Biktima ng Isang Paasa[ONE SHOT]

7.3K 226 82
                                    

// Author's Note //

Another one-shot story. Thanks for reading. <3

_MrsLuffy

************

*bizzzzzzzzzzzzzzzzt* (vibrate po yan)

Kinuha ko mula sa bulsa ang cellphone ko at tiningnan kung sino yung nagtext.

Sorry Pangs, di ako makakarating. Next time na lang. Nagka-emergency kasi eh.

From: Henry Ngets

*sigh*

Ibinalik ko na lang uli sa bulsa ang cellphone matapos ko mapabuntong hininga.

Next time.

Ika-ilang next time niya na kaya to? Hindi ko rin alam e. Masyadong marami na para mabilang ko pa. Kahit ata pag samahin mo ang daliri ko sa kamay at paa, kulang.

Naglakad na lang ako paalis sa park. Dito dapat waiting place namin ni Henry, kaso nabasa niyo naman text niya diba? Di na raw siya makakarating. Pero emergency naman daw kaya ayos lang. Ayos lang kahit 1 hour akong naghintay. PROMISE ayos lang. 

Ayos lang paasahin ka lagi ng boyfriend mo sa punyemas na next time na yan. Ang sarap na nga sakalin ng nakaimbento ng next time eh! Kaya AYOS LANG talaga.

Wala naman akong magagawa. Kahit ilang libong next time pa ang sabihin niya, aasa pa rin ako. Kasi mahal ko siya. Punyemas na pag-ibig kasi yan, ang galing magpaasa. 

Ako naman si gaga, laging umaasa sa next time na hindi dumarating. Hay buhay. Ganyan talaga.

"Hindi ka na naman niya sinipot no?" Bigla akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang boses niya mula sa likod ko.

Kaasar naman, siya na naman.

Bakit ba tuwing hindi sumusipot si Henry, laging siya ang dumarating? Medyo nananadya lang? Tumalikod ako at hinarap siya.

"Ano pa bang nagbago?" Tumawa lang siya sa sagot ko at lumapit siya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako.

Naalala ko tuloy nung unang beses na hindi nakarating si Henry sa usapan namin. Pati na rin yung ilang beses na hindi siya nakarating at yung mga next time niya na hindi natupad.

****1 year ago****

"Teka! San tayo pupunta?" Tanong ko sakanya, dahil bigla na lang siya sumulpot, mula sa kung saan at saka ako hinila na lang basta-basta.

"Ikaw, san ka ba pupunta dapat?" Medyo naguluhan ako sa sagot niya.

"Ano?" Lumingon siya sakin at biglang ngumiti.

"Diba dapat may pupuntahan kayo ni Henry? San yun? Ako na lang sasama sayo."

"Ah-eh, manunuod dapat kami ng sine, yung bagong labas. Kaso parang nawalan na ako ng gana, wala na kasi akong kasama."  Sabi ko sakanya habang patuloy pa rin siya sa paghila sakin. At narealize ko hinihila niya na ako papunta sa may bandang sinehan ng SM.

"Di ka ba nakikinig sakin? Kaya nga sasamahan kita diba? Tara na! Bili na tayong tickets!" At hinila niya na ako papunta dun sa bilihan ng tickets. 

****9 MONTHS AGO****

Hindi na naman nakarating si Henry. Dapat kaming dalawa ang nandito sa Star City ngayon eh, kaso wala siya kaya ako na lang mag-isa pumunta.

Nasa pila ako pasakay ng wild river ng marinig ko ang boses niya.

"Bakit mag-isa ka? Hindi na naman ba siya dumating?" Lumingon ako at nakita ko siya sa likod ko.

Biktima ng Isang Paasa[ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon