Sobrang natuto na kasi ako sa nakaraan. Ang drama ko! :D
Ayoko lang kasi maulit yung dati. Ayoko ng masaktan at makasakit. Impossible!
WAAAHUHUHUHU!
ANSAKET EH!
weh?
CY: OO NGA!
Sa Love kasi hindi pwedeng walang magaganap na sakitan or chorvaloo!
Naiilang ako sa nagkakagusto sa akin kahit na crush ko pa yun. Normal ba toh?
Feeling ko kasi abnormal to. Kasi diba dapat naghahanap ka ng atensyon ng opposite sex mo pag BH ka? Pero di naman na ako BH noh? Okay na ako. Mamatay man!
It’s almost a year man! Super move on na move on na ako. Balak ko nga 2 years ko gustong maging ganito eh. In short hindi pa ako handang mainlove ulit at makipag-relasyon. Mag aaral muna ko ng mabuti! 0:)
Hahahaha! Seryoso ko hayop ka! XD
Nakakafrustrate lang kasi bakit ganito ang pakiramdam ko? Kahit gaano pa kagwapo ang lalaki hindi ako ganun natutuwa. Oo kinikilig ako sa crush ko! Pero feeling ko kasi pag niligawan ako ng crush ko di ko parin sasagutin. Hahaha! XD As if liligawan. Assumera!
Gusto ko kapag dumating yung time na handa na akong magmahal ulit, yung tamang tao na yung mamahalin ko.
Yung tipong mapapakanta kanta ako ng love song with feelings. Hahaha.
Fear ko kasi sa isang relationship ay yung sawaan, sakalan at patayan. Joke lang yung patayan!
Haha. Dati kasi masyado akong na-attached sa isang tao. Pinakafear ko talaga yung maiwan at maipagpalit. Nakakabadtrip diba? Hahaha. Nakakainsulto!
Sa lahat ng past relationships ko ako lagi nang iiwan. Gago kasi ko padalos dalos! Kampante kasi ko na di nila ako kayang mawala. Hahaha. Ayan gago kinaya nila!
Pero sa apat na lalaking yun isa lang sa kanila ang hindi man lang ako hinabol or pinigil nung nakipagbreak ako. Siya pa yung pinagsisihan ko na iniwan ko. Tanga ba ko? Hahaha. Paking tape Cy! OO!!
SHET DRAMA! YUCKS!
Si Agas! Letse yun eh. Joke! :) sinabi talaga?
Pag nabasa mo to Payatot bati pa rin tayo ah? Hahaha.
Alam ko sa sarili ko na okay na ako ngayon. Paminsan naaalala ko siya. Namimiss ko. Pero I don’t think I still like him. And I am sure na di ko na siya mahal.
Dahil sa kanya naramdaman ko ang tunay na pagmamahal. XDD wait natatawa ako! Hahahhahahha! Wooooh. :D
Serious na pls! XD
Wooohh.. Okay! Inhale Exhale!
Pero siya rin ang taong nakapagpadepressed sa akin ng literal na pagkadepressed. Huhu. Weh?
CY: OO NGA!
Pakiramdam ko ang LOSER LOSER ko dati!
Eto ko dati oh :
“Yung taong nagparamdam sa akin na special ako,yung taong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin pag malungkot ako, yung taong niyayakap ako kapag masama ang loob ko at yung lalaking tinuring kong pamilya wala na. Iniwan ko eh. Gago ko eh! Namis-interpret ko yung care niya. Binalewala ko. Tang *na ko! Ayan ayaw niya na sa akin! BOBO ka CY!”
Kadiri diba? Ang Loser. Hahaha. With matching singhot singhot pa yan at sapak sapak ng simento! Barumbada ko eh!
BASAHIN MO BAKA MAKARELATE KA! MALAY MO?
There is no permanent thing in this world. Depende sa atin kung hanggang kailan natin kayang kumapit sa bagay o taong mahalaga sa atin. Nasa atin kung kelan natin sila ilelet go. We make our choices.
Pero wag mong sisishin ang sarili mo kung nagkamali ka ng choice na pinili. Malay mo naman tama ka naman pala akala mo lang mali. Malay mo naman makakabuti naman pala yung ginawa mo akala mo lang hindi.
Namisinterpret ko kasi dati eh. I keep on blaming myself dahil I lost the man I loved.
Araw araw. Gabi gabi. Parang kanta lang. :D
Sinisisi ko ako. Nag adik ako. Joke.
Pero unti unti ko naman narealize na wala akong dapat pagsisihan sa naging desisyon ko. Kasi kung di kami nagbreak edi hindi niya mamahalin yung bago niya ngayon. Baka hanggang ngayon away pa rin kami ng away! Paulit ulit na away at paulit ulit na sakitan! Toture para sa aming dalawa. Kaya tama lang na nilet go ko na lang siya. Atleast nung naghiwalay kami nahanap namin ang mga sarili namin. Hahaha. Bakit nawala ba kami? :D
Ang mahalaga masaya na kami pareho ngayon sa buhay namin. YEEAH !
Think positive! Pero hindi sa lahat ng pagkakataon dapat optimistic ka.
Paano kung ayaw na talaga niya? Ipipilit mo pa ba? It’s not always wrong to let go. Kahit mahal mo pa ang isang tao kung hindi na siya masaya dapat matanggap mo.
Mas makakabuti pa ngang maglet go ka na lang kaysa naman magstay pa sa relasyon na hindi na nagwowork diba? Kung mahal mo ang isang tao dapat itake mo yung risk na maaari kang masaktan. Sa akin pa talaga nang galing ito? hahaha.
Wag kayo tutulad sa akin ha? Hahaha!
Pero kung sa tingin mo kaya pa! Go lang! Wag padalos dalos boy!
Matutuong makiramdam! At mas okay kung mag open ka sa kanya para kung may mga tanong sa utak mo, sa kanya mo mismo maririnig yung sagot! Hindi yung kung anu anong mga kaeklaan yung naiimagine mo or nakakapagisip ka ng mga maling possibilities! Sa Mental ang bagsak mo! Hahaha!
AKNY ako eh! “Alam Ko Na Yan!” XDD
Share ulit :DD
Bata pa po ako nung naging kami eh.
15 years old pa lang ako nun boy! Immature and delicate. Pareho kami actually. :D
Sabi nga ni taylor swift..
Cause when you’re 15. If somebody tells you they love you you’re gonna believe them!
Ayun kaya naman talagang bigay todo kami pareho nung una. Super inlove at effort te! Literal na effort! XDD nakakatuwa lang pag iisipin mo na may mga panahon na may nagawan ka ng ganun at may gumawa rin sayo ng ganun. Minsan pag maiisip mo mapapangiti ka diba? Yun ay kung di ka bitter. Hahaha!
