"Kuya... kuya... Wala po bang package para sa akin?!", nakakaawang usisa ni Janice na hahawak sa dalawang malamang braso ng binata

Maghahanap si Lawrence ng pangalan sa hawak na papel, "Eh Ma'am... ano pong name nila?"

"Janice...", ala-'Gollum' na tinig ni Janice, "Janice Behosano..."

"Aha! pasensiya na po...", titingin sa babae, "Wala po ma'am eh! Hintayin niyo po sa ibang mga araw!"

"Hindi...", pagpilit ni Janice na lalong hahawak sa polo na suot ng lalaki, "Meron 'yan! I-double check mo! I-double check mo!"

"Ma'am... wala po talaga, eto po oh! hanapin niyo pangalan niyo rito...", sambit ni Lawrence at ipapabasa ang hawak na papel. Pagkatapos makita ni Janice ito ay iiyak siya at lalong hihigpitan pa ang hawak sa polo.

"Hindi... meron 'yan! B...Baka nagkamali lang kayo sa pag-print... B... Baka na-delay lang ng ilang segundo! Hu! hu! kay Julius!", naghi-hysterical na banggit ni Janice na unti-unting pupunit sa suot na polo ng binata

"Ma'am... ang kulit naman nito, Wala nga ho eh!"

Mas lalakas ang tinig ni Janice at mas lalong sisirain ang hawak na polo, "Akala mo lang wala!!! Pero Meron yan! Meroooooooooooon!", paluhod na iiyak si Janice at maiiwang hubad ang damit na sira-sira na ng kausap. Pupuntahan sila nila Leo at lola mula sa loob ng bahay.

"Janiiiiice!", sigaw ng lola na tumayo mula sa wheelchair at binuhat ang apo. Patuloy ang pag-iyak ni Janice na dahan-dahang pauupuin ng lola sa kanyang wheelchair. Si Leo na bitbit ang tuwalya na maliligo na sana ay kinausap ang napunitan ng damit ng pinsan at humingi ng dispensa.

"Eh, baliw ata yang babaeng 'yan eh! Namimilit sa amin na may padala raw ang buwisit na hinahanap niya!", galit na sambit ni Lawrence kay Leo na sinusundan ng tingin ang babaeng nakausap

"Pasensiya na Pre! Mabigat lang kasi talaga ang loob niya!", pakiusap ni Leo na makikitang wala nang pang-itaas ang lalaki. Ibibigay niya ang maroon na tuwalya, "Heto! para hindi ka naman lamigin sa pagbiyahe niyo! Sorry ulit sa ginawa ng pinsan ko ah!"

"Ah... Pinsan mo ba yun?", tanong ni Lawrence na isasapin sa katawan ang ibinigay na tuwalya ni Leo, "Sayang... ang ganda pa naman, baliw nga lang!"

Maririnig nila ang tinig ni Janice sa malayo... "Crispin... Basilyo... Sisa... How do you brush your teeth??? Hu Hu Hu!". At isasara ng lola ang gate upang papasukin sa sala ang nagugulumihanang apo.

"Teka... paano nga ba iyan nasiraan ng bait?!", tanong ni Lawrence sa binata

"Ah... iniwan ng boyfriend niya! Yung boyfriend na sobrang minahal niya... sobrang nagpasaya sa kanya at nagparamdam na espesyal siya sa ibang mga babae", sagot ni Leo

"First Love niya ba yun?!", dagdag ni Lawrence

"Hindi... pangalawang boyfriend! Alam ko yung una niya, pagkatapos nilang gumradweyt sa college eh sumama daw sa kapwa lalaki... At ngayon ay nagpa-sex change na rin!"

"Ah... grabe naman!", patuloy ni Lawrence

"Oo nga... kaya nga sobra niyang minahal yung mayamang si Julius na laging nagbibigay sa kanya ng regalo kahit hindi Pasko at may kasama pang mga note na tula-tulaan ba! Eh nangibang bansa na..."

"So... yun pala ang sinasabi niyang Julius... yung nagpadala sa kanya nung una naming box na binigay rito?!"

"Oo Pre! yung may kasamang goodbye letter... Simula noon na hindi na nagpadala ulit kay Ate Janice, parang pinagsukluban na siya ng langit at impiyerno. Haay... Kawawang kawawa naman talaga... ang bait bait pa naman niya!", malungkot na banggit ni Leo

Mag-iisip saglit si Lawrence, "Kung bakit kasi may mga lalaking ipinanganak na ganun eh... yung mananakit lang ng mga babae. Pero nabanggit mong pumunta yun sa ibang bansa, bakit hindi sinundan ng pinsan mo?"

"Mas mahalaga kasi kay Ate ang pagiging journalist niya... pinapili siya nung Julius Yap kung trabaho o siya, siyempre mahirap yun para kay Ate Janice na pinagsikapan niyang maabot sa maraming taon..."

"So, journalist pala ang ate mo!", mag-iisip na wika ni Lawrence, "Siya ba yung nakita sa tv na umiyak sa isang noontime show?"

"Ay! oo... napanuod mo rin pala! Hinding-hindi kasi mawala sa isipan niya si Julius... Wala naman kaming ibang hinahangad ni lola para sa kanya kundi ang maging masaya siya ulit! Yung maging inspired siya ulit...", banggit ni Leo na ang kausap ay nakatingin sa loob ng kanilang bahay kay Janice na gusot pa rin ang mukha, "Sana may lalaki pa rin diyan na handa siyang ipagmalaki at pakasalan kung ano man siya bilang tao..."

"Ah... sige Pre! at baka kailangan ka na ng pinsan mo sa loob! Salamat sa tuwalya!", wika ni Lawrence at makikipagkamay sa kausap

"Teka... ano bang pangalan niyo?!", tanong ni Leo

"Ah... Lawrence 'tol! Lawrence"

"Oh... okay! ako naman si Leo... Salamat din sa pang-unawa at ingat kayo ng tropa mo!", banggit ni Leo na sasaludo sa paalis na kausap at papasok na sa loob ng bahay. Papasok na ring nakatapis si Lawrence malapit sa driver's seat ng nakaparadang van. Pagkasara ng pinto ay makikita niyang humihilik na nakanganga si Trumpet sa harap ng manibela. Agad itong lalatiguhin ng tuwalya ni Lawrence upang magising.

"Huy! Tol! Akala ko ba idol mo si Kuya Germs na ang motto ay...'Walang.... Tulugan!' haha!", bungad ni Lawrence

"Oy! ang tagal mo kasi kanina... sa pagkakaalam ko eh isang magaang package lang naman ang ibibigay mo sa matabang yun...", sabi ng bagong mulat na si Trumpet at mapapansin ang nakahubad at nakatuwalyang kaibigan, "Ampota... hindi mo naman sinabing sinamahan mo maligo sa shower yung matabang babaeng yun ah!"

"Ulul! hindi ah!... nasira polo ko dahil sa baliw na yun!"

"Baliw??? sinong baliw?"


















"He he! Basta... tara na at naghihintay na si Madam NJ dun", sambit ni Lawrence na itataas ang dalawang kamay at hahawak sa likod ng upuan. Naka-cover ng tuwalya ang kanyang harapan nang paandarin ng drayber ang sasakyan at mag-iiwan ng salita si Trumpet sa kaibigan, "Sabi mo eh!"


If we fall in-luvHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin