SIMULA

40 4 1
                                        

TINO

Tahimik akong nakaupo sa silyang yari sa kahoy ng kawayan habang nakatanaw sa malawak at tahimik na karagatan.Maingat ang aking paghigop sa mainit na kape habang masayang pinakikinggan ang mahinang paghampas ng alon sa dalampasigan.

Hindi ko namalayang gumuhit ang ngiti sa aking labi.Hindi batid sa kung ano ang dahilan.Marahil sa ganda ng tanawin o baka sa kapayapaang nararamdaman.

Malinaw pa sa aking alaala ang lahat,lahat nang kaganapang nangyari sa mga nakaraang taon.Bagaman humilom na ang mga natamong sugat mula sa digmaang iyon subalit hindi pa rin tuluyang humihilom ang kalungkutan at hinagpis dito sa aking dibdib mula sa pagkawala ng mga taong malapit sa akin.

Muli akong humigop ng kape sa aking tasa habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa bughaw na karagatan.Hinahayaang tangayin ang aking isipan ng mga alaala nang nakaraan.

" anong iniisip mo? " bigla akong napapitlag dahil sa pamilyar na boses na narinig mula sa aking likuran.

Kaagad kong hinanap ang may-ari nito hanggang sa dumapo ito sa makisig na lalaking nakatayo sa gilid ng pinto nitong kubo.Basi sa hitsura nito,mukhang kagigising lang niya sapagkat magulo pa ang mga hibla ng kaniyang mga buhok at naniningkit pa ang kaniyang mga mata.Lumawak ang aking ngiti nang magkasalubong ang aming mga mata.

Marahan kong inilapag ang hawak-hawak na tasa sa katabing mesa bago ito nilapitan.Kaagad nitong ibinuka ang kaniyang mga braso at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.Sinuklian ko rin naman siya ng isang mahigpit na yakap at mahinang halik sa pisngi.Naramdaman ko ang pagsiksik ng kaniyang mukha sa aking leeg at marahan niya itong dinampian ng mga pinong halik.

" kumusta ang tulog mo? " tanong ko habang nananatili pa rin kami sa ganoong puwesto.

" hindi mo ako ginising " may bahid ng pagtatampo nitong tugon at mas lalo niya pang isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.Hindi ko tuloy maiwasang mapahagikhik dahil sa kiliting nararamdaman mula sa mga balbas niyang papatubo ulit.

" konsensiya ko pa kung ginising kita gayong rinig na rinig ko ang iyong malakas na paghilik kagabi dahil sa kapaguran " paliwanag ko naman.

Dali-dali itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin habang nakataas ang kilay ako nitong tiningnan,animo'y binabasa ang aking mukha kung ako ba'y nagsasabi nang katotohanan o inaasar lamang siya.

" oh?ba't ganiyan ka makatingin? " usisa ko.

" hindi ako humihilik " depensa niya pa.

" talaga? " pang-aasar ko't ginaya ang tunog ng kaniyang paghilik.

Kahapon,naisipan niyang akyatin ang bundok sa likod nitong kubo kung saan kami pansamantalang namamalagi.Una pa lang,sinabihan ko na siyang masyadong mataas ang bundok na iyon para sa kaniya lalo pa't hindi naman siya sanay sa pag-akyat.Pero dahil matigas ang ulo niya at ang nais niya lang ang masusunod kaya pinagbigyan ko.Sa unang mga kilometro,ang taas pa ng enerhiya niya,ang dami pang mga kalokohang naiisip,pero habang pataas kami nang pataas,napapansin ko na ang pagbabago sa kilos niya at hindi na iyon nagbago hanggang sa makarating kami sa tuktok.

" gusto mo pa bang umakyat? " tanong ko ulit.Nakayakap na ito mula sa aking likuran habang kapwa kaming naharap sa malawak na karagatan.Tanging ang mga hampas lamang ng mga alon ang maririnig sa paligid.

" ayoko na,maligo na lang tayo sa dagat " suhestyon niya na siya namang sinang-ayunan ko.

Masaya naming pinagsaluhan ang inihanda kong umagahan.Simple lang ang niluto ko pero kitang-kita ko kung paano niya na ito pinahahalagan.Habang abala ito sa pagkain,tahimik ko lang naman siya pinagmamasdan.Ang saya ng puso ko sa totoo lang at natatakot ako na baka ang kasiyahang aking nararamdaman ay mayroong kapalit.

The Son of Medusa 3Những tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ