Chapter 2 / ZBOL

11.1K 371 11
                                    


A/n. Hi :) Eto na Po !!! Pasensya na po. Medyo naging busy nitong mga nkaraang bwan .

Pasensya na kung may mga mistake paintindi nlang ..

Sige  Push !!! I hoped you like it ! ^^


____________________________________

" hindi na nga maganda, tatanga tanga pa!" aniya. Parang biglang naginit ang dugo ko.

"aba!! eh ikaw ? Sa Sobrang sama ng ugali mo! nagbleblend pati sa mukha mo!!" ani ko sabay taas ng kilay. yan ang bagay sa mga ASSUMING na Katulad niya!

"Tss! Talaga !? Eh bakit ang lagkit ng tingin mo sakin !?" sabi ng tukmol sabay Taas ng kilay at nag crossarm pa! ewan ko parang bang may kung anong bumara sa lalamunan ko NAKAKAHIYA napansin nya ata ang titig ko kanina!!.

"Assuming!!" ani ko sabay tulak at naglakad na papalayo sa kanya! kailangan ko na rin umuwi baka masermunan pa ako ng Nanay kong Mala Wang-wang ng Abulansya!!

.
.
.
.

"oh kumusta ang pamamasyal Apo?" bati sa akin ni  Lolo tino na kasalukuyang nakaupo sa Sala.

"Ayos lang po Lo." ani ko sabay ngiti.

"Buti naman. Nagmiryenda kana ba ? Nagluto ang lola mo ng Turon nandun sa lamesa." si Lolo.

"Sige po mamaya na lang. Gusto ko po kasing magpahinga." ani ko kay Lolo. Medyo pagod kasi ako. I need a beauty Rest!!

"osha sige Apo. Namalengke lang ang Lola mo at ang mama mo" ani Lolo, tango at ngiti lang ang tinugon ko at tinungo ko na ang kwarto ko para makaligo at makapag pahinga,

Dumeretso na ako sa banyo nagsimula ng maligo, bigla naman pumasok sa isip ko ung lalaking nakabangga ko kanina.

"Ang Gwapo nya sana ! Napaka Suplado naman !!" Ani ko sa sarili ko.

.
.
.
.

Nang matapos maligo at makapagbihis ay agad akong humilata sa kama, hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko ..

...

Nagising ako nang may nagbukas ng pinto.

"Nak , Bumangon kana Oras na ng Hapunan." Si Papa pala.

"Opo pa. Tugon ko, Tumayo ako at dumeretso sa banyo para makapag-ayos ng sarili, Pababa pa lang ako ng hagdan ay dinig ko na ang tawanan.

"Ohh ? Zyk , Apo maupo kana." Bati sa akin ni Lola.

"Opo salamat La." Tugon ko kay Lola Maring.

Nagumpisa na kaming kumain, Gaya ng dati napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapunan . Syempre Sinabon Nanaman ako ! Sa pamumuno ng aking ina :3 .. nag usap din sila tungkol kay kuya , na hanggang ngayon wala pa ! Mukhang layas ang Kumag !
Naging mabait daw na Apo si kuya Winns kay Lolo at Lola, at hindi daw naging sakit ng ulo sa kanila , kaya ganon nalang ang pagmamahal nila Lolo Tino at Lola Maring kay Kuya.

Nang matapos ang hapunan ay ako ng nagprisinta na maghugas ng pinagkainan, para makapagpahinga na rin si Lolo at Lola, sila Mama naman ay Umakyat na rin sa kwarto dahil may aayusin pa daw sila na mga Papeles para sa Opisina.

Ilang minuto lang ay natapos ko na ang ginagawa ko. Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw kaya naisipan kong kumuha ng tubig sa Ref.

"Sino Ka ?" Isang tinig ang aking narinig mula sa likuran ko. OMG! Nagtayuan ang mga balahibo ko sa takot, may mumu ba dito ?? O.o

Humarap ako sa likuran ko , pero nakapikit pa rin ako at dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

O.O

ZYK: Brother or Lover ( COMPLETE ) (BOYxBOY)Where stories live. Discover now