang mga kamao na anomang oras ay gustong-gusto na akong sugurin at saktan.
"Mas marami ka ngang issue kaysa sa akin." Owsss
"Sa'yo lang din naman nanggagaling 'yang mga issue na 'yan. As if naman na may maniwala sa'yo." Inirapan niya lang ako
"Pikit ka na lang tuwing nakikita ako ah? Hirap talaga kapag inggit lahat gagawin. Ganito talaga kapag maganda na matalino pa kinaiinggitan" biglang sumulpot si Daniel at hinila na ako. Siya ang escort namin. Maraming nagkakacrush sa kanya kasi nga pogi naman, hambog lang talaga. Nilingon ko sila at itinaas ang gitnang daliri.
"Nakikipag-away ka na naman sa baliw na 'yon" mahina niya pinitik ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.
Actually magkaibigan naman talaga kami dati ni Tatiana, pero akala ko lang pala. Lumalapit lang pala siya para kopyahan ako, akala ko mabait siya pero kapagnakatalikod ako sinisiraan niya ako. Kung hindi ko pa nalaman sa ibang tao na inagaw ko raw boyfriend niya hindi ko malalamang sinisiraan niya na pala ako. Inagaw boyfriend niya e ang asim asim no'n masyado pang pasikat.
"Last 3 days na lang practice natin para sa gagaping intrams" shet oo nga pala. Sa Monday na.
"Manalo kaya tayo? Gagi feel ko nga hindi e, kalaban natin yung isang section sa STEM na magagaling pagdating sa pageant" nung nakaraan STEM student ang nanalo, ang yayabang tataas ng tingin sa sarili.
"Tiwala lang, Kairein Gabrielle. Mananalo tayo."
"E, pa'no kung hindi? Baka matulala ako, yung escort nila yung crush ko e. Ano gagawin ko?" Eme, wala nga akong kilala sa kanila
"Hayaan mo siya, focus sa goal. Kapag nanalo tayo bibilhan ka ng new phone." Oo nga, new phone kapag nanalo kami.
Dumiretsyo na kami sa sakayan ng Jeep, kairita mga barker nanghihila. Sa jeep kami na medyo masikip sumakay para diretsyo alis na.
"Ikaw na magbayad ah, libre na lang kita pamasahe paakyat sa phase 5." Wala na siyang angal na tumango.
"Manong bayad po, dalawang Pagrai. Estudyante. Galing po sa Cogeo" nagbayad siya ng bente besos. Lugi 30 pesos pamasahe paakyat sa phase 5
Mahina niya akong sinisiko, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Gab ang pogi oh" Mahinang bulong niya at nginuso ang lalaki na kaharap ko.
"Gagu, 'wag kang makulit keltokan kita mamaya pagbaba natin." Sinusundot niya kasi tagiliran ko. Napatingin naman sa'kin ang lalaki. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nakakahiya. Ito namang katabi ko tawa nang tawa.
