Mariin akong napapikit. Dama ko ang pagtataasan ng mga balahibo ko sa batok.

"At katulad ng sinabi ko..." Inilapit niya ang mukha at tinitigan ang aking labi. "I'm gonna make that girl mine."

Inangkin niya ang aking labi. Napasinghap ako kasabay nang pagbaba ng kamay niya sa hita ko. Marahan at maingat itong humaplos na mabilis na nagpahina sa aking mga tuhod.

"Phoenix..."

He stopped kissing me on my lips but it traveled along my jaw to ear. He bit it gently which made me moan. Humigpit ang kapit ko sa kanyang batok. Nakaramdam ako ng takot dahil baka bigla kaming mahuli ng nanay o kaya ng mga kapatid ko.

"P-please... stop it." Ang mainit niyang dila ay naglaro sa pinakasensitibong bahagi ng aking tenga. "Baka... dumating bigla sila Nymph."

Tila natauhan siya dahil agad siyang umatras. Inayos niya ang kanyang damit at napasabunot sa kanyang buhok. Mariin siyang pumikit at nang magmulat siya ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Muli niyang hinakbang ang distansyang namamagitan sa amin at inayos din ang aking damit.

Matapos gawin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko at iniupo sa upuan sa harap ng hapagkainan.

"Eat, binibini." Utos niya.

Hindi ko na siya muling tinignan. Hindi ko man makita ay batid ko ang pag-iigting ng kanyang panga.

Buong araw akong tahimik dahil buong araw din siya sa aming bahay.

"Dami nating naging customer ngayon." Puna ni Asia.

Nakaupo kaming tatlo nila Oria at Marian sa sofa. Inilabas ko ang mga lotion at oils na binili pa ni Mrs. Quejas sa ibang bansa. Tumingin ako sa wall clock.

"Linggo kasi." Sabi ko.

Naramdaman ko ang paglingon nila sa akin. Inangat ko ang tingin sa kanila at pinagtakhan ang biglang pagpaskil ng ngisi sa labi ni Oria.

"Linggo." Ulit niya. "Last time, pumunta iyong gwapong lalaki dito, diba? Ano nga pa lang pangalan niya, Millicent?" Makahulugang tanong ni Oria.

"Sino?" Nagpatay-malisya ako.

Isinara ko ang kahon at itinabi ito sa cabinet.

"Sus! Kunwari pang hindi kilala!" Ani Marian.

"For sure, manliligaw mo iyon. Hindi ako magtataka na ligawan ka ng ganoon kayaman na lalaki, Millie." Ngumuso si Asia at hinaplos ang kanyang buhok. "Ang dami nang nabihag ng ganda mo. Pati nga si Nigel diba? Baliw na baliw sayo. Kumusta na pala kayong dalawa?"

Iniwas ko ang tingin pagkarinig sa pangalan na iyon. Dinampot ko ang aking bag.

"Tara na. Gabi na. Magtitinda pa ako ng mani sa plaza."

Natahimik silang tatlo pero alam kong igagalang nila ang desisyon ko na 'wag munang magsalita. They know me. Ilang taon na din naman kaming magkakaibigan at huling-huli na namin ang ugali ng isa't-isa.

Ngayon ay gusto ko munang unti-unting bumangon sa sakit na dulot ni Nigel kaya ayaw ko muna siyang pag-usapan.

Sinasabayan nila ako paglalakad, mahinang nagkekwentuhan. Nawalan na din ata sila ng ganang magchikahan dahil sa akin. Ramdam kong nag-aalala sila.

Papara na sana ako ng tricycle nang biglang may kumalbit sa akin. Kumunot ang aking noo nang lingunin ko si Marian.

"Bakit?" Tanong ko.

Umangat ang kanyang kanang kamay at may itinuro. Sinundan ko iyon ng tingin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Nigel na nakasandal sa kanyang kotse.

SurrenderWo Geschichten leben. Entdecke jetzt