Ang Dalawang Goldfish

36 0 2
                                    

­­­­­­­­­­­­­ANG DALAWANG GOLDFISH

Written by: LittleMerryGold

March 17, 2013

STEALING IS A CRIME

WARNING: DO NOT READ ALONE.

Prologue

                Minsan, may dalawang pagong na minahal ang isa’t isa ngunit hindi maaari ang kanilang pag-iibigan dahil ayaw ng magulang ng babaeng pagong sa lalaki dahil bakla raw ito at hindi raw pagmamahal ang nararamdaman nito para sa kanyang anak kundi inggit dahil sa pagiging babae nito. Ayaw ng magulang ng babaeng pagong na magkaroon ng relasyon ang kanilang anak sa isang baklang pagong kaya ginawa nila ang lahat huwag lamang mapalapit ang loob ng kanilang anak sa baklang pagong. Ngunit sadyang matigas ang ulo ng dalawang pagong na nag iibigan kaya’t pumanig sila sa ipinagbabawal ng pag-ibig. Kumbaga sa ipinagbabawal na gamot ay droga, ang ipinagbabawal na pag-ibig naman ay ang pagtatanan. Nagtanan nga ang pagong lovers at hindi pinansin ang sasabihin ng iba.

                Ngunit hindi dito iikot ang ating istorya. Obvious naman kasi sa title na tungkol sa goldfish ang istorya natin diba? Eh tungkol naman sa pagong yung nabasa nyo kaya hindi dun iikot ang ating istorya. Pasakalye lang yon dahil walang magawang matino ang inyong crocodile na author na walang ibang inisip kundi kumain.

                Ang mga pagong na nabanggit sa itaas ay katabi ng aquarium ng mga bidang goldfish natin. Magkasama ang mga pagong at ang ating bida sa iisang pet shop na pag-mamay ari ni Miss Marie Hwa. May ibang kwento ang pag-iibigan ng dalawang pagong na yon. Ngayon, dito tayo magfocus sa istorya nating, ANG DALAWANG GOLDFISH. Enjoy! >:D

                A/N: Ito po ang first story ko. Kahit may iba na kong naisulat na hindi matapos tapos, ito ang kinoconsider kong first story ko. Sana matapos ko na to. XD Basahin nyo lang po ito at magcomment po kayo. Kailangan ko po kasi ng comments nyo para malaman kung ano dapat ang iimprove ko at yung strength ko. Bago palang po kasi ako kaya I hope you will enjoy my story! Nainspire po kasi ako kay bestfriend. Nagsusulat kasi sya ng mga story. Ayun. Nakigaya lang ako. XD Tsaka hindi ko po kasi alam kung san ibubuhos ang kacornihan ko kaya naisip ko po na magsulat na lang ng story kesa naman sabihan ako ng ‘ang corni mo talaga!’ Yun lang po!

Lovelots,

LittleMerryGold :))))) 

Ang Dalawang GoldfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon