Kalsada

1 0 0
                                        

Sa'yo ay tumingin,

oh nakakabighani.

Ang mga mata'y nagniningning,

may ngiting litaw sa labi.

Sa'yo ay tumingin,

ngunit hindi sa akin

nakatutok ang mga matang

nakakabighani.

Oh kailan kaya

mararanasan ang ganyan?

Gusto ko rin, gusto ko rin

matitigan mo nang ganyan.

Kahit ang tingin mo sa akin

ay pangalawang daanan lamang,

o isang kalsadang

hindi kailanman mong dadaanan.

Short PoemsWhere stories live. Discover now