"Nay! anong ginagawa niyo diyan?", tanong ng ale sa matanda

Maghihiwalay ang dalawa at magugulat, "A... anak! Eto, pina-ayos ko lang yung nawawala kong gamit sa package ng kuya mo!", sambit ng matanda at lalapitan ito ng ale

"Eh... 'Nay, hindi naman po rito yung pinagpadalhan eh! Sa kabila po! yung padala branch na isa!", ituturo ng ale ang lokasyon ng dapat nilang pinuntahan

"Ah... eh, Ganun ba???", nahiyang sambit sa anak at magbibigay ng paumanhin sa mga nasa loob.

Kakaway ang ale sa mga tao at huhuguting palabas ang nanay, "Salamat ho sa inyo!"

Pagkatapos makaalis ay pupuntahan ni Lawrence ang kasama na natulala sa matandang nakausap habang ang kanilang Madam ay pabulong na magsasalita... "Marupok pala ang utak ah..."

"Wow Tol! Naka-score ka na naman ah... Kumusta ang free throw?", wika ni Lawrence at titingin kay Trumpet na mapapayuko

"Pwe! Naisahan ata ako dun ah! Akalain mong malapit na niyang tumbukin yung alaga ko! Buti na lang pinigilan ng aleng yun!", banggit ni Trumpet na halatang pinagpawisan

"He he! Pero iba yung nakita ko kanina eh... Nung hinalikan mo si lola, parang tinamaan ka talaga sa sex appeal niya eh!", wika ni Lawrence na titingin sa masungit na madam, "Di ba Madam..."

"Huy! Ano ka ba...", pabulong na pagsiko ni Trumpet sa kaibigan

"Uuuy... Nagseselos ata...", bulong ni Lawrence pagkatapos mag-iwan ng namumulang mukha si Madam NJ at mananatiling tahimik.

Habang naghihintay pa ng ibang mga customer at ipapadalang package, napili muna nina Lawrence at Trumpet ang maglinis sa isa pang kuwartong puno ng mga liham at nagpasiyang magwalis-walis ng kaunti.

"Tol! wala ka bang ibang naiisip na mas cute na idea bukod sa mga nakakabuwiset na pick-up lines?", tanong ni Lawrence sa kasama

"Pick up lines? Cute? Para saan naman yun?"

"Hindi... diba kunwari may kursunada kang babae tapos gusto mo siyang alayan ng mga magpapasaya sa kanya na galing sa puso mo!"

"Naku... at sa akin ka talaga nagtanong ng ganyan ah! Alam mo namang makita lang nila akong hubu't hubad eh masaya na sila sa akin nuh!", nakangiting banggit ni Trumpet

"Anak ng... yung seryoso naman Tol! Kasi hindi ako marunong gumawa ng tula, ng anekdota, ng prose, ng sonnet o kahit nobela na ala-Noli Me Tangere... Tsaka nag-aalangan akong magbigay ng bible verses at baka pumasok sa kumbento yun di kalaunan"

"Teka...", mag-iisip na wika ni Trumpet, "Dati kasi, mga high school ako nun, may ginawa akong parang palaisipan na kapag pinagsama-sama eh bubuo ng isang buong salita... o pangalan! Nakalimutan ko na kung anong tawag sa pattern na yun eh! Pero cute yun..."

"Palaisipan???", mag-iisip na wika ni Lawrence, "Oo nga nuh! Masubukan nga..."

Mapapansin ang nagniningning na ngiti sa mga mata ni Lawrence, "Teka... Teka! Parang ngayon ko lang ata napansin sa'yo ang pagsusulat ng ganyan... Yung totoo? Nag-da-drugs ka na nuh!"

"Ulul! Hindi ah... may gusto lang akong pasayahin na babae..."

"Bakit? hindi ka pa ba kuntento sa katawan ni Sydney???", banggit ni Trumpet na ilalapag ang walis tambo sa gilid ng shelves.

"Sydney? Alam mo namang hindi ko mahal yung tao eh!"

"Oy!", banggit ni Trumpet na bubugbugin ng walang pwersa ang pisngi ng kausap, "Limang taon... Limang taon kayong naging magsyota ng tao tapos hindi mo siya minahal ni minsan?"

"Alam mo namang may dalawang anak na si Syd... sa magkaibang lalaki! Tapos, magkikita lang kami nun kapag ang bago niyang kinakasamang sundalo ay naka-distino sa malayong lugar!", wika ni Lawrence at tatapusin na rin ang pagpunas sa mga maalikabok na bakanteng lagayan ng mga sulat, "Tsaka... hindi ako nagsabi ng 'I Love You' sa kanya ni minsan"

"Pero ako Tol... I love You!", biglang banggit ni Trumpet na magpapatunganga kay Lawrence, "Huli!!! Ha ha! Meron ka na ngang ibang pinopormahan anu? Ikaw Tol ah... marunong ka nang magsikreto sa akin! Haaay... naku! Ewan ko sa'yo!"

At maiiwang kinakabahan si Lawrence sa kanyang kinalalagyan.

Ilang minuto bago magsipag-out sa trabaho, maiiwang nagkukuwentuhan sina Janice at mga kaibigan sa kanyang cubicle.

"Oh my! Another stupid note... Sis, para namang walang kakuwenta-kuwenta ang line na yan! Mabuti pa itulog mo na lang yan sa kuwarto mo! Stressed ka lang", sabi ni Rubie kay Janice

"Pero mga Sis, nakakatuwa naman 'di ba?", ani Janice at ipapakita ang huling note:

SANA AKO NA LANG ANG TUWALYA MO,

PARA KAPILING MO AKO PAGKATAPOS MO MALIGO

"Isa lang ibig sabihin niyan Sis...", nakangiting sambit ni Rhyna na nakahanda na ang mga gamit, "Mabaho ka na! Kaya... maligo ka na! Ay... makalayas na nga rito!"
Maririnig ng lahat ang buzz na senyas ng pag-alis sa trabaho. Mauunang lumabas sina Rubie at Rhyna upang maghintay sa pagbubukas ng elevator habang si Janice ay napiling i-turn off muna ang CPU ng computer bago kunin ang bag. Makikita niya ang isang papel na nagtatago sa pinaka gitnang ilalim lamang ng kaniyang CPU. Kinuha niya ito at binasa... ISANG LITRATO NG MOST WANTED CRIMINAL. Saglit na binuksan niya muli ang Internet Explorer sa computer at itinype ang pangalan sa ilang mga researches at pdf. Unti-unti niyang ini-scroll pababa at binasa ang isang article na may kalumaan na.



Sa pag-scan ng kaniyang dalawang mata ay mapapa-tigil hininga ito... mapapanganga... at magugulantang!



































If we fall in-luvWhere stories live. Discover now