Naalimpungatan ako sa bulyaw ng aking ina at pagkalabog ng pinto sa aking kwarto.
"Alas diyes na ng tanghali!!!". "Ma, mamaya na antok pa ako"talukbong ulit ng kumot at unan. "Anu bang problema mong bata ka , malalate ka na sa eskwela". galit nitong sambit. "Wala akong pasok ngayon declared holiday". naiinis kong sagot habang pilit na tinatakpan ng unan at kumot ang aking ulo. "Kapag di ka gumising malalagot ka saking bata ka",gigil nitong sagot sa aking pangangatwiran. Sa katunayan wala din akong nagawa sa umagang pagtatalo namin ng aking ina. Araw-araw itong nagaganap sa aming tahanan dito sa Batangas. Daily routine kumbaga, wala naman akong magagawa sa masermon kong nanay. Ako nga pala si James 19 taong gulang tubong Bicol, pero dito na ako sa Batangas nag karoon ng pang unawa sa mga bagay bagay. Dito na kasi ako lumaki o pinagpatuloy ang buhay buhat nung 2nd year high school ako. Dalawa nalang kmi ni nanay na naninirahan dito sa munting tahanan na naipundar ng aking ama nung nangibang bansa siya. Di naman kalakihan , sakto lang para sa katamtamang bilang ng isang pamilyang pilipino. Nagtitinda ang nanay ko sa palengke ng karne, sakto lang din ang kita para matustusan ang pag-aaral ko sa isang institusyon dito sa bayan ng Rosario sa Batangas. Kumukuha ako ng kursong I.T (INFORMATION TECHNOLOGY) o Information Tsismissology ika nga ng mga kaklase kong walang magawa kundi maki-pagharutan at mag ingay sa loob ng klase.
Sa katunayan, may lakad kami ng mga kaklase ko ngayon sa SM CITY LIPA para manood ng sine, gigimik mamayang gabi at mag lalakwatsa,, kesa maghapong tumunganga sa bahay ng nag iisa. Sanay na ko sa ganitong sistema ng sibilisasyon ng aming probinsya , mabagal. Usad kalabaw na pamumuhay ng mga tao at chill lang ika nga nila. Pero Ako??? Kami??? Hmmm, Sasabayan namin ang pag ragasa ng tubig sa ilog paunahan kumbaga. Ito ang buhay ko magmula ng maghiwalay ang aking mga magulang bata pa ako nun siguro mga limang taong gulang palang ako nung itakas ako ng aking ina sa aking mata pobreng lola. Na aksidente kasi ang tatay kong engineer sa Saudi kinuha ito ng aking lola na ubod ng kuripot. Itinakwil kasi ang tatay ko nung magpasya silang magsama ng pobre kong ina na nakilala niya nung kolehiyo. Apat kaming magkakapatid, ang tatlo kong kapatid ay nasa pangangalaga ng aking ama na nakatira sa lola ko sa Sto. Tomas , Batangas. Si Ate Jane na ikakasal daw sa susunod na buwan. Si kuya Archie na Nurse ngayon sa Canada, at ang sinundan kong si Klarissa na nagmana ng ugali sa kaawa-awa kong lola Adela.
Bumisita kasi ako nung nakaraang pasko sa kanila nakita ko ang pamumuhay ng aking mga kapatid. Tingin ko masaya sila, sa magandang university sila pumapasok.
Masarap na buhay. Di pinoproblema ang baon at mga bayrin. "Tsk" Yan na lang ang nasabi ko sa aking sarili pagkapasok ko sa marangyang pamumuhay ng aking mga kapatid. Masaya naman kami ng aking inang namumuhay. "Mahal na mahal ko siya." Ayaw ko lang talaga na napipirme sa bahay. Ako si James sa aking mga kakilala at kaibigan at dito magsisimula ang kwento ko.
"Drumroll" Hehehe
Estudyante ako ng isang institusyon sa bayan ng Rosario, iskolar at isang ulirang mag aaral pero may kapilyuhang taglay sa katawan. May kayabangan,medyo bastos, prangka at syempre marunong din naman umintindi. Ako yung tipo ng taong pag di mo kakausapin di iimik. Loner din ako minsan mas gusto ko kasi madalas na mapag-isa at tumahimik. Dun ko kasi nakikita ang presensiya ko o mas naiintindihan ko ang takbo ng paligid kung pinagmamasdan ko lang ito. Pili din ako sa mga kaibigan mas gusto ko ung medyo nakakatanda sa akin. Pakiramdam ko kasi mas marami akong natutunan sa kanila pagadating sa mga bagay bagay. Meron din naman akong mga kaibigang mas bata sakin. Mga kaklase ko. Yun nga lang pakiramdam ko sakit lang sila sa ulo, puro pasaway at problema ang dala ,mahihilig sumuong sa realidad ng buhay di naman alam kung panu lalabas. Lalong lalo na sa buhay pag-ibig. Mga taong di marunong umunawa ng pagkakasunod-sunod o step by step ng isang desisyon. Ngayon mag eenjoy ka isang araw malalaman mo nalang nasa kumunoy ka na ng pasakit. Turan nga ng aking guro i-enjoy nyo ang buhay habang bata pa kayo. I-enjoy ??? Eh pag sasaing nga siguro di alam ng mga isip-bata kong mga kaklase ehh.. mag enjoy daw??
Dapat nga tinuturuan sila kung panu maging responsable sa mga bagay para pagdating ng araw handa sila. Naglalakad ako nun para puntahan ang aking ina sa palengke, upang sabihing magkakaroon kami ng assessment kinabukasan. Pinagmamasdan ko ang mga taong paroo't parito. NAKAKAHILO! NAKAKABALIW! May mga batang namamalimos, mga nagtitinda , nagtatalo, nagdadate, may naghaharutan , hapon na hapon yun ang ginagawa nila. Nakakasawa.Nakakasuka. Nakanganga sa isang sulok imbes na mag general cleaning sa kanya-kanyang bakuran. May kanya-kanya ngang papel ang bawat nilalang dito sa lipunan. Pero bakit tila nagkakaroon ng pagkakaiba at pananaw pagdating sa agos ng buhay?
(San Antonio Quezon) 11:34am
Andito ako sa assessment ng TESDA , HRS daw toh (Hotel and Restaurant Services) di ko naman talagah toh alam , biruin mo yun IT yung course ko pero nag aatend ako ng mga ganitong assessment. Well, , hinila lang naman ako ng instructor namin dito. Eh vacant ako today di sumama na ako tutal pag pumasa ako may certificate. Kakabwisit nga lang kasi naman itong si Jacob aba ay andito din. "Malamang andito yan assessment nila yan ehh." bulyaw ni Dianne sakin kanina nung tinanung ko siya kung bakit andito si Jacob, yung BSBA student ng San Antonio,Quezon Branch ng School namin. Magmula umpisa ng assessment na ito wala na akong naramdaman kundi inis at galit. Galit na galit ako sa kanya biruin mo yun ngingiti-ngiti pa nung nasulyapan ako , "KAPAL NG MUKHA" .gigil kong bulong sa aking sarili. Paano kami nagkakilala ni Jacob?? Vice President kasi ako ng SGO namin siya naman official din yata siya ng SGO nila. Pagpasuk namin ng gate. may mga bumabati agad, malamang yung guard at mga organizer o kung anu man tawag sa kanila. Maya- maya di namin alam kung san kami pupunta pagpasuk namin sa gymnasium. Natanaw ko ang isang sulok na may mga upuan at may karatulang INFORMATION DESK Lumapit ako aba may lalaking nakaupo at wag ka, naka shades??!! HAHA Well, bagay naman. nilapitan ko, agad agad.
"Excuse me, kami yung officials ng Rosario Branch, tatanung ko lang sana kung san yung table namin o kung anu yung gagawin namin". aba ayaw pang sumagot natutulog yata, aba tindi nito. "Excuse po ulit ,san po yung...". "Bakit di mo itanong sa presidente nyo di ba dapat alam niyo na yun bago kayo pumunta dito!!". bulyaw nito sakin. "Ahh wala pa po kasi yung SGO pres. namin may emergency pong pinuntahan , di bale nalang po magtatanung nalang po kami dun sa labas baka po may makita kaming
I. Desk na mas matino yung nagbabantay, maraming salamat po sa pagtanggap at sa mapakinabang na impormasyon". sarkastiko kong sagot sabay walk out.
(Students Lounge)
"James, ayun na pala si ate Lorielyn ehh, kausap si Sir Dante", si Jovelyn. "Halika tanung natin sa kanya kung anung gagawin natin dito."sambit ni Dianne. "Buti pa nga nag-iinit ang ulo ko dito ehh". sagot ko. Nakaupo na kami sa mga assigned seats namin ng lumapit si ate Lorielyn sakin yung SGO pres. ng skul namin. "Ohh naka busangot ka nanaman? May problema ka na naman ba? Sino si tita?", pagtatanung ni ate Lorie. "wala toh ate gusto ko lang manapak! bubugbugin ko yung hayop na yun pag nakita ko". sagot ko. "Uy James ,parang ang galing mo sa basag ulo ahh, nagbago ka na ba? Ang alam ko kasi ,since elementary wala ka pang records",pang iinis niya. "Pwede ba ate, tigilan mo nga ako di ka nakakatuwa".", naiinis kong sagot. "Ehh sinu ba yung taong yun??".tanung niya. "Nakikita mo ba yung nasa tapat natin ,yung kausap ni Mam Che yung nakashades w/ hoody jacket na kala mo taglamig sa katirikan ng araw. Yun yung mayabang na yun.", gigil kong sambit sa kanya. "Ehh si Jacob yun ng San Antonio ehh, siya yung SGO pres. ng S.A Branch, siya din yung organizer ng event na toh. Siya nga ang na ayus at gumastos matuloy lang tong event na toh eh, wala pa ngang tulog yun. wag kang magalala mabait yun". pagpapaliwanag niya. "Ehh kung ganun naman pala bakit di siya humingi ng tulong sa ibang branch ehh di sana natulungan natin siya diba, haaayyy .,,ma pride na president",sabi ko. "Anu ka ba katatapus lang ng mga exams natin, bakit pag nag request ba pupunta kah??", pang aalaska nito. "Ohh siya siya tama na , kakahiya naman sayo dami mong alam." sabi ko.
"WELCOME!! RESPECTED OFFICIALS OF ALL ICT-ED BRANCHES, WERE HERE TO PROMOTE AND TO DISCUSS AND ORIENTATE SPECIALLY ON HOW TO INTERACT NATIONWIDE AND GLOBAL ISSUES. INCLUDING HOSPITALITY MANAGEMENT,TOURISM AND TECHNOLOGY OF COURSE. YES! I WOULD LIKE TO CONGRATULATE JACOB URAN FOR THIS EVENT, DAHIL KUNG DI DAHIL SA KANYA DI MATUTULOY ANG EVENT NA ITO. A ROUND OF APPLAUSE FOR JACOB PLEASE". Umaalingawngaw na pagbati ng head ng katangahang ito. Kung wala lang attendance na kailangan para sa mga minor subjects ko. Di ako mag tiya-tiyaga dito nuh. Di hamak naman na mas pogi ako sa mga dugyot na istudyante dito. Nakakabans talaga. Hindi naman ako HRM student e. Tinakbo ko na papunta sa nakaparadang sasakyan namin kanina. Nakapag attendance na rin naman ako. Tuulog na lang ako.
BINABASA MO ANG
Aso at Pusa : Dalawang Puso
RomanceSa buhay maraming mga bagay ang kailangang isaalang alang. Di ito parang panaginip na kontrolado ng isip. Mahirap din ihambing sa paghabi ng mga kamay ng mga titik na magpapakita sa natatagong damdamin ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
