Ang break-up na walang dahilan

21 2 0
                                        


Kung akala ng lahat, perfect couple kami mali sila.

Ako si Celeste Ybañez, isang sikat na influencer at campus it girl. At oo, boyfriend ko nga si Alvin Cortez, varsity star, heartthrob, at ultimate crush ng buong university. Sa paningin ng iba, kami ang “Power Couple.” Pero sa totoo lang? Hindi niya ako kayang irespeto.

Minsan sweet, madalas toxic. At sa huli, napagod din ako.

“Alvin, break na tayo.” Diretso kong sinabi habang nasa hallway kami, napapalibutan ng mga estudyanteng akala’y teleserye ang eksena.

Napatawa lang siya, yung mapang-asar na tawa niya. “Break? Anong dahilan?”

Napakagat ako ng labi. ‘Yun nga ang problema wala akong konkretong rason na pwedeng ipangharang sa libu-libong tsismosa. Hindi ko pwedeng sabihing, ‘Kasi nakakainis ka.’ Dahil baka ako pa ang lumabas na kontrabida.

“Wala kang sagot, ‘di ba?” patuloy niya, mayabang pa. “Celeste, you can’t just dump me nang walang dahilan.”

At doon ako natauhan. Tama siya. Kailangan ko ng dahilan. Kailangan ko ng mas matibay na dahilan kaysa sa simpleng ayoko na.

At parang sinadya ng tadhana, dumaan sa harap ko si Ravi Mendoza isang simpleng campus scholar na halos walang nakakapansin. Hindi siya sikat, hindi varsity, at lalong hindi artista. Pero sa moment na ‘yon, siya ang nakita kong sagot.

“Actually,” ngumiti ako at hinila si Ravi papalapit. Halos mabulunan siya sa gulat. “May bago na akong boyfriend.”

Namilog ang mata ni Alvin. Napatulala naman ang buong hallway. At ako? Bahagyang ngumiti.

Be My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon