Ang daming tanong sa aking isipan na pilit kong binibigyan ng kasagutan ngunit wala naman akong maisip.
kung minsan, gusto ko na lang maglaho, yung tipong hindi ako nagexist sa mundong ito.
kumbaga, walang nakakakilala sa akin. As in Blanko...
Tipong madali lang umalis kase wala kang maiiwanan.
kaso, hmmmm.... hindi pwede. kabaligtaran ang lahat.
Halos ata sa aming village kilala ako. San man ako patungo may tumatawag sa akin.
Hindi ko alam ba't kay bilis manghugas ng mga tao.
mas nanaig pa ang kamalian mo kaysa sa mga nagawa mong tama.
HIndi ka ata pwedeng magkamali sa mundong ito.
Ang daming matatalino, panel of judges, panel of lawyers at kung anu-ano pa.
Kahit anung gawin na kabutihan, hahanapn ka nang kamalian.
Sino ba naman ang hindi mapapagod mabuhay sa mundong ito.
Kahit anung pilit mong maging masaya, magpakabuti, may mga tao talaga ang sisira sa araw mo.
Hindi ata buo ang araw nila kapag walang silang nahusgahan...nagawan ng issue.
Paano ba mamuhay sa isang mundo na kumpleto ang karakter sa mga palabas sa TV?
