"Hindi na..."

"Yes! Salamat sa Diyos at nakalaya na siya...", masayang sambit ng bata

"Hindi siya lumaya...", patuloy ng kapatid, "Tumakas siya!!!", at lalong humagulgol

"A... ano? B... bakit?"

"Natatakot kasi siya sa mga kasama niya roon na araw-araw siyang minomolestiya at pinagmamalupitan na inuutangan din ni Tatay... Rodolfo.."

"Ate... Lawrence na po!"

"Ah... Lawrence, ang ganda pala ng ipinangalan sa iyo!"

"Isang matulunging santo po yun!"

"Sige... Lawrence, samahan mo kami ni nanay sa pagdarasal at paghingi ng tawad para sa ating pamilya ah...", umiiyak na banggit ng kapatid

"Makakaasa kayo ate... makakaasa po kayo...", sambit ng bata na nanginginig na isinara ang dalawang kamao at iiyak.

Nang humantong sa 18 anyos, binigyan na rin ng laya ng mga paring nag-aalaga kay Lawrence kung gusto niyang magpatuloy sa seminaryo o gusto niyang mamuhay sa labas na kapiling ang sariling pamilya. Pinili ni Lawrence ang pamilya at kumuha ng part-time job sa mga supermarket upang mapagsabay ang pag-aaral at pagtulong sa pamilya. Sa pagbabalik sa kanilang bahay ay lumipat sila ng mas murang paupahan na malayo sa dump site upang iwas sa mas malalang kalagayan. Nag-enroll ng 5-year course sa Electronics Communications Engineering si Lawrence na bago pumasok ay pinaasikaso sa ina ang birth certificate sa munisipyo at idinagdag ang Rodolfo sa pangalan. Wala pa rin silang natatanggap na balita sa ama noon habang ang kapatid na babae ay tumatanggap ng labada kapag may tumatawag sa kanila. Isa sa mga pinakamatalinong mag-aaral si Lawrence na lagi pang napapapunta ang nanay sa stage upang magsabit ng medalya hanggang sa isang araw ay may kumatok sa kanilang bahay sa kailaliman ng hatinggabi... ANG TATAY!

Payat, puti ang buhok at nanghihina. Ganito ang ama ni Lawrence nang bumalik sa kanilang inuupahan. Marami itong suntok at may saksak pa ng kutsilyong nakabaon pa rin sa kanyang tagiliran. Hanggang sa may dumating na limang armadong tao sa kanilang pintuan.

"Walang kikilos! Kung hindi sasamain kayo sa amin!", nakakatakot na banggit ng astang lalaki na leader, maskulado , tattooed at itututok ang hawak na baril kay Lawrence

"Huwag po... mga kuya! Huwag po!", nagmamakaawa at natatakot na wika ng ate ni Lawrence na kayakap ang nanay. May isang lalaki ang tinutukan din ang mga babae.

"Mga kuya... pakiusap po, huwag niyo po kaming sasaktan!", nakataas ang kamay na sambit ni Lawrence habang tinititigan siya ng leader mula ulo hanggang paa

"Mga kasama! halughugin ang buong bahay at kunin ang lahat ng makikitang mapapakinabangan! Ha ha!", banggit ng leader sabay sipa sa nakatumbang ama nina Lawrence at magpapabaon pa ng saksak sa tagiliran

Nilimas ang lahat ng alahas, medal na ginto, lahat ng pera, gadget, appliances, at pati mga gamit na brief ni Lawrence na nasa basket ng labahan.

"B... Bakit po pati ang mga underwear ko?", tanong ni Lawrence sa mga kasamahang paalis na ng kanilang bahay. Ibababa ng leader ang hawak at kukuha ng smack sa labi ni Lawrence. Magboboses bading ito, "Crush kita eh... Hmm! Ampogi!"

"Mother... tara na't mag-darna effect para maka-alis in wonderland na ang mga bekilu ditey!", malanding banggit ng isang may hawak ng mga ninakaw

"Sige na nga... Hoy! At least, bayad na sa utang niya ang tatay mo sa amin sa kulungan!", maharot na banggit ng baklang leader na iiwanan ng flying kiss ang lahat, "Let's Go Sis!!!"

Kakalabitin ng mga nagnakaw ang gatilyo ng baril at tatalsik ang mga tubig sa paligid. WATER GUN. Maingay na aalis sila sa bahay at magbubulungan.... "Paamoy nga niyan... Hmmh! Fresh na Fresh! Sana dinukot na rin natin yung boy..."

Aalalayan ni Lawrence ang amang nanghihina sa sahig.

"Tay... tatay! Dadalhin ka namin sa ospital!", banggit ni Lawrence habang dahan-dahang binubuhat ang ama.

"Huwag... Huwag na anak! Ma.. ma... saya ako...", sabi ng ama

"Ano ka ba 'tay! may saksak ka na nga't nadukutan na tayo... matutuwa ka pa rin?", inis na sambit ng panganay

"Ma... masaya ako..", sabi ng amang pupungay pungay ang mata, "Ka... Kasi nakita na kita! Uuuhgs! ", at ipapahid ng ama ang madugong kamay sa mukha ng anak

"Tay...", umiiyak na banggit ni Lawrence at hahalikan ang kamay ng ama hanggang sa lagutan ito ng hininga.

ITAAAAAAAAY!

Lumipas ang maraming taon at nanumbalik sa pagiging kapus-palad ang pamilya ni Lawrence Rudolf Guanzon. Huminto sa pag-aaral si Lawrence upang makatulong sa buntis na kapatid at mabigyan ng makakain ang nanay na halos araw-araw ay depressed at lulong sa maraming bisyo. Hinamak niya ang iba-ibang trabaho hanggang sa makilala si Trumpet at ipinasok siya sa LVC at nakilala rin si Madam NJ.

"Tol! Sino pala yung sinasabi mong baliw kanina sa pagbalik natin???", usisa ni Trumpet na kasabayang maglakad pauwi ang kaibigan

"Ah... yung chick na binigyan natin ng box nung nakaraang taon! Sayang... ang ganda pa naman!", sagot ni Lawrence na may bitbit na backpack at suot ang bagong uniform

"Hooh! Ayan ka na naman eh! Ganyang-ganyan din yung sinabi mo nung nakilala natin si Sydney eh! Tsk! Ikaw talaga..."

"Pero... parang iba itong babaeng ito at challenging kung paano ko siya mapapasaya...", nakatulala sa langit na sabi ni Lawrence

"Ano? eh baliw na nga yung tao tapos pasasayahin mo pa lalo? Sigurado ako gutom lang 'yan...", wika ni Trumpet na makakakita ng nagtitinda ng kwek-kwek sa daan. Tatapikin niya ang kasama sa siko, "Tara! Bogchi naman YoTa!"


















Pupuntahan ni Trumpet ang nagtitinda at maiiwang nakatigil na nakangiti sa daan ang kaibigan.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now