// 34. Mystery

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mag-usap kayo ng ayos. I know magkakasama na kayo." Naisip kong hindi pa niya kasama si Dennis.

"Gusto ko nga siyang kausapin sana eh."

"Bakit hindi mo magawa? Nasaan ba siya? 'Di ba magkikita naman kayo?"

"Hindi kami magkikita ngayon." Isang malakas na tibok ang nanggaling sa puso ko at kasunod nun ay kinabahan ako.

"Bakit daw?"

"May lakad daw siya."

"Saan daw?"

"Next week na daw kami magkita eh. Ewan ko sa kaniya. Wala siyang sinabi basta sabi niya may lakad siya."

"Ilang beses na 'yan?" tinanong ko siya kasi baka naghihinala na si Jhen na may babae si Dennis at kung tama ang hinala ko, baka may ibang babae pa si Dennis.

"Ngayon lang pero marami akong napapansin sa kaniya. Tatapatin na kita Ate Carla sana hindi ka ma-offend," Sobrang kinabahan ako pero kung ngayon lang pala niya ginawa 'yun, 'yung ibang napapansin ni Jhen, baka dahil sa'kin 'yun but iba ang ngayon. "Noon kasi hindi ko siya madalas yayain magsex dahil lagi siyang nasasabik sa'kin pero ngayon, halos buwan nang wala. Hindi naman ako sabik sa sex pero nakakapagtaka 'di ba? Baka may babae siya. Please Ate Carla, help me."

"Sige, ako ang bahala. Hindi ko naman siya napapansin eh," Oh my god! Kahapon lang meron nga pala siyang kausap sa phone. "Kausap ka ba niya kahapon sa phone?"

"Maghapon' hindi ko siya kausap."

Oh my god!

"Sige, babalitaan kita."

Matapos namin' mag-usap. Si Dennis na agad ang tinawagan ko.

"Hello, Dennis."

"Oh Carla."

"Bakit ang tagal mong sagutin?"

"Sorry, nasa bulsa ko, hindi ko narinig 'yung--"

"Sino ang kasama mo?!"

"Galit ka?"

"Sino nga ang kasama mo?"

"Wala! Sino pa ba?"

"Hindi mo kasama si Jhen kaya umamin ka na. Kung wala kang ibang ginagawa, sabihin mo ang totoo."

Napahinga siya ng malalim.

"Mag-iinom kami ng mga kasamahan ko."

"Bakit hindi mo sabihin kay Jhen?! Nakausap ko siya kaya nalaman kong hindi kayo magkasama."

"Ayaw niyang nag-iinom ako eh."

"Akala ko naman nang babae ka na."

"Hindi ah. Ano ka ba?"

Hindi niya sinabing mahal niya ako.

"Pakausap sa kasama mo?"

"Papunta pa lang ako."

"Bakit kasi ang aga niyong mag-inom? Baka may mga babae kayo ah."

"Wala ano ka ba? Ibababa ko na 'to. Baka malobat ako."

"Mag-usap tayo mamaya ah."

"Okay sige. Huwag mong sabihin kay Jhen."

"Oo, I love you."

"Okay, ibaba mo na."

Binaba na niya. Hindi niya ako sinagot kaya nagduda ako. Kung alam ko lang kung saan siya pupunta. Tinawagan ko siya uli. Ayaw niyang sagutin kaya nagtext na lang ako.

To: Dennis
Hey! Why you're not answering my call? Pwede ba akong pumunta kung saan ka pupunta. Siguro naman pwede? Hindi naman siguro magsusumbong ang mga kasama mo diyan.

Fuck! Ang tagal niyang magreply. Hindi na ako mapakali. After an hour ay sa wakas nagreply siya.

From Dennis:
Wag ka munang magtext dahil wala akong dalang charger. Hindi ka pwedeng sumama. Puro lalake kami.

Nakakainis naman. Hindi mawala ang duda ko sa kaniya. Nag-open ako ng facebook at nakita ko na may status si Rony. Nagpost siya ng photo at natandaan ko 'yung lugar kaya nagtext ako sa kaniya.

To: Rony
Hi girl! I saw the picture you uploaded just now. Was it new?

Reply: Yeah! Why!

Me: Nothing. Alam ko kung nasaan ka?

Hindi na siya nagreply. Nagpunta ako sa mall kung nasaan siya. Gusto ko sana siyang yayain pero hindi na siya nagreply. Baka sakaling andoon pa siya. Kung wala na naman. Ayos lang. Dahil motor ang gamit ko, kahit malayo 'yun. nakarating agad ako. Hindi na ako nagtext sa kaniya para ipaalam na nasa mall na ako. Para hindi niya isipin na sinundan ko siya. Naglalakad ako at naisipan kong dumaan sa nakahalerang restaurant. Nagutom kasi ako. Boring din pala pag nag-iisa. Pero...

Parang si Dennis 'yung nakita ko ah. Lumingon ako. Oh my god. Bakit andito siya at may kasamang babae? Sino kaya 'yun? Kilala ko si Dennis kahit nakatalikod siya dahil bagong gupit. Sinamahan ko siyang magpagupit. Siya talaga 'yun. At pasimple kong kinilala 'yung kasama niya...

Si Rony?!

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon