sa kuwentong sila ang bida.

1 0 0
                                        

alam mo dati, hindi ko maintindihan kung bakit interesado ang ibang manonood sa mga palabas na hindi naman “tao” ang gumaganap.

ako’y napapatanong na lang at nasasabi na mas gusto kong makita na totoong tao ang karakter sa palabas ngunit mali rin pala ako… naiintindihan ko na sila ngayon. kaya naman klinaro ko sa aking sarili na hindi lahat ng bagay ay makikita sa mukha ng tao dahil maaaring galing lamang ito sa kanilang imahinasyon.

lubos kong papalakpakan ang manunulat at direktor nito dahil biningwit nila ang interes ng mga tumatangkilik sa kanila upang manood pa ng mga animated na larawan na may diin sa inilalahad na samu’t saring emosyon mula sa kanilang puso. mabuhay kayo!

ako, mahilig ako manood ng serye na pinangungunahan ng dalawang lalaking karakter. dahil para sa akin, hindi lamang dahil kakaiba ito sa nararapat ngunit ito ang nagsalba sa dapat ay wakas na.

hindi sila umarte dahil kailangan nila; sapagkat, ito ay gusto nila. nakita ko ang dedikasyon nilang magkabisado at pag-aralan ang bawat linyang kanilang ibabato sa harap ng kamera habang bitbit-bitbit ang kaluluwa ng karakter na kanilang pinangalanan.

kaya naman sa tuwing mabigat ang pakiramdam ko, sila ang takbuhan ko. gusto kong madama na kahit ganito kagulo ang posisyon na ginagalawan ko, may kakaibang mundo pa rin pala na ibang-iba sa reyalidad. aabutin ko ang mga kamay na nababalot ng kalungkutan at lugmok sa pag-asa.

sana isa na lamang akong aktor.

sa kuwentong sila ang bida. Stories to obsess over. Discover now