Hindi na ako nag-reply pa sa chat ni Sylrax at nagpunta na lang sa library. It's only 3PM and 5PM pa matatapos ang klase nila.
I decided to take a nap since wala rin si Aunix, wala akong kachikahan. Ang sabi niya ay bibili siya ng kape, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
-----
"Babe, TNC na tayo. 5:30 na," nagising ako dahil sa boses ni Aunix. Pagkasabi niya ng oras ay agad akong nag-ayos.
"What?!" I screamed silently, because we're still at the library. "Ang haba pala ng tulog ko. Kanina ka pa diyan?" tanong ko habang nag-aayos.
"Yes, babe. Humihilik ka pa nga kaya di na kita ginising," tawa-tawa pa siya habang inaasar ako. Inirapan ko naman siya.
"As if maniniwala ako sa 'yo. I never snore." Then she smirked at me and nilapit ang speaker ng phone niya.
At doon ko narinig na may humihilik nga! Nanlaki agad ang mga mata ko nang marealize ko kung kanin 'yon.
"Now tell me na hindi ka humihilik," hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa kahit na naitago na niya ang cellphone niya. "Tinitignan ka nga ng librarian kanina, eh."
Ramdam na ramdam ko ang init sa mukha ko. I'm sure that my face is red right now.
Habang naglalakad kami palabas, biglang nag-ring ang phone ko.
Kambs Calling...
Agad ko naman itong sinagot.
"Hey, where are you two? Kanina pa kami andito sa TNC," sabi nito gamit ang malalim na boses.
"We're on the way na kaya, duhh," I said.
"Tsk. Faster." Then he hung up the call. Suplado. Pero kahit suplado siya minsan, sweet pa rin siya sa akin.
Siya ang mas matanda sa aming dalawa, mas nauna siyang lumabas ng five minutes. Nung una pa nga raw ay hindi siya umiyak, kaya nakailang palo pa raw siya. Tapos bihira lang din daw siya umiyak.
Oh, 'di ba? Kahit noong bagong panganak pa lang siya, nonchalant na. Hays.
When we arrived at the TNC, where we usually study and discuss everything we need to finalize for our projects, we quickly set up the things we needed. The laptops, ballpen, and notebook were all out in seconds. Halatang sanay na sa weekly grind.
"'Sensya na na-late. Napasarap tulog ko sa library eh," sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa harapan, trying not to make eye contact with anyone, lalo na kay Kambs na mukhang kanina pa nakakunot ang noo.
"Hay, napaka sleepyhead naman ni madam," sabi ni Ariseki habang umiinom ng kape niya, may kasama pang mahinang tawa.
"Ok, now we'll start," I cleared my throat, trying to shift the mood. "According to Ms. May, the event theme, she will announce it to us after our midterms."
"Bakit naman after midterms pa, hindi matitigil utak ko kakaisip sa theme na yan" reklamo ni Ariseki, habang nagkakamot pa sa ulo.
"Shut up Haponeso. For now, we'll assign roles in advance." I looked around. Serious na ang lahat. Kahit si Ariseki, na kanina lang ay nang-aasar, ay tumigil na sa pagngisi at nakatingin na sa screen niya.
"Sylrax, ikaw sa backend. Ariseki and Hexine, kayo sa security. Aunix and I will handle the UI/UX design and documentation."
"Copy," sagot agad ni Sylrax habang tina-type na ang initial task sa Notion board.
"Wait, why ako sa security kasama si Ariseki?" tanong ni Hexine at tumingin sa akin. "Kayo lagi magkasama ni Aunix, ha. Bias!"
Napangisi si Aunix. "Tanggapin mo na lang, bebe boy. MVP kami sa front-end, 'di mo matatalo 'yan."
"Plus, we need tight security. And we both know na magaling kayo parehas doon," dagdag ng kambal ko habang binubuksan na ang terminal window niya.
"Tsk. Fine. Pero 'pag pinagod ako nito, ibabalik ko 'yan sa inyo," sagot ni Hexine sabay irap kay Ariseki na nagbaba lang ng salamin at ngumiti nang mockingly sweet.
"Looking forward, partner." sabi sa kaniya ni Ariseki na halatang nang aasar pa.
"Guys, I think I need to tell you this," sabi ni Sylrax na nakaagaw pansin sa amin. Tinignan ko agad siya nang nakakapagtaka.
"Syl..." tawag ko sa kaniya dahil napaka-seryoso ng itsura niya.
"He's not just another coder, Syn. He's the guy I swore I'd never face again," Sylrax said, and it made us quiet.
"Why?, wala ako maalala na may karibal ka or something." sabi ko sa kambal ko, dahil totoo naman.
"It's a long story. Basta I swore I don't want to see his face again" he said while frowning.
"This gives me a more thrilling effect," Ariseki smirked. "Then we better beat him," he continued.
"No. We must beat him," sabi ni Hexine while also smirking.
At my peripheral view, I saw Aunix smirk too. Seeing and hearing them like this, it looks like they won't let Tyrix win the event. Puro katarantaduhan ang dalawang ito, pero kapag ganito na sila, seryoso na talaga sila.
I don't know what my twin has with that guy, but I bet it's a serious matter to make him act like this.
In a world run by logic and code, only one of us gets to win. But with my friends? Too bad it won't be him.
ESTÁS LEYENDO
<code 1>: Infinite Loop;
Ciencia FicciónSyntra Aeris Verelle lives for code, logic, and late-night bug hunts, but she also believes in love, no matter how unexplainable. Tyrix Morvain Faeloran? Not so much. For him, love is just bad data, an emotional glitch in the system. But when their...
Chapter 1
Comenzar desde el principio
