INTRO: IN MY OWN LOVE STORY

712 8 2
                                    

Prologue:

I took one step closer.

Closer to where? Tss.

To HELL.

Andito ako ngayon sa tapat ng ika-45th school ko na. Sa dinami-dami na ng naging school ko, dito rin pala ang bagsak ko.

Hindi na rin ako nagtataka kung bat andito ako ngayon. Dito nga bumagsak ang mga magulang ko eh, ako pa kaya?

Sa 44 na school na napasukan ko, wala akong natagalan. Siguro pinaka matagal na ang 1 year. Di kasi masikmura ng mga teachers at principals ang ugali ko.

Ano nga ba ang ugali ko?

Bitch

Impokrita

Malandi

Basagulera

Taklesa

Bastos

Walang respeto

KONTI pa lang yan sa lahat ng pwedeng ipang-describe sa ken. Dagdagan pa naten?

Black sheep

Laging laman ng guidance office

Tambay sa detention room

Promotor ng away

Halos araw araw pinapatawag ang mga magulang sa eskwelahan

Oh, tama na dyan. Tinatamad na ako eh. Kaya ang mabuti pa, basahin niyo na lang ang istorya ko para malaman niyo kung sino nga ba si AKO.

And oh well, I almost forgot to introduce myself!

I’m BREJANNA TRINITY YOSHIDA FLINN GONZALES (Full name na yan ha. Tandaan niyo ang pangalan ko!)

I am the ONLY daughter of two of the most popular students in the school that I am going to be studying in.

So, my parents happens to be BLISS TWAYLEM GONZALES/ AESHA CLAIRE FLINN and KATSUO SHUJI YOSHIDA/ TIMOTHY GONZALES.

At dahil sila ang mga magulang ko, napakadali na lang para sa ken ang matanggap sa school na to.

Kung marami ang ilag na ilag at diring diri na mapasok sa school na to, pwes ako hindi! Dahil sabi ni mommy, sa school na to ako makakatagpo ng mga tunay na kaibigan. Dahil kahit daw mga basagulero at walang breeding ang mga tao sa school na to, deep dooooowwwnnn inside mababait daw sila. At sila yung tipo ng mga taong mamahalin at papahalagahan ka.

At anong malay ko daw, baka daw dito ako makatagpo ng mamahalin ko? tss. Wag na kayong magtaka. Si Ninang Donald nagsabi niyan =___=

oo. NINANG daw kasi pag Ninong bad word daw yun! Naku, kung hindi niya lang asawa si Ninang Ava, baka nasapok ko na siya tulad ng laging ginagawa ni mommy ~_~

Pero heto na. Papasok na ako ng LABYRINTH ACADEMY.

“Anak, mag-iingat ka ha? Goodluck Trinity :)”napalingon ako sa nilabasan kong kotse. Kakapasok lang dun ni mommy at nginitian pa niya ako matapos magsalita.

“Yes mommy”tumango ako at nginitian pabalik si mommy. Nag-wave lang siya at tuluyan ng umalis.

Humarap ulit ako sa gate at huminga ako ng malalim na malaliiiiim. Eto na. Papasok na ak-

*booooggssshh*

“Tabi nga! Haharang harang ang bwiset eh!”

Lumingon ako sa nagsabi nun pero nakita kong dire-diretso lang ang isang lalaki sa paglalakad. Agad namang nag-init ang ulo ko.

Tumayo ako at pinagpagan ang palda kong 2 inches above the knees ang haba.

“Aba putangina. Umagang umaga ginagago ako. Pero ayos yan, binuhay mo ang katawang lupa ko gago ka!”

Hinabol ko yung lalaki at hindi man siya humarap eh flinaying kick ko siya. Sa bandang spinal lang naman.

“Owwwwwww Shiiiiiiiitttt~!”sigaw nung lalaki na bumagsak na sa sahig at namimilipit sa sobrang sakit. Kulang na nga lang magpagulong-gulong siya eh.

I smirked. Pasalamat siya dahil una, hindi ko siya pinaharap dahil pag nagkataon eh dun ko siya sisipain sa “family jewels” niya at pangalawa, naka-wedge shoes lang ako na 4 inches. Aba, kung nag-stilettos ako eh baka ibaon ko sa spinal niya yung takong ko.

Pero,

Nung humarap siya. Nawala yung ngisi ko at parang……..na-starstruck ako.

I mean, my heart just skipped a beat.

Shet. Ang gwapong antipatikong lalaki naman nito!

Napa-isip tuloy ako. At di kalaunan eh na-paranoid.

Then I asked myself,

What would possibly happen IN MY OWN LOVE STORY?

In My Own Love Story (Labyrinth Academy Fan Fiction)Where stories live. Discover now