PHOTOGRAPH

34 2 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na nagmahal o nagmamahal ka, pero alam mong walang pag-asa na mahalin ka din nung taong nagustuhan mo?

Ang sakit no?

Nakilala ko ang isang taong di ko inakalang wawasak sa puso ko.
Noong una, siya yung naging rason ng kasiyahan ko. Hanggang isang araw, nagising nalang ako na siya ang hinahanap ko.

Natuto ako maging matatag at matapang dahil ayokong nakikita niya na mahina ako. Tuwing nakikita ko siya, bumibilis yung tibok ng puso ko.

Pinilit kong isantabi yung nararamdaman ko. Alam ko kasing mali. Mali na magkagusto ako sa taong may karelasyon? O mali dahil magkaibigan kami? Ahh basta may mali!!

Lumayo ako. Akala ko kasi yun yung paraan para makalimot ako. Pero hindi din pala. Akala ko lang.

Akala ko ayos na ako. Pero bakit ganon? Nung nagkita kami muli kong naramdaman yung mabilis na tibok sa dibdib ko?

Lagi akong nasasaktan tuwing makikita ko siyang ngumingiti kasama ng iba. Ang selfish ko ba? Hahaha

Nag-exert ako ng effort para mapansin niya ako. Nag-effort ako para mapalapit sa kanya. Gusto kong naramdaman niya na MAHAL ko siya.

Mabait siya sakin. Sobrang bait niya na umabot sa point na naging close kami.

Sobrang bait niya. Akala ko gusto niya rin ako. Pero ang sakit pala umasa no?

Kaibigan. Ang sakit. Hanggang kaibigan lang. Oo nga pala, di pwede maging best friends. May best friend na siya ehh.

~~~~~

Iisa lang ang barkada namin. Tuwing nagkakatuwaan, syempre may "groupie". Masaya ako kapag nakikita ko na magkatabi kami sa mga pictures, ibig sabihin kasi nun, pwede ko i-crop para kunyari kaming dalawa lang yung nasa picture. Hahaha ang weird ko.

Pero tuwing naaalala ko na pinapaasa ko lang yung sarili ko ang sakit.

Ang sakit. Sobrang sakit. May mga panahon na umiiyak na lang ako. Dahil di ko matanggap na kahit kailan ehh hindi siya magiging akin.

Naalala ko pa nga yung araw na sobrang depressed ko dahil sa kanya, nasugatan ng kutsilyo yung daliri ko. Nilagyan ko ng alcohol. Pero hindi masakit. Di rin mahapdi. Napaisip ako, ganon na ba ako kamanhid, di nako nakakaramdam ng pisikal na sakit? O sobrang sakit nung katotohanan, walang nang makakapantay dun?

A few months later, eto, ako parin si "boy asa". Umaasa pa din na pareho kami nang nararamdaman para sa isa't-isa.

A few months later, eto parin ako, nabubuhay sa mga cropped na pictures namin.

Mga picture nalang namin yung may 'forever'...

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jul 30, 2015 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Short StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin