Chapter 2: MEMORY LANE

Start from the beginning
                                    

                Mabilis na na-distribute ang merchandise sa ilalim ng mesa. Modus operandi na namin iyon. Yung assigned na library staff kasi sa Accounting Section, may binebentang chikito. Basta ang usapan, wag lang maingay pag kinain namin. At lalong dapat wag kami pahuhuli sa librarian na naka-assign sa graduate section.

                Kaya naman palihim lang ang ginagawa naming pagsubo hanggang sa maubos namin lahat ng dala ni Krystel. Nagkakatawanan pa kami at ilang beses kaming nasaway ng librarian.

                “Tapon nyo na yung balat,” pabulong na wika ni Noelle.

                Kinuyumos ni Daniel sa palad ang cellophane na pinagbalutan ng sampalok. At dahil tahimik sa library, dinig na dinig iyon.

                “Maingay na nga kayo, kumakain pa kayo sa loob ng library. Sana kinain nyo na rin yung balat.”

                Sabay-sabay kaming yumupyop sa mga braso namin na nakapatong sa mesa upang itago ang mga pigil na tawa.

                Matapang yung librarian, pero dahil araw-araw nya kaming customer sa section niya, kilala nya na kami. At alam namin, hindi nya naman kami isusumbong sa guidance.

                Tiwala lang. Hahaha! Kung nagkataong ma-guidance kami, ewan ko na lang kung ano mangyayari sa amin. Karamihan sa amin, government scholar. Baka mawala pa scholarship dahil lang sa kalokohan.

                Bumalik na si Rev sa tabi ko.

                “San na si Jean?”

                “May klase na sya. Nasan chikito ko?”

                “Eh? May nakita ka bang chikito?”

                “Ako kaya nagbigay kay Krystel ng pambili!”

                “So ikaw pala ang promotor, Mr.Montenegro?” nakapameywang na hinarap ito ng librarian.

                La-la-la-la-laaaaa!

                “Ah, Mam.. Eh..”

                Biglang nag-bell.

                “Oopps! Tara na, tara na. Baka mauna sa atin si Bull- este si Sir.”

                Operation eskapo kay Ms. Librarian na masungit. Nagtawanan kami nang makalabas ng library.

                “Pochak, wala pa akong assignment sa Auditing Theory!” nagrereklamong kumamot ako sa ulo.

                “Kopyahin mo na lang yung sa akin habang nagka-klase mag-isa si Bulldog. Tutal magpapakopya lang naman yun sa blackboard, hindi nya na mapapansin na iba kinokopya mo.”

                Inakbayan ako ni Rev. Palihim na kinikilig ko namang inihilig ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan siyang akayin ako hanggang sa loob ng classroom.

                Define normal. Yun ang normal. Para lang kaming mag-syota kung umasta pero walang pumupuna kasi alam ng lahat na mag-bestfriend lang kami at may girlfriend syang iba. Lagi niya akong nililibre ng lunch, meryenda, pamasahe, load, worksheet, ballpen, kendi, chikito, coupon bond, assignment, pati kung ano-anong kuning-kuning na nagustuhan ko pag naglalakad kami sa tabing bangketa.

The Accidental Love Wrecker (COMPLETE)Where stories live. Discover now