Tulang isinulat para sayo.
Bawat kalye o kalsada,
Bawat liko sa kanan o kaliwa,
May ala-alang nagpapaalala kung saan nagsimula,
Pag-ibig na hindi pinagbigyan ng tadhana.
Mula sa malayo,
Nakikilala agad ang pagkakatayo,
Mga matang pinipilit na hindi ipagtagpo,
Dahil alam namang hindi maaari at malabo.
Tunay ngang ipinagkait,
Ang pag-iibigang hindi maiwaglit,
Mula sa isipan at sa pusong pinipilit,
Na kalimutan at umusad na lamang sa kadahilanang hindi na mauulit.
Ipilit man o hindi,
Mananatili parin ang hapdi,
Sugat ng kahapong pilit na ikinukubli,
Isinasara dahil ayaw ng masaktang muli.
Napakaraya nga ng tadhana,
Bakit ang kwento pa nating dalawa ang isinara,
Ngunit baka nga hindi lang tayo ang para sa isa't-isa,
Paalam na aking sinta.
Alam ko namang ika'y nakausad na,
Ngunit may parte parin sa sarili ko na..
Nasasaktan,
Sa kadahilanang ang dali-dali mong kalimutan,
Ang pagmamahalan na akala ko'y ating sisimulan.
Naiintindihan ko,
Tanggap ko,
Ngunit nasasaktan parin ako,
Sa kadahilanang ang dali-dali para sayo,
Samantalang hindi parin ako makausad sa mga ipinakita mo.
Kung totoo man ang "last meeting theory" na sinasabi nila,
Kailan at saan iyon upang masimulan na,
Dahil sawang-sawa na ako na pinipilit parin tayong ipinagtatagpo ng tadhana,
Mula sa simbahan, sa paaralan, o sa iisang lugar na nagpapaalala,
Sa pag-ibig na hindi naman para sa ating dalawa.
Sinta,
Tama na,
Tatanggapin ko na,
Hindi ko na hihintayin ang isa pang habang-buhay na hilinging makasama ka,
Na mahalin ka,
Iparamdam sayo na andito parin ako naghihintay sa pagtatagpo ng ating mga mata.
Dahil ngayon,
Pinapalaya ko na ang sarili sa kahapon,
Kahapong nagdulot ng sugat sa puso na bumabaon,
Nagdurugo sa pag-aakalang ang pag-ibig ay magiging mahinahon.
Sinta,
Ito na ang huling tula,
Na isusulat ng aking pluma,
Na iaalay sayo na nagmumula,
Sa aking puso at isipang sayo lang mula nung umpisa.
YOU ARE READING
Randomly Written
RandomHi! I know it's been a tough day but here's some motivational phrases, poems & poetries that will inspire you to live a life better than yesterday, so live, live babe. There is also some one shot stories that I write in this book so I hope you also...
