I tried to write a horror story this November, I don't know if I'll scare you but I'll try anyway.
Date: N0vember o1, 2025
T¡me: 11:34 pm
N0te: Hindi 'to masyadong brutal kaya kalma, relaks ka lang diyan.
- iambwah
---------------------------------------
Normal ang araw na iyon, pauwi na kami galing sa field trip. Nasa anim kaming lahat na magkakasama. Maingay na tumutunog ang bus habang katahimikan naman ang namamayani sa loob. Hindi kami nag-iimikan o nag-iingay manlang. Hindi ko naman kasi sila gaano kaclose kahit magkakaklase pa kami.
Kung bakit ba naman kasi anim lamang kaming magkakasama sa field trip na ito? Tapos nagpaiwan pa doon si ma'am Capimpim.
Ngunit sa hindi naming malamang dahilan, bigla na lang nawalan ng malay si mang Victor, ang driver ng sinasakyan naming bus. Kaya nagkagulo kaming lahat. Kita ko ang takot sa mga kasama ko. Kahit ako man ay ganon rin. Hanggang sa nabangga ang bus sa malaking puno.
Wala kaming kamalay-malay na ang field trip na ito ang magdadala sa'min sa nakakakilabot at sa madugong laban na mangyayari sa buhay namin.
***
"Ano bang lugar 'to!!? Aaaahhh.. Tanginang ulo to ang sakit!!" sigaw ni France kaya umilingawngaw sa kagubatan ang malakas niyang boses.
"Tangina mo France manahimik ka diyan ha!!" inis na bulyaw sa kanya ni Nail. Tiningnan niya ito ng masama. "Tangina mo rin Nail! Tarantado ka!! Huwag mo kong murahin fuck you ka!! Di tayo close!" galit na bulyaw naman niya dito. "Kupal ka ah!! Halika rito suntukan tayong hayop ka!! Angas neto!" susugurin na sana nila ang isa't isa nang sumingit sa gitna nila si Hailey.
"Nail! France! Tumigil na nga kayo! Nasa nakakatakot na nga tayong sitwasyon ngayon tapos mag-aaway pa talaga kayo!?" napahawak na lang ito sa sariling ulo habang masamang tinitingnan ang dalawa.
"Tama si Hailey, ang mas kailangan nating unahin at isipin kung paano tayo rito makakalabas?" singit sa usapan ni Jackie.
"Hoy Jackie sa lawak ng kagubatang ito, sa tingin mo ba mararating ng isip natin kung na saan ang tamang labasan? Pati nga 'yung sinakyan nating bus at si mang Victor nawala na lang na parang bula! Hindi niyo rin ba na pansin? Yung kalsada.. Tingnan niyo bigla na lang rin na wala... so ano to? Pinaglalaruan tayo ng maligno!?" tumingin kaming lahat kay Vernis.
"Huwag ka nga magsalita ng ganyan bitch ka! Walang maligno rito!" nilapitan ni Vernis si Hailey tsaka niya ito pinakyuhan.
"Hindi ba dapat si mang Kanor 'yung driver natin? Pero si mang Victor ang dumating.. Tapos ano? Malalaman na lang nating nasa hospital siya dahil may kung sinong mabangis na hayop raw ang umatake sa kanya? Tsaka hindi niyo ba na pansin, agad-agaran niyang pinatakbo ang sasakyan paalis? Maglalagay pa sana ako ng blush on sa mukha pinaandar na niya! Kaya tingnan niyo, ang putla tuloy ng mukha ko!"
"Kahit naman maglagay ka pa ng maraming blush on sa mukha maputla ka parin! Tsaka, ang dami mong napapansin no? Anong gusto mong palabasin pakana to lahat ni mang Victor?"
Ngumisi si Vernis ngunit matapang ang mga mata nitong nakatingin kay Hailey.
"Ganda mo Hailey no? Ganda mo! Pokpok ka namang hayop ka!! Basta, malaki ang hinala ko kay mang Victor! Bahala kayong magbulagbulagan!" lumayo siya sa'min tsaka sumindi ng yosi na agad ko rin namang pinatay. Hinawakan niya ako sa leeg, hinayaan ko lang siyang gawin 'yun.
"Hanggang dito ba naman sa kagubatan Mojito dala-dala mo parin iyang pagiging good boy mo? Ang boring mo talaga!"
Binitawan na nito ang leeg ko.
