One

41 2 22
                                        

1.

Zane's POV

"Ang aga ng tawag mo, ah. Ano na naman 'to?" Bungad ko kay Avery ng sagutin ko yung tawag niya. Nakahiga pa ako dito sa kama at tamad na tamad pang bumangon para sa klase ngayong umaga.

"Kagigising mo pa lang?"

"Oo, tangina mo... Istorbo ka, eh. Gusto ko pang matulog." Bakit kasi hindi nakavibrate yung phone ko? Ano ba namang buhay 'to o. Nagising tuloy ako dahil sa maingay na ring.

"Anyway... Hindi ko alam kung ikakatuwa mo 'to o hindi."

"Avery, tangina mo... Diretsuhin mo na kaya ako." Ang daming alam, nabubwisit lang ako sa ganito na hindi diretsahan magsabi, eh. Sayang lang sa oras.

Natawa pa nga ang gago. "Bro... Parang break na daw si Jamie at Nick. Nagdrop out si Jamie kahapon."

Agad akong napaahon sa kama at napasandal sa headboard. "Ano?!"

Puta, ano'ng nagdrop out? Ano'ng break?

So tama yung hinala ko? Nagbreak sila kaya halos walang gana si Nick? Na halatang napipilitan lang?

"Oo, bro. Kinausap daw si coach kahapon nung nagpunta ng campus para magdrop out. Aalis daw siya, eh."

Napakunot ako ng noo. "Bakit daw? Ano'ng nangyari? Tangina, ano'ng aalis? Bakit naman siya aalis?"

"Sabi ni Ellis, nung sinubukan daw ni Kai na tanungin si Nick kahapon tungkol sa kanila ni Jamie, napaiyak lang daw... Tapos ayun nga, nalaman ni Raven na nagdrop out si Jamie.

Parang matindi talaga problema nung dalawang yun simula nung birthday party niya pero hindi lang namin alam ang dahilan. Ilang linggo ko na ding iniisip kung ano'ng nangyayari sa kanilang dalawa.

Ako na nga ang naghatid kay Nick dahil naabutan kong umiiyak sa labas. Buti na lang nakita ko kaagad. Hindi ba siya tanggap ng parents ni Jamie? Pero tingin ko, hindi naman siguro. Hindi ko rin siya nakausap ng maayos dahil halos ayaw niyang sagutin yung mga tanong ko nung nasa kotse kami.

At itong Jamie, ni hindi na nagparamdam. Hindi na pumasok simula nung birthday niya, pota. Tatlong beses akong bumalik sa bahay nila at hindi ko rin nakausap dahil laging lasing at walang malay kapag naaabutan ko. Gago, nagpapakalango sa alak, eh hindi naman siya ganon katibay pagdating sa alcohol. Hindi ko rin nakausap kahit isa sa mga magulang niya para sana magtanong.

Ang sabi lang nung katulong nila, araw araw daw lasing at minsan lang kumain.

"Hindi niya daw sinabi kay Coach ang dahilan. Hindi rin daw makausap ng maayos. Nakiusap nga si Coach na patapusin na lang sana yung school year dahil baka wala agad pumalit sa kanya pero hindi daw nagpapigil, eh... Wala ka bang alam? Hindi ka talaga niya kinokontak? Tangina, ano'ng nangyari dun kay Jamie?"

"Hindi na sana ako nagtatanong sa 'yo kung may alam ako. Sinubukan ko nga ulit tawagan nung isang araw pero napuputol agad."

"Kaya pala ganon na lang kadistracted si Captain... Pota, gig na pa naman nila sa Friday. Magiging okay kaya yun?"

Oo nga, two days na lang at gig na nila.

Halatang hirap siya nung rehearsal. Hindi siya nakapagsabi agad sa bandmates niya na hindi nila magagamit yung studio ng Tito niya, ilang beses siyang nagkamali sa lyrics, at mukhang naiiyak palagi, halatang pinipigilan niya lang.

Well, Jamie being absent in their rehearsal already tells us that there's something wrong going on between them. He never missed her band rehearsals except when we had practice games or training.

The AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon