Chapter 21

53 5 2
                                        


Ashley's POV


Flashback...


"Weeh? Mahal mo ko?" makulit na tanong ko. 


"Yes Fatima, I love you Ashley Fatima Smith and soon to be Manalo." proud na sabi ni Jiro. 


Loko talaga 'tong boyfriend-bestfriend ko. 


"Haha. Confident ka masyado Mr. Manalo ha? Sure ka bang tayo forever?" tanong ko sa kaniya. 


"Oo naman liit!" masayang sagot niya. 


Liit ang tawag sakin nitong Jiro ko. Kasi daw kahit ang liit ko, anlaki ko daw sa puso niya. Cheesy.


"Jiro, pano kung--- pano kung may mahanap kang ibang babae na mas maganda sakin?" tanong ko. 


"Edi. Pipikit ako."


"Promise?" I asked for assurance. 


"Promise."


End of Flashback...


Kwinento ko kay JK ang past ko.


"Eh pano kayo nagbreak?" tanong ni JK habang yakap-yakap ako sa tapat ng palubog na araw dito sa Baguio.


Flashback...


Papunta akong mall ngayon, nagyaya kasi si Jiro ko eh. Anniversary kasi namin as bestfriends and lovers.


*Mall*


At last, nandito na ako. Tawagan ko nga si Jiro...


Ring-Ring...


["Hello Jiro ko, san kana?"] tanong ko.  (A/N: [] Those means naguusap sa phone.)


["Fatima, nasa starbucks ako."] cold na sabi ni Jiro sabay inend niya yung call.


Bat ganon? Parang kinabahan ako? Ang cold kasi ni Jiro these past few days e. 


*Starbucks*


"Jiro. I'm here na!" bati ko,  sabay kiss sa pisngi nya. "Jiro, may problema ba?" tanong ko nang iwasan niya ang kiss ko. 


Hindi sya sumagot. Instead may tumawag sa kanya.


"Jiro. Babe!" tawag nang isang girl papunta sa amin.


"Be-babe?" gulat na sabi ko habang pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko.


"I'm sorry Ashley." yan nalang ang mga katagang nasabi niya. 


"Ha? Bat ka nagso-sorry? Wala ka namang ginagawang masama di ba? Wala naman diba?" pagtatanong ko dahil hindi malinawan ang isip ko sa mga nangyayari. 


"I'm sorry." 


"Jiro. Are you breaking up with me?" buong tapang na tinanong ko siya at hindi ko na napigilan ang pagluha, mas lalo akong lumuha when he nodded.


"Ashley, I'm very very so---" bago pa siya humingi ulit ng tawad pinutol ko na ito. 


"Don't be Jiro. Don't be. Sige. Siguro nga tapusin na natin 'to kasi ang sakit na eh. Ang sakit sakit na lokohin ako ng sarili kong boyfriend na bestfriend ko pa." sabi ko.


"I'm sorry." he said once again. 


"Puro sorry na lang ba ang sasabihin mo? Hahaha. Salamat Jiro. Salamat sa lahat. I love you so much, and... Good bye." pagpapaalam ko sabay halik ng huling halik sa pisngi ng taong mahal ko.


"Good bye Jiro. Goodbye!" 


Napakasakit palang magpaalam sa taong ayaw mong mawala sayo. Napakasakit pala talaga.


End of Flashback...


"Yon. Ang sakit sakit pala no JK? Yung ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo tapos bigla kang iiwan sa ere."sabi ko sabay tawa habang umiiyak. Weird. 


"Sssh. Tama na Fatima. Tama na." pagpapatahan sa akin ni JK. 


"Sorry." sabi ko sabay punas ng luha sa mga mata ko.


"Smile ka naman jan." pagpapagaan ni JK sa loob ko. 


Then I smiled. Yung ngiting parang wala ng bukas pa.


JK hugged me.


"Pero you know what? Gusto kong pasalamatan yang Jiro na yan." biglang seryosong sabi ni JK. 


"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko. 


"Kasi kung hndi ka niya iniwan hindi kita makikilala. Hindi kita magugustuhan. Hindi kita mamahalin ng ganto. I love you, Fatima."


And once again, I was lost. But this time, it feels right. 





































----------------------------------------------------

(A/N: That's it. Bukas ule ha? Pls. Sprrrrrreeeeeeeeaaaaaadddddd. Sisikapin kong mag update bukas. Kung, hindi ako busy. Hehehe. Thankyou, XOXO :**)

A notification from Juan Karlos (Juan Karlos Labajo Fanfiction)Where stories live. Discover now