DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
-- ANNEY ROSE AREVALO (AraLovessyou)
My to-do list was practically glowing—mga checkmark na parang medalya sa bawat task na natapos ko: centerpieces? Na-perfect. Venue? Locked in. Cake? Diyos ko, heaven. Ang bango ng paligid—lilies at roses na kadalasang masakit sa ilong, pero ngayong araw, parang nakaka-soothe. Tahimik ang aircon, swabe ang ambiance. I even found myself humming some cheesy 80s song habang sinusulatan ko ang thank-you notes.
For a moment, akala ko okay ako.
Then I felt it—Xiamara's hand on my shoulder. Masyadong mabigat. Parang yung bigat na matagal ko nang kinikimkim, pinilit kalimutan, pero ngayon... bigla nalang bumalik.
Naputol ang pag-hum ko. Naputol pati ‘yung illusion na kaya ko ‘to.
"Jonalya," she said, her voice softer than I’d ever heard it. Halos pabulong. Halos parang ayaw niya rin akong saktan, pero alam niyang kailangan.
“Are you sure you'll be the one to handle this wedding planning?”
Pilay ang ngiti kong ibinalik sa kanya. Kumapit ako sa propesyon ko, sa title ko. "Trabaho ko 'to," I said, my voice just barely steady. “Ako na ang bahala.”
Pero hindi siya natahimik. She exhaled hard—alam kong may kasunod na.
“Haynaku,” she muttered, shaking her head. “Wag mo na ngang itago. Kilala kita, Jon. Kaibigan mo ‘ko. Alam kong hindi ka masaya.”
That broke something in me.
Parang may pumutok sa dibdib ko—hindi dahil sa gulat, kundi dahil alam kong totoo ‘yung sinabi niya. Alam kong matagal ko nang sinubukang itago, itanggi, i-push sa ilalim ng lahat ng ginagawa ko. Pero naririnig ko na ‘yung basag. Nararamdaman ko na ‘yung init sa mata ko.
Tumingin ako sa table—wedding plan, glossy photos, guest list na pinaghirapan ko. Pero lahat ngayon, parang nanunuya. Parang sinasabi ng bawat picture: Tingnan mo siya. Masaya siya. Hindi ikaw ang kasama niya.
He’s getting married. And not to me.
Ang lalaking minahal ko. Ang lalaking inakala kong magiging “happily ever after” ko… Ikakasal na. Sa iba.
And I’m the one making it all happen.
Bakit ako? Out of all the planners in the city, bakit ako? Bakit ako ang kailangang humawak ng kasal na ‘to?
Bigla nalang hindi ko na kayang pigilan. Hindi na ako ‘yung Jonalya na kayang ngumiti habang nagkakandaugaga sa trabaho. Hindi ako ‘yung strong woman na inaakala nilang kaya ang lahat. Ako lang ‘yung babaeng naiwan. Yung babaeng pinili pero iniwan din.
Tumulo ang luha ko, kahit pilit kong pigilan. Hanggang sa hindi na lang patak, kundi buhos. Hinayaan ko. I wrapped my arms around Xiamara, and let it all out. Wala nang pride, wala nang pretensyon. I was just… broken.
"I'm so sorry you're going through this," she whispered, holding me tight. Sincere ‘yung tono niya, ramdam ko. Pero kahit gaano kabait ang boses niya, hindi sapat ‘yun para takpan ‘yung lungkot na nilamon na ‘ko.
"Seeing him move on… it must be tearing you apart."
Move on? Hindi lang basta move on. Para bang hindi ako kailanman naging parte ng mundo niya. Para bang ako lang ‘yung may naiwang damdamin, habang siya… tuloy lang ang buhay. Masaya. Buo.
Sakit. Yung ganung klase ng sakit, hindi 'yun basta luha lang. ‘Yun ‘yung tipong mararamdaman mo sa bawat paghinga. Sa bawat pag-gising. Sa bawat sandaling naaalala mong hindi ikaw ang pinili.
"But please,” she added gently, “don’t let this break you. You are so much stronger than this heartache. You deserve someone who will love and cherish you for who you are... not someone who throws you away like yesterday’s trash.”
Her words felt like fragments of light—hindi sapat para liwanagan ang buong gabi, pero sapat para hindi ako tuluyang malunod sa dilim. Maybe this isn't the end. Maybe may natitira pa sa'kin. Kahit konti. Kahit durog, baka kaya pang buuin.
Humupa rin ang iyak ko, pero naiwan ‘yung kirot. Hindi siya nawala. Parang paso na matagal bago maghilom. Pero alam ko na, kahit ganito ako ngayon—wasak, magulo, mahina—may parte pa rin sa akin na hindi sumuko.
And maybe, someday… I’ll understand why this had to happen.
But right now, all I know is this—
This is the kind of pain you don’t forget.
YOU ARE READING
The Last First Date (ON-GOING)
RomanceAkala ni Jonalya, ordinaryong araw lang 'yon-isa na namang wedding photoshoot na kailangan tapusin. Sanay na siya sa ganung setup: ngiti dito, pose doon, lahat scripted, lahat staged. Pero sa gitna ng flash ng camera at mga bulaklak na nakapalibot s...
