"Think about it, Syntra. This Hackathon will be after your 3rd sem, so it's in the last week of July. This Hackathon event will last for a week. And this is also one of the biggest Hackathons we're gonna have. Andun din ang pinakamagaling mag-code ng N.U., si Tyrix Morvain Faerolan."

Siguro nga ay malaking event ito, dahil pinagsama na niya kami ng kambal ko kahit magkaiba kami ng program. Computer Science ang kapatid ko at Information Technology naman ako. Magkaiba ang context ng I.T. sa CompSci.

I.T. is more practical. They're the ones who maintain the structure of a website or a system. Pero ang CompSci, siya ang pinaka-fundamental ng system. Sila ang gumagawa ng algorithm and logic. Parang it's like I.T. is the front-end and CompSci is the back-end or the backbone.

(ay ewan ko na, kayo na bahala mag-searcx niyan)
Sariling program niya, hindi niya ma-explain ng maayos. Ayos na author ahh.

Pero this doesn't mean na hindi kaya mag-front-end ng mga CS major, and also it doesn't mean na hindi ko rin kaya mag-back-end dahil I.T. ako. It's just that we have our own focuses on our specialization.

I.T. major is such a broad program. May mga I.T. major na technicalities ang ginagawa, like doing networking kung saan inaayos nila 'yung cable ng mga internet wires.

Sa sitwasyon na 'to, parang pinagsama kami ng kapatid ko na back-end at ako na front-end. Dahil kung susmahin, mas forte talaga ng kapatid ko ang back-end.

Noong mga senior high pa nga lang kami, ay nag talo kami dahil sa website na gawa niya. Hindi kasi maayos ang pagkakadesign, kaya ang ending ay ako ang nag ayos ng design. Pero maayos naman ang function ng system.

Napakunot ang noo ko sa binanggit ni Miss na pangalan. Sino naman 'yung 'Tyrix' na tinutukoy niya?

"This will benefit all of you, and also our campus if you win at this Hackathon," dagdag pa niya.

"Sure po, Miss, but I need to talk to my friends first po." Tinitigan niya ako ng ilang segundo.

"Ok. Come back to me if you have already decided."

Nag-thank you muna ako at agad umalis.

Kinuha ko agad ang phone ko para mag-chat sa GC namin at tanungin kung nasaan sila.

Mga Ulupong:
Sinsin:
Asan kayo?? May sasabihin akooo
Siletche:
Bitch, I'm here sa caf. Punta ka.
Briambobo:
Nasa comp shop ako kasama si @Sekingina.
Sinsin:
Hw abt u kambs? Wer r u, ikaw mismo kailangan ko.
Sylraulo:
Diyan lang sa tabi-tabi.

Parang tanga talaga kausap 'tong kambal ko. Sinabing kailangan ko siya, ang galing sumagot.

'Yung group chat namin, hindi ko alam bakit ganyan mga nickname namin. Nagulat na lang ako pag gising ko, sabog na notif at may bagong GC na may ganyang pangalan. Mga siraulo nga talaga.

Mga Ulupong:
Sinsin:
Parang tanga naman. Pumunta kayo sa 8th floor, bilisan niyo @everyone
Sekingina:
Copy madam. Tapusin lang namin isang game.
Sinsin:
Ampowta
Sylraulo:
Maka-utos parang, manager ka ba namin?

Hindi ko na pinansin ang chat ng kapatid ko. I turned off my phone and went to the cafeteria where Aunix was already there. Agad ko siyang nilapitan nang makita ko siya sa usual naming puwesto sa tabi ng malaking bintana.

"Bitch, ano sabi ni Ms. May?" tanong niya sa akin. Sanay na naman kaming "bitch" ang tawagan kaya hindi na ako nao-offend.

"About sa Hackathon, kaya pinapapunta ko 'yung tatlo dito."

<code 1>: Infinite Loop;Where stories live. Discover now