Prologue

21 1 0
                                        

When the mysterious nation of Pyrrhos—a realm forged in fire, its lands scorched by rivers of lava and glittering with ruby veins—was discovered, it seemed like the beginning of a new alliance. The people of Pyrrhos, resilient and proud, forged a brotherhood with the Waterious, a neighboring nation of serene lakes and cascading rivers. Their union promised a balance between the opposing forces of fire and water, a rare harmony between two vastly different worlds.

But unity is fragile. A single misunderstanding, born of suspicion and miscommunication, ignited a spark that grew into a raging inferno of conflict. The Pyrrhos, their fiery nature often misunderstood, were quickly branded as aggressors. And as the flames of war spread, their villainous reputation solidified, whether earned or not.

The Waterious, calm and deliberate, saw no choice but to defend themselves against the relentless might of Pyrrhos. What had once been a symbol of balance and unity now crumbled into chaos and destruction, leaving both nations scarred.

Dahil sa hirap na kalabanin ng naglalagablab na apoy ang mga mandirigma ng Waterious, na nagtataglay ng lakas mula sa tubig, nagpatuloy pa rin ang Pyrrhos sa kanilang laban. Ang matinding sigalot na nagsimula mula sa isang simpleng hindi pagkakaintindihan ay nauwi sa isang madugo at mapait na digmaan.

Marami ang nagbuwis ng buhay sa digmaang ito—mga bayani, inosente, at maging ang kalikasan ng dalawang bayan. Ang dating pagkakaibigang nakabuo ng tulay sa pagitan ng apoy at tubig ay unti-unting gumuho, tinangay ng alon ng galit at hinampas ng init ng poot.

Ngunit sa gitna ng pagkawasak, isang tanong ang bumabalot sa mga puso ng natitirang buhay: May pag-asa pa bang maibalik ang kapayapaan sa pagitan ng Pyrrhos at Waterious, o tuluyan nang masusunog at malulunod ang kanilang mga pangarap?

Isa sa mga makapangyarihan na elemento ang Pyrrhos at Waterious ngunit mas nanguna sa ranking list ang mga Pyrrhos kaya naman naiingit at na insecure ang leader ng Waterious Kay Ashen Pyrrhos dahilan para gumawa ng hindi magandang gawi ang hari ng Waterious na si Caylx Waterious. Sa bawat henerasyon, ang kasaysayan ng galit at alitan ng dalawang kaharian ay nagiging mas madugo. Ngunit sa pagdating ng isang makapangyarihang pinuno, ang Hari ng Lahat ng Elemento, pansamantalang natigil ang alitan. Sa loob ng sampung taon, nanumbalik ang kapayapaan. Ngunit, tulad ng lahat ng sumpa, hindi ito tuluyang naputol. Sa kabila ng kapayapaang iyon, isang di-maipaliwanag na pangyayari ang muling nagbunsod ng hidwaan.

Ngayon, ang teorista at propetang si Kiomenxia Zuex ay nagbabala: ang ikot ng sumpa ay malapit nang maganap muli. Isang kasuklam-suklam na hinaharap ang nagbabanta sa parehong Pyrrhos at Waterious, maliban na lamang kung mayroong magtatangkang basagin ang kadena ng pagkamuhi na matagal nang bumalot sa kanilang mga puso.

Ngunit ang landas patungo sa kapayapaan ay hindi madali. Ayon sa kanyang teorya, ang sagot ay nakatago sa pagitan ng mga elemento mismo—sa matagal nang nakalimutang kasunduan na nilikha ng Hari ng Lahat ng Elemento. Kung ang kasunduang iyon ay maibabalik, maaaring matigil ang sumpa. Ngunit kung ito'y mabigo, ang dalawang kaharian ay haharap sa tiyak na kapahamakan.

Karamihang katanongan ang hindi masagot ng isang simpleng salita.. Matatapos pa ba ito? nasaan na ang magliligtas sa kapayapaan na inaasam ng mga naninirahan sa lugar na 'yon? ilang buhay pa ba ang kukunin para maitigil ito? 

Katanongan na masasagot sa darating ng panibagong Hari ng Lahat na mag liligtas sa mundo ng elementa.

Elementa: The Broken UnitesStories to obsess over. Discover now