Epilogue

220K 5.6K 1.2K
                                    

"A woman's heart should be hidden in God, that a man has to seek Him just to find her." -Max Lucado

***

EPILOGUE

PAGKARATING ni Crystal Jane sa Korte Suprema ay patapos na ang hearing at binabasa na ang verdict sa nasasakdal.

Mula sa kinatatayuan niya sa likod ay kita niya ang likod ni Ramses kasama pa ang dalawa pang abodago na ka-alyansa nito sa kaso.

Naghiyawan ang mga tao nang mahatulan ng "guilty" ang isang notorious drug lord. Nangilabot si Crystal Jane nang makita ang lalaking mas matanda lang siguro ng kaunti sa Daddy niya at ang tatalim ng tingin nito sa kampo nila Ramses habang hawak ng mga pulis.

Napayakap siya sa sarili. Nawala ang excitement niya sa plano niya sana pagkakita kay Ramses. Ito ang taong posibleng nagpapadala ng death threats at nagbabanta sa buhay ng nobyo niya.

"Pagsisihan niyo 'to!" sigaw bigla ng nasakdal habang dinuduro sina Ramses. "I'll get to you! Iisahin ko kayo! At ikaw ang uunahin ko!" sabay turo nito kay Ramses habang nanlilisik ang mga mata. "Akala mo kung sino kang magaling! Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ka burado sa mundong 'to!"

Napasinghap si Crystal Jane at kumabog ng malakas ang puso dahil sa bantang iyon. Unang beses niyang makakita at makarinig ng ganoon. Habang si Ramses ay ngumisi lamang at nagkibit-balikat at saka nakipagkamay sa mga kasama nitong abogado.

Nagwawala pa rin ang drug lord hanggang sa mailabas na ito ng mga pulis. Ang daming nakapalibot rito. May nakuha pa siyang mga naka-uniporme ng NBI.

Natulala na lang siya habang pinapanood ang patuloy na pagwawala ng matanda. May nakita siyang nag-iiyakan. Iyon siguro ang pamilya. May isang lalaki na kaedad lang siguro ni Ramses at mukhang anak ng nasasakdal na masama ang tingin kanina Ramses. Inaalo nito ang mga kapamilya ngunit punung-puno ng pagkamuhi sa mga mata.

Napalunok si Crystal Jane at nilayo ang tingin doon. She silently utter a prayer. Dahan-dahan siyang lumapit kay Ramses.

Nang makita siya nito ay ang laki ng ngiti nito. Sinugod siya nito ng yakap. "We won!"

"Nakita ko nga. Congratulations!" masaya ring bati niya. Gusto niya na sanang ituloy ang plano niyang halikan ito ngunit bigla siyang nahiya. Parang hindi maganda na dito niya ito halikan. Lalo na nakikita niyang may nagdadalamhati habang sila ay masaya.

"This calls for a celebration! Let's go somewhere, what do you think? Overnight. Para hanggang bukas na ang celebration natin sa birthday ko."

"That sounds good. Magpapaalam muna ako kanina Mommy mamaya."

"Alright." Hinalikan siya nito sa pisngi.

"K-kanina...pinagbantaan ka nung-"

Umiling ito. "Ganoon talaga, Crystal Jane. Hindi iyon ang unang beses. Hindi niya na kami magagalaw. Tapos na ang kaso at makukulong na siya habang buhay."

"P-Pero..." Napatingin siya sa kaninang umiiyak na kapamilya nang nakulong. Pero wala na ang mga ito doon. Nagpakawala na lang siya ng hangin. Hindi niya makalimutan ang tingin dito kanina nang anak ng drug lord. Parang may masamang binabalak. Ngunit, baka nasa isipan niya lang iyon. She must not judge kahit kakaiba na ang pakiramdam niya.

Maya-maya ay umalis na rin sila ni Ramses pagkatapos nitong makipag-usap pa ibang abogado at sa judge. Paglabas nila ay sinalubong sila ng mga media. All asking for an interview. Ngunit magalang na tumanggi si Ramses at inalalayan pa siya hanggang sa makarating sila sa kotse nito.

Selfless Rebound Girlfriend (TOG #2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon