CHAPTER 59: The Sea Representer

Comenzar desde el principio
                                    


"So, walang pwedeng humawak diyan?" tanong ko. Nag-nod naman siya.


"E, pa'no kapag gusto na kunin ni Diemon ang Elemnt ni Fey? Lalo na't malapit na siya pumunta dito..." sabi na lang ni Paulo saka siya lumingon sa likod.


"Yan rin ang problema ko ngayon eh." sabi na lang ni Dorothea.


"Um.. Dorothea..." si Uni saka may tinuturo siya. Tinuturo niya yung Element ni Fey. Nakita na alng namin na, nago-glow siya.


"Dorothea, anong ibig sabihin niyan?" tanong ni Bianca.


"May gustong iparating si Fey sa'tin..."


"Aaaahhh!" bigla na lang sumigaw si Karen. Lumingon kaming lahat sa kanya at..


O_O


"Karen, anong meron diyan sa suot mo na necklace?" tanong ko.


"Ah! Naalala ko na..." saka niya nilabas yung necklace, "May binigya sa akin si Fey na necklace." saka niya pinakita sa amin yun necklace niya na nago-glow din. Maliit na bote ang dating na may tubig sa loob. Halatang galing nga kay Fey. Kusang lumapit yung Element ni Fey kay Karen at pumasok na lang ito sa katawan niya.


"Teka, sinasapian ba si Karen?!" freak out agad ni Niel. Loko talaga 'to -_-


"Niel, hindi siya sinapian. Binigay lang ni Fey ang Element niya kay Karen."


"Huh? Pa'no nangyari yun? Di ba Libra Protector siya?" tanong ni Rico.


"Oo nga. Atsaka, sino na ang kasama ko?" tanong ni Kevin.


Huminga muna ng malalim si Dorothea. "Sa sitwasyon natin ngayon, kailangan natin mabuo ang apat na Element. Sa Water Elements natin, kulang na isa at ang nawala pa yung pinaka-importante. Kaya binigay ni Fey kay Karen ang Element niay dahil may isang bagay siyang binigay na napaka-halaga sa kanya. Atsaka Niel, hindi sinapian si Karen. Siya pa rin kaya yan oh!" sabay mahina niyang hinila yung buhok ni Karen na agad naman umaray si Karen. "Kailangan ni Karen ang Element ni Fey para protektahan at ma-kontrol ni Karen ang tubig just like what did Fey before."


"Pero teka, pa'no naman ako?" tanong agad ni Kevin. Kawawa naman siya.


Mabubuo niyo pa rin ang malakas na atake kahit na kay Karen na ang Elemnt ni Fey. Kung iinisip mo tungkol sa pagsasama-sama ng lakas ng Air Element, makakabuo rin kayo." sagot niya.


"E, pa'no naman kami, kulang na kami." singit na lang ni Bianca.


"As long as nandiyan ang Element ni Fey, makakabuo pa rin kayo ng isang malakas na atake."


Nakita ko sa mukha ni Bianca na natatakot na siya, "Pero pa'no?! Wala na si Fey dito! Hindi pa namin nakukuha yung mga crystal?! PA'NO?!"


"Bianca, kumalma ka lang..." saway ni Niel. "Umayos ka nga. Yan ba ang gagawin mo kapag naharap na natin si Diemon?"


Bigla na lang kami natahimikm sa sinabi ni Niel. Tama nga siya, dapat hindi ganyan ang hitsura ni Bianca kapag nakipag-laban kami ulit kay Diemon.


"Tama na nga yan..." sabi ni Rico. "Kung magluluksa tayo, wala rin mangyayari. Dapat natin talunin si Diemon para kay Fey. At para na rin, mai-ligtas ang mundong ito. Para hindi tayo malungkot, isipin na lang natin na nandiyan si Fey tutal, nandiyan pa naman ang Element niya eh. Binabantayan lang ni Karen kaya, wag na kayo malungkot." sabay nag-smile siya sa amin. Hmm..


"At nagagawa mo pa ngumiti diyan ah." sabi ni Bianca sabay napa-smile na rin siya. Pero teka lang..


"May pag-asa ba na mabubuhay si Fey?" tanong ko kay Dorothea.


Tumungin sa akin si Dorothea.



====================================================================================


YEY! NAKAPAG-UD NA RIN! HUEHUEHUE~ NEXT CHAPTER INCOMING....


VOTE - KUNG PEG NIYO TO :D


COMMENT - KUNG MAY REKLAMO KAYO.. HAHAHA! XD


FOLLOW - SA MGA HINDI PA :)


ARIGATOU! :* 

Zodiac ProtectorsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora