Chapter 1

19.2K 287 24
                                    

Chapter one

Hindi ako umiyak ng umalis ako at nang sinundo ako ni kuya galing sa school ng gabing yun.. Nakatingin lang ako sa langit, mukha yatang makikisama pa sa akin ang panahon..uulan..

Ulan..

Ito ang pinakadahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon..

Kung hindi lang umulan noon..

Hindi ako magsta-stay sa capilla

At hindi ako makakapagkumpisal sa kanya..

Haaaaayyy..buhay..

Bakit pa kasi nakilala ko xa?

Hindi umimik si kuya kahit alam kong nasesense nya ang lahat.. Bago ako bumaba sa kotse ng nakauwi kami, sinabi ko na sa kanya..

"Kuya.."

"hmm?"

"Wala na kami"

"Ha? Bakit? Paa-"

"Kuya, next time na lang, pagod ako."

Hindi ko na pinakinggan kung may sasabihin pa si kuya..pagkapasok ko sa bahay, alam kong tulog na ang mga magulang ko, dumerecho agad ako sa banyo at nilinis ang mukha ko.. Hindi ko tiningnan ang sarili ko sa salamin.. Pagkalinis ko ng mukha ko, derecho kwarto, nagpalit ng pantulog at natulog na ako..

Natulog.. Tsk! Lokohin mo ang sarili mo!

Nakatingin lang ako sa langit, umuulan.. Lumuhod ako sa kama at tumingin sa langit..

Kahit umuulan, isa lang ang hinahanap ko..

Ang buwan..

Ang buwan lang ang tanging saksi ng mga paghihirap ko..

Kaso hindi ko xa Makita ngayon..

Unti-unti alam ko.. Pumapatak na naman ang luha ko..

Hindi ko na xa pinigilan.. Hindi ako malakas, hindi ako matibay..

Kasi masakit..

Mahapdi..

Siguro, ito yung dahilan kung bakit ako pinilit ni Shiloh na mangako na hindi ako magkakagusto kay Aidan, kasi alam nya..sa huli, masasaktan ulit ako..

Dangan kasing matigas ang ulo!!!!

Asar!

Assume ng assume..

Ayan.. Nasaktan tuloy!

Pero hindi nyo naman ako masisisi, di ba????

Kasi..

Nagmahal lang ako..

Alam ko. Hindi ako mauubusan ng luha ngayon.. Ayos lang..

Kasi ito lang ang outlet ng sakit ko ngayon.. Ang pag-iyak..

Emotera ako ngayon..paki nyo ba???

Pagtingin ko sa cp ko..

TOKNENENG!!! 36 messages received!!!!

Browse.. Puro kaklase ko lang..actually hindi ko binasa.. Kasi may hinahanap akong pangalan..

Ang dating laman ng inbox ko..

Kaso..naubos ang 36 messages wala man lang ni isa ang galing sa kanya. Pero nabasa ko ulit yung huli nyang text.. Yung may surprise daw xa???

Sus..surprise..

Oo.. Nasupresa nga ako..

Ano ba Iexsha!!Tama na!To the bitterness ka na naman eh!!

Pinatay ko na yung fone ko..at tinago sa ilalim ng kama ko para hindi ko na Makita..

Spaces To Fill Book 1: Recuperation (COMPLETE)Where stories live. Discover now