"Oh, anong meron dun?" tanong niya habang sumisipsip sa mango shake na in-order niya.

"Mamaya pagdating nung tatlong siraulo. Ayoko ng paulit-ulit," sabi ko at umalis ulit para bumili ng kape.

Pagbalik ko, andun na ang tatlong lalaki na kanina pa namin inaantay. Si Sylrax na nasa dulo, katabi ng bintana mismo, at sa kabilang dulo ng upuan si Hexian. Napapagitnaan nila si Ariseki.

"Madam, bakit mo kami pinapatawag?" tanong ni Ariseki habang busy sa nilalaro niya sa cellphone. Kakagaling lang ng computer shop, laro pa rin ginagawa.

"Kinausap ako ni Ms. May. Kilala niyo naman 'yun, di ba?" tanong ko sa kanila nang tumabi ako kay Aunix.

"Yeah. What about her?" tanong ng kambal ko.

"She wants us to join the upcoming Hackathon next week," sabi ko.

"You mean tayong lahat, Syn?" tanong ng katabi ko.

"Yeah. Bali tayo-tayo ang mag-team up," sagot ko before I sipped my coffee.

"Mukhang malaking event 'yan at kailangan magkakasama pa tayo ahh," sabi ni Ariseki na may kasamang patango-tango.

"Oh eh bakit kailangan mo pa kami?" tanong ni Hexian, na siyang napatampal ako sa noo.

"Dumbass," sabi ng kambal ko.

"Malamang tayo nga mag-team up daw, di ba? Briam, bobo mo talaga," sagot ni Ariseki. Lagi na lang nagbabangayan 'tong dalawa, pero sila din naman madalas magkasama.

"Amputa, talo tuloy. Tanga mo kasi, Briam." dugtong pa ni Ariseki, siguro ay natalo sa nilalarong online game.

"Tanga mo, ikaw 'yung core tapos hindi mo kinukuha yung buff niyo," sabat naman ni Hexine, habang tinuturo ang screen ng phone ni Ariseki.

"Anong hindi? Eh yung sa kalaban kinukuha ko eh!" depensa ni Ariseki, sabay paikot ng mga mata

"Ay bobo, unahin mo kasi yung sa inyo. Tanga mo, naka-Mythic ka ng ganyan?" sabat ni Hexian, may halong tawa at pang-iinis. Alam niyang may point siya, kaya naman kami ni Aunix ay nakikitawa sa kanila.

At hindi na nga matapos-tapos ang bangayan nilang dalawa. Their voices kept getting louder and louder, habang yung ibang kasama namin chill lang sa gilid, used na talaga sa ganitong scene. Minsan nag-aaway sila bigla, tapos biglang nagkakasundo and laughing it off like nothing happened.

Hexine Briam Ashbourne ang buong pangalan ni Hexine. Sabi niya, ang pangalan niya raw ay galing sa machine, dahil mechanical engineer ang tatay niya.


Ariseki Fujimoto naman si Seki na may lahing Hapon ang mokong na 'to, at halata naman sa singkit niyang mga mata. Pure Filipino ang nanay niya, at pure Japanese naman ang tatay.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko naging ka-close ang dalawang 'to. Basta ang alam ko, nakilala ko lang sila dahil sa kambal kong si Sylrax. Madalas niya silang isama kapag nagla-lunch break kami noong first term pa lang kami. Si Aunix lang talaga ang kaibigan ko noon, dahil pareho kami ng program.


Nakakasama ko naman sila sa Student Council noong mga first term, dahil nga pare-pareho kaming student leaders. Pero mas naging close ko talaga sila dahil kay Sylrax.

"Bakit tayo?" tanong ni Hexine matapos ang bangayan nila ni Ariseki. "Feeling ko ang dami namang mas magaling."


"Because we're not just good. We're chaos incarnate," sagot ni Sylrax habang naka-cross ang mga bisig at prenteng nakaupo.


"Bro, may prize ba 'to? May pagkain?" tanong ni Ariseki, kahit kailan talaga, the practical one.


"Hindi pa sinabi. Pero both daw the school and tayo ang makikinabang. And may kalaban daw tayo na taga-N.U.," sabi ko naman sa kanila.

<code 1>: Infinite Loop;Where stories live. Discover now