1. Debut

1.5K 24 10
                                    

*** ALL RIGHTS RESERVED ***

No part of this chapter may be reproduced. You can, however, leave your comments and votes...

Eto na si Seb at Meg...

___________

Meagan

This is my 18th birthday.

Eto yung panahon na buong akala ko ay bibigyan na ako ng kahit konting kalayaan man lang ni Papa.

Pero nagkamali ako.

Ito pala yung panahon na mas matatali ako sa mga tradisyon na kinalakihan ko.

Tumanggi ako sa isang engrandeng selebrasyon para sa 18th birthday ko. Sabi ko kay Papa, ibili na lang ako ng kotse at payagan na nya akong kumilos ng walang body guards.

Tuwang tuwa ako ng pumayag sya sa kotse na walang kasamang driver. Pero may body guard pa din. Discreet na nga lang. Puede na akong mag ilusyon na wala sila.

Yan ang regalo nya sa akin during the intimate dinner with the family. Kasama si Mama, si Kuya Stephen, at ang dalawa ko pang nakakabatang kapatid na lalaki.

And then he dropped the bomb.

Engaged na ako.

I am to wed this person, kung sino man siyang poncio pilato, on my 21st birthday. Walang pasintabi sa nararamdaman ko.

Basta ang sabi lang nya, it will be beneficial to the company. I am merely a pawn to his empire. Para lang lumawak kung anu mang interes meron sya.

Akala ko nga nung pinayagan nya akong mag aral ng AB in European Studies with specialization in International Relations, tanggap na niya ang pangarap ko na isang araw ay magiging diplomat ako.

Yung maninirahan akong mag isa sa ibang bansa. Malayo sa shadow ni Papa at ng buong empire nya.

He was merely trying to indulge me until such time na ipakasal nya ako kung kanino nya gusto.

I wonder kung kailan nya pa naisip na ipakasal ako, o kung kelan na nya nahanap ang lalaking ito.

Hindi na ako tumutol. Wala rin lang naman akong magagawa. At least mayroon akong tatlong taon para sa sarili ko.

And like some obedient child, ngumiti lang ako ng ngumiti hanggang sa matapos ang dinner.

Ako si Meagan Isobel Lim, at ito ang aking buhay.

Baduy no? Kala kasi nilang lahat pag mayaman kayo, okay na ang lahat. Masaya at masarap ang buhay. Lahat puedeng bilhin ng pera. Hindi yun totoo.

Hindi nila nakikita yung mga restrictions, yung mga sacrifices.

Malamang meron ding magsabi ng "ang arte mo naman, ipapakasal ka naman sa taong kapantay din ng estado ninyo sa buhay."

Pero para sa akin importante kasi ang pagmamahal sa isang relasyon. Ako na ang hopeless romantic pero ayojo yung kagaya ng madalas na sinasabi sa akin ni Mama na "matututunan mo din syang mahalin. Tignan mo kami ng Papa mo, I cannot imagine a life without him."

Iilang tao ba ang makakapagsabi nya?

Hindi siguro karamihan.

Ayokong ipagsapalaran ang buhay ko at kinabukasan sa isang tao hindi ko naman mahal. At lalong hindi ko naman kilala. Paano kaya kung serial killer sya, o kaya may kakaibang bisyo?

Hindi pa naman ako naniniwala sa divorce o annulment.

Kaya't nakapagpasya ako kinabukasan na pansamantalang umalis ng bahay.

Hindi pa man nagbubukas ang mall ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko na tatambay ako sa coffee shop. Bitbit ko ang backpack ko na lumabas ng bahay.

Nasanay na din sila na magbibitbit ako ng mga libro at ang laptop ko para magbasa o magsulat sa coffee shop maghapon.

Hindi ako yung batang mahilig sa gimik o night out. Mas bet ko ang library o kahit saan na puede akong magbasa.

Pagdating ko sa mall ay agad kong nailigaw ang bantay ko at dumiretso ako sa airport. Tempted akong mangibang bansa at hindi na bumalik kahit kailan pero alam kong mahahanap in ako ni Papa.

Kaya't bumili ako ng pitong plane tickets sa iba't ibang panagalan. Pinili kong puntahan yung hindi nila iisipin na pupuntahan ko.

__________

First time ko sa Tacloban. Pero hindi ito ang final destination. Mahabang byahe pa bago ako makarating sa paroroonan ko. Kaya't nagpasya akong lumakad palabas ng airport papunta sa terminal ng mga nakaparadang jeep doon.

Mas tipid kasi yun kaysa sa mga nasa labas lang ng airport. Unting tipid lang sa cash na dala ko. Mahirap na baka maubusan ako. Di ko pa naman puedeng gamitin ang credit card ko pati na ang ATM ko dahil siguradong mahahanap nila ako.

Bumaba ako sa may downtown at naghanap ng makakainan.

Nakakita ako ng isang maliit ng restaurant na mukhang malinis pero mura naman ang pagkain.

Pumasok ako sa loob nun. Isang matandang babae ang nasa kaha habang ang matandang lalaki naman ay nag aayos ng mga pinagkainan ng mga customers.

Nang makarating ako sa may counter para umorder ay nakita ko ang isang binata. May katangkaran ito, maganda ang katawan at makinis ang kutis. Parang hindi nga sya bagay sa lugar na ito. Pero ang wari ko ay isa sya sa mga waiter dito.

O malamang ay apo ng may ari. May pagkakahawig kasi sya kay lola na nakaupo sa may kaha na mestisahin.

"Miss, anong order mo?"

OMG! Ang lalim ng boses and at the same time nakakaakit. Parang ang yummy kahit pa naka white tshirt lang ito at maong pants.

"Miss..." tawag nya uli sa akin. OMG talaga! Ang ngiti nya, abot hanggang mata.

"Ah, sandali. Ano ba ang masarap?" Tanong ko sa kanya, hindi kasi ako masyadong pamilyar sa mga pagkain na nasa harap ko.

"Ako," nakangiti pa rin nyang sagot sa akin.

Nagulat ako, "ha?!"

"Ang sabi ko, yung ako ang tatanungin masarap ang pansit canton namin dito."

Canton naman yun sinabi nya di ba? OMG! Ilang oras pa lang akong nahihiwalay sa amin sobrang napopollute na ang utak ko.

"Ah, e... sige, yun na lang. At saka isang Coke."

"Umupo ka na lang muna, ihahanda ko lang ang pagkain mo."

"Ngayon na ba ako magbabayad?"

"Kahit wag na. Treat ko na to."

Treat? Friends ba kami?! Bigla akong naalarma.

"Wag mong masyadong pansinin ang apo ko. Nagbibiro lang yan." Sabi naman ni lola na nasa kaha. "Sixty pesos lahat iha."

Wow. 60 pesos lang? E samantalang sa Maynila, nasa 300 na ang coke at pansit. Malayo ang mararating ng dala kong pera dito.

____________

29 July 2015

x

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Give Me A ReasonWhere stories live. Discover now