Naglalakad ako sa mall habang umiinom ng inumin, naglalaro sa aking isipan ang mga bagay na Tila walang katuturan. Panandalian akong nakatingin sa mga bagay na alam kong hindi ko naman bibilhin. Ngumiti ako nang lapitan ako ng isang saleslady, pero wala akong balak na bumili kaya't bago pa man siya makalapit,maagang umalis na ako.
Ganito na ang aking nakagawian. Ang pagbisita sa mall pagtapos ng klase. Bukod sa mas nakakaakit ang mall, malungkot rin ang mag-isa sa dorm. Walang kasama, walang gagawin kundi ang matulog. Mabuti sana kung paggising ko isa na akong prinsesa, binubuhat na lang para paliguan at bihisan. Pero hindi naman ganoon sa totoong buhay, lkaw ang bahalang magmaniobra ng buhay mo.
Napailing ako sa naisip. Kapag talaga nasa mall ka lahat ng kadramahan naiisip mo. Kung makapagsasalita ako parang napakahirap ng buhay ko, well, pwede naman na sabihin na mahirap talaga. Buhay kolehiyo na yata ang pinakamahirap na step sa life. Bakit ba kase kailangan pa 'to?
Nakakainis nga dahil mahirap pala talaga ang college, akala ko kasi tinakot lang ako ng pinsan ko noon. Bukod sa kailangan ko nang magseryoso sa pag-aaral, hindi ko pa kasama ang mga kaibigan ko sa klase dahil iba-iba naman ang course namin.
Sino ba kasing nagpauso ng college na 'yan? Para akong tumalon sa dagat na walang salbabida, tapos hindi ako marunong lumangoy. Tapos, wala ring magtuturo sa akin kung paano lumangoy.
Mabuti na lamang at kahit papaano, may kinakaabalahan ako. Bukod sa pagkaka-busy ko para sa karunungan, busy rin ako sa pagiging fangirl ko. 'Yun na lang ang dahilan bakit hindi pa ako nababaliw. Kumbaga, dahil sa pagiging fangirl ko, mas dumadali ang buhay, hindi man ako marunong lumangoy, pinipilit ko namang umangat para makahinga.
Natataranta kong nilabas ang phone ko nang maalala na birthday pala ngayon ng pinakamamahal kong si Noah.
Binuksan ko ang social media para tignan kung sino na ang bumati sa kaniya. Maski ako, nalimutan ko na dahil sa pagiging lutang ko.
Nakakainis! Ako sana ang unang babati sa kanya pero nahuli na ako. Ako pa naman ang pinakamagandang regalo para kay Noah. Huy!
Isa si Noah sa sumisikat na singer sa bansa. Kakaiba ang talento niya at s'yempre, ang muka niya. Siya na yata ang pinakagwapong tao sa paningin ko. Mas interested pa nga ako sa buhay niya kaysa sa akin. There's something about him that sets him apart from other idols. Mas angat siya para sa akin. Para bang wala nang makakatumbas sa mga kaya niyang iparamdam sa akin. Kilig, Saya, lungkot. Halo-halo na. Para na nga akong inaalog kapag nakikita ko ang pictures niya. Imagine, sobrang gwapo tapos akin tinadhana?
Tumawa ako nang malakas. Hindi nanaman ako nakainom ng gamot. Heto nanaman ako sa sikat kong walang Lunas. Sino ba namang hindi mababaliw kay Noah? Sa lahat Ata ng lalaking nakita ko, siya lang ang nag-iisang nagpatibok ng puso ko.
Next update na
Vote and comment
