Breakfast

51.1K 559 20
                                    

Chapter 1

Agad akong nagising sa ring ng cellphone ko,kaya agad kong kinapa kapa sa side table para masagot ko agad ang tawag ng bestfriend kong si Cindy.

Alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Hiniling ko talaga ang favor na ito kahit labag sa loob niya.

Kailangang gisingin niya ako tuwing alas singko ng madaling araw bago siya umuwi sa bahay nila galing trabaho.

Isa kasi siyang call center kaya pagtapos niya sa work tatawagan niya ko, ayoko kasing umasa sa alarm clock, tulog mantika ako eh. Kapag narinig ko yung alarm i ooff ko lang tapos makakatulog na ulit ako.


Hindi katulad ni bes. Maasahan siya talaga, hindi nya ko tatantanan hangga't hindi ako nagigising at lalo na kapag inaantok pa ko.

Almost two years ko na tong pinapagawa sa kanya, pero kahit minsan hindi ko narinig na umangal o nagalit siya sakin. Minsan nga, ako pa ang nagsusungit sa kanya kasi  mapang asar minsan, tsk.

"Hello,good morning Mrs. Samaniego. Kailangan nyo na pong bumangon sa kama para maligo agad! Syempre kailangan niyo pa pong ipagluto ang pinakamamahal nyong asawa na walang ginawa kundi sungitan kayo at alilain!" Eto na naman siya! Hindi ako maka singit ang haba kasi nang litanya na naman niya. Hindi  siya nagrereklamo sa pinapagawa ko sa kaniya kundi sa pagsisilbi ko sa asawa ko.

"Oo, eto na gising na! Kausap mo na nga ako diba!?" May pagka sarcastic kong sagot, pano naman ayan na naman kami sa sermon niyang walang katapusan!


"Ah! Ganon ba?! Gising na po ba kayo?! Eh di wow! Eh di ok! Eh ikaw? Kelan ka gigising sa katotohanan at kamartiran mo?! Kasi isang araw, ikaw na ang ipapalit Sa rebulto ni Rizal sa Luneta dahil sa pagiging-" Inend ko na yung tawag nya kasi alam ko magtatagal na naman yung sermon nya sakin at wala na kong magagawa.

Hindi na siya nasanay, alam naman niyang kailangan ko tong gawin. Alam naman niyang mahal na mahal ko si Lucas. Lahat gagawin ko para lang mahalin niya ko. Lalong lalo na ang mapatawad niya ko sa maling nagawa ko sa kanya at sa babaeng pinaka mamahal niya.

Natapos na din akong maligo at mag prepared ng breakfast ni Lucas. Dahil mamaya ay baba na din yun. Maaga kasing pumapasok yun sa trabaho, pero nagtataka ako minsan, ang aga niya palaging pumasok kami naman ang may ari ng kumpanya.

Baka pinapasok niya na din pati pagiging guard? Kidding! Masyado lang madaming ginagawa sa kumpanya kaya lagi siyang maaga pumasok. Sipag talaga ng asawa ko kaya mas lalo akong humahanga at mas lalo ko siyang minamahal.

May narinig na akong yabag nang lakad pababa ng hagdanan. Naku! siya na yan. Sana naman good mood sya ngayon. Wag sanang mag sungit na naman.

Pumunta ako agad sa hagdan para salubungin siya. Pagdating ko don, hays nakababa na pala siya. Ang bagal ko kasing maglakad eh!

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya at nakangiti pa.

" Ano ang maganda sa morning kung nakikita palagi kita. " Matabang niyang sabi sakin na nakasimangot pa.

"And why are you here?  Masiyado mong sinisira ang araw ko." Inis na inis niyang sabi sakin.

"Much better na bumalik ka na lang sa kwarto mo." Masungit niyang utos nang hindi man lang nakatingin sakin.

"Ahm, wait!" Masigla kong sabi sa kanya, nang tatangkain niyang umalis agad. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan at sumusuko ako.

" Nag luto ako ng breakfast for you, Sana naman kainin mo." Malambing kong hiling sa kanya. Pero narinig ko lang na nagmura sya. Kaya medyo nakaramdam ako ng takot pero kailangan hindi ako matinag, kaya ko to!

My cold husband DP 1(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon