At kahit barado na ang kanyang lalamunan dahil sa pag-iyak ay nagawa pa rin n'yang sagutin si Fred. "I know now. Alam ko na ang pagkakamali ko kay Greg. And I promise you Fred, gagawin ko ang lahat to make everything better. Hindi ko rin kayang wala s'ya sa buhay ko."


Napangiti si Fred dahil sa sinabi ni Sandra. "So does this mean your answer is yes?"


"A resounding yes!"


"I'm so happy for the both of you. I'm sure kung si Greg ang nagpropose sa 'yo ay abot hanggang langit ang saya n'ya. Thank you Sands for making him happy. He hasn't been this happy in a long time."


"Ah Fred, can I ask a favor from you?"


"Sure, kahit ano."


"Actually dalawang favors. First, can you drive me to the hospital tomorrow? I need to see him again."


"No problem. What's the second one?"


"I want to make everything right and make it up to him so I'm gonna need your help."


"Anything for you and Greg."



********



Kinabukasan ay sinundo nga ni Fred si Sandra at, kasama si Mrs. Gallego, ay nagtungo sila sa ospital. Habang nasa kotse ay panay ang tingin ni Sandra sa labas habang pinaglalaruan ang engagement ring na nakausot sa daliri n'ya.


Sa ospital ay nadatnan nila Sandra si Mrs. Antonio. S'ya lang ang naiwang nagbabantay doon. Agad naman silang nag-akapan. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin si Fred para pumasok sa opisina.


"Sandra, gusto mo na bang puntahan si Greg sa loob?" Mrs. Antonio asked.


"Ah Mommy, Tita. Pwede ko po ba muna kayong makausap?"


"Of course, hija. Maupo muna tayo dito."


"Everything okay, anak?"


She took a deep breath before speaking, "I am asking your permission po, kapag magaling na po si Greg ay magpapakasal na po kami. Hindi po kailangang magarbo, kahit civil wedding lang po muna."


Nagkatinginan muna ang dalawang nanay bago magsalita si Mrs. Antonio. "Ah hija, don't get me wrong, ikaw ang gusto kong makatuluyan ng anak ko pero hindi pa parang nagmamadali kayo?"


"Tita, we've waited for each other for 10 years. Kung hindi pa po 'yun pagiging patient, I don't know what is."


This time it was Mrs. Gallego's turn to ask, "Sandra, hindi ba mas magandang kayong dalawa ang magdesisyon ng tungkol sa bagay na ito?"


"Mommy, he has already thought about it. Sagot ko na lang po ang kulang. And now I am saying yes," Sandra replied then showed off her ring.


"Oh my!" ang naiiyak na sabi ni Mrs. Antonio.


"At may isa pa po akong pakiusap." Sandra saw Greg's mom nod so she went on, "Kung pwede lang po ay pagkalabas ni Greg ay doon po kami titira sa condo namin. Kung sa kanya ba or sa akin ay pag-uusapan na lang po namin. Gusto ko pong makabawi sa kanya sa lahat ng sakit na binigay ko sa kanya. Alam ko pong na-shock din kayo sa biglaang pagbubuntis ko. Opo, hindi ako anghel, pero pinapahalagahan ko po ang relasyon namin ni Greg. I want to be with him and I know he wants that, too. Kung gusto n'yo po ay unahin na namin ang pagpapakasal para naman po hindi maging masama ang tingin ng mga tao sa amin."


"Hija, nobody's judging you," Mrs. Antonio said.


"Magpagaling muna kayo, anak, at kung sa piling ng isa't isa kayo mas mabilis makakarecover, then so be it. 'Wag na natin pansinin ang mga sasabihin ng ibang tao"


"Thank you po Mommy for understanding. Thank you po Tita."


"No. I think calling me mommy is more appropriate now." After a few moments of silence ay pinapasok na ni Mrs. Antonio si Sandra sa kwarto ni Greg. "Sige Sandra, bisitahin mo na ang napakaswerteng anak ko. Sabihin mo lahat sa kanya itong pinag-usapan natin at baka biglang gumising. Alam mo naman 'yon, atat pagdating sa 'yo. Oh and by the way, he moved his finger last night. I think this is a sign."


Mas lalong nabuhayan ng loob si Sandra dahil sa balitang ito kaya dali-dali s'yang pumasok sa loob at umupo sa tabi ni Greg.


"Hi Babe! Nandito ulit ako binibisita ka. Sabi ng mommy mo ginalaw mo daw yung daliri mo. Ibig bang sabihin malapit ka na gumising? Oh at paggising mo ay medyo maraming mangyayari. Una na doon ang pagpapakasal natin. I have spoken to your mom and my mom and they have agreed. Ang dapat ko na lang kausapin next ay ang mga daddies natin. Pero sa palagay ko hindi na rin naman tayo pipigilan. Tapos we're gonna live together. Saan mo gusto – sa unit mo o sa unit ko? Ikaw na ang mamili. Kahit anong desisyon mo ay okay sa akin. Kung saan ka, doon din ako. Kahit anong gusto mo okay lang sa akin basta bumalik ka lang. Namimiss na talaga kita. I love you. Mahal na mahal kita. Bumalik ka na sa akin, Babe, please."


Mula sa labas ay nakasilip si Mrs. Gallego sa kanyang anak habang kinakausap nito ang kasintahan. Sobrang awa ang nararamdaman n'ya para dito. "Lord, please po pabalikin n'yo po si Greg sa anak ko. Parang awa n'yo na po," ang mahinang n'yang dalangin.





Basta't Kasama KitaWhere stories live. Discover now