CHAPTER 7: WHAT MAKES YOU DIFFERENT

Magsimula sa umpisa
                                    

''Bat nag iisa ka lang?? Anong problema? Tsaka, bat naka ganyan ka??'' tinignan niya yung damit niya.

''Ahh ito ba?? Wala, namiss ko lang suotin yung dati kong uniform.'' sabay buntong hininga nito. Umupo ako sa may tabi niya.

''Sabihin mo nga sa akin, may problema kaba? Kase kung isasagot mo wala, hindi ako maniniwala.''

''Bakit naman? Wala naman akong problema no!'' sabay kagat niya sa mga kuko niya.

''Hindi ka kasi magaling mag sinungaling. Sabihin mo na sa akin, pagkatapos nun sige ililibre kita ng maraming candy.'' kumislap yung mata nito.

''Siryoso??'' tumango ako, huminga muna ito ng malalim bago nag kwento.

''Ano kase, sinusubukan ko kaseng mag paganda sa taong gusto ko. Alam mo na, para mapansin niya ako. Gumising pa ako ng maaga para lang makulutan tong mahaba kong buhok. Akala ko kasi pag naging ako si Trixie, magugustuhan niya ako.''

Tinignan ko ito, ewan ko ba bat parang bumabalik yung pag tingin ko sakanya. Hindi naman kase pangit si Mea, maganda siya. Yun nga lang isip bata.

''Alam mo? Hindi mo naman kailangan mag paganda para mapansin ka niya. Siguro sa iba siya nakatingin kaya hindi ka niya nakikita. Tsaka kahit gaano kapa mag paganda hindi ka niya nakikita. Kase wala naman sayo yung atensyon niya, nasa ibang tao.''

''Kahit na mag papansin ako sa harapan niya, hindi niya pa rin ako makikita??''

''Oo, kase ganun naman talaga. Pag sa iba nakatingin huwag mong asahan na mapapansin ka niya.Parang camera lang yan, pag hindi sayo naka focus, huwag kang ngi-ngiti mag mumukha ka lang epal sa picture.''

''Ganun ba talaga yun??''

Nag simula ng lumungkot yung mukha niya,

''Alam mo Mea? Hindi lang naman si Darth yung lalakeng pwede mong pag tuunan ng pansin. Malay mo, may isang tao na nandyan na ikaw lang yung gustong makita.''

''Imposible yun, kahit kailan walang mag kakagusto sa akin. Kase pangit ako.'' nagulat ito ng hawakan ko yung mukha niya.

''Alam Mea, hindi ka naman pangit. Hindi lang sila marunong umappreciate. Kaya huwag kang malungkot.''

MEA

Kahit paano gumaan yung loob ko, salamat sa mamang to.

''Mea, gusto mo bang makalimot??''

''Makalimot??'' tumango ito.

''Tara..'' tumayo ito at nag pag-pag at pagkatapos inilend niya yung kamay niya sa akin.

''Saan tayo pupunta??''

''Basta, ano sasama ka??'' tumango lang ako. Bumalik kami sa L.A para manghiram ng bike. Pero nung papasok kame sakto naman nakasalubong namin sina Darth.

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon