Ang Montenegro Elites School

0 0 0
                                        

"Nay tay punta na po ako sa bago kong paaralan." sabi ko
"Oh sige anak mag iingat ka ha malayo pa naman yun,ma mimiss ka namin" sabi nila nanay at tatay

(Habang na sa byahe)
"Hay ano kaya mangyayari sa aking sa paaralan na yon.Kung hindi dahil sa scholarship hindi ako makakapagpatuloy sa pag aaral.
Sana magiging mabuti lang ang lahat." Kausap ko ang aking sarili.Nag iisip ako kung ano ang mga mangyayari sa pagpasok ko sa Montenegro Elites School. Aw qHanggang sa nakita ko na ang gate ng school. Gate palang ang laki na loob pa kaya.

Pagkababa ko ng bus ay mas namangha ako ng makita ko ang napakalaking gate.
Nag tanong ako sa guard at sabi niya pumasok nalang ako. Pagkapasok ko bumuka ang aking bibig sa laki ng school na ito. Ito pala iyon.
Dito na ako mag aaral.

Nag tanong tanong ako sa mga studyante kong nasan ang principal's office para kunin ang aking schedule.

Pagkapasok ko sa principal's office ay nakita ko ang principal na nakikipag usap sa isang guro.
"Pasensya napo sa biglaang pag pasok ko hindi ko po alam na may kausap kayo. Paumanhin po."
"Okay lang yon iha sige pasok ka" sabi naman ng principal sa akin.
"Sige sir basta yung sinabi ko sa inyo paki follow nalang." Huling sabi ng principal doon sa guro.
"Ah magandang araw po sir ako po pala si Sofia Anna Dela Cruz.Ako po ang bagong studyante na nakapasa sa scholarship."
"Ay ikaw pala iyon iha magandang araw din sa iyo. Ito na pala ang iyong schedule basahin mo nalang ang mga rules at mga importanteng detalye sa form na ibinigay ko sa iyo ha?"
"Opo maraming salamat po aalis na po ako magandang araw po ulit."
"Sige iha mag iingat ka dyan sa labas ha." Sabi ng principal. Naguluhan ako sa ano ang ibig niyang sabihin pero binalewala ko lang naman.

Habang naglalakad ay binabasa ko ang form na binigay sa akin ng principal pero sa hindi pa ako nakalalayo may narinig akong mga nag sisigawan at ng tignan ko ito.May nag aaway!

The Billionaire and the ScholarDes histoires addictives. Découvrez maintenant