#RoD2

26 4 0
                                        

“Ate, buti dumaan ka rito! May stock na ang barnuts. Sabi ni Ash na tabihan daw kita ng isang pack.”

Hindi ko magawang sumigla dahil sa narinig. Sariwa pa ang mga panunumbat at paghihinala ng mag-iina sa akin nung isang araw. Kapag talaga nangyayari ang ganoon, it takes me a week to get back to my usual self. Kung ang normal na ako ay walang sigla, ngayon ay dumoble at naging lantang gulay na.

“Ate, ayos lang?” para akong binuhusan ng tubig nang manumbalik ang pag-iisip ko sa realidad. “Kanina pa ako nagsasalita dito, di ka ata nakikinig.”

“Sorry. Nay iniisip lang,” sagot ko sa kahero ng gateway, si Foster. “Asan na ang barnuts?”

Tumayo ang may katangkarang binatilyo at marahan akong tinitigan, naghahanap ng sagot. Umiwas ako ng tingin sa kanya at kunwaring kumuha ng pera sa bag ko kahit may pera naman ako sa bulsa ng palda.

When I heard the door open, I moved to the side of the counter, waiting for my barnuts. Basta dapit hapon ay medyo marami talagang dumadaan rito para bumili.

Nakayuko ako at nakatingin sa sapatos kong nilarolaro ng paa ko.

If I were at my mother's place, would I be feeling this way? Am I fighting some inner demons every night? Lantang gulay din kaya ako? Or maybe not, but I wouldn’t be able to study, wala pang kasiguraduhan na tatanggapin niya ako.

So dapat bang nagpasalamat na lang ako sa sitwasyong kong ganito?

“Two band-aids and ointment, then lollipop.”

Mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig ang magaan at malilim na boses na iyon. Maging ang puso ko ay naghagrumento lalo ng makita ko ang lalaki sa harapan ng counter. Kabado pa ako at napakurap nang bumaling ang tingin niya sa akin. He held my stare for a few seconds before his eyes dropped to my neck. His eyebrows furrowed slightly as he stared, clearly not liking something he saw. I quickly covered my neck with my hand when I realized what he was looking at!

Shit! Masyado ba talagang puno ang utak ko at di ko napansin ng dalawang araw na may naiwang kalmot pala doon?! Kaya pala panay tingin ng mga kaklase ko sa akin, may kung ano pala sa leeg ko.

Dahil sa kaba ay tumalikod ako hindi na hinintay ang barnuts na dapat ko sanang kunin ngayon. I heard Foster calling my name, but I ignored it and hurried out through the Gateway.

Wala naman akong pakialaman sa kung ano ang sasabihin ng mga tao sa'kin. Hindi ko batid kung anong meron kay Chiro na kahit presensya niya lang ay parang dapat kong katakutan.

“Hey, Miss.”

I froze, my body tensing up as a hand grabbed my arm. Just from his voice and scent, I knew exactly who it was. I was torn between running away or playing it cool and facing him. Nakalabas na ako ng Gateway at medyo nakalayo na ako roon at bakit gano'n siya kabilis nakahabol sa akin?

“You’re the girl who found my wallet, right?” he gently asked. Dahil sa tuno ng kanyang pananalita ay marahan akong tumingin sa kanya. “I’m sorry. I didn’t mean to offend you without realizing it.”

Napakurap pa akong tumingala kay Chiro. Madilim man ang itim na mata ay nababakasan ko ang sinseridad no'n. He looked even more handsome up close than from a distance.

“Hey, you okay?” he called out again when he noticed I wasn’t responding. I was totally losing my voice!

Tumango ako at medyo lumayo sa kanya kaya automatic natanggal ang kamay niyang nakahawak sa siko ko. Naiilang ako, nahihiya na hindi ko maintindihan!

“A-ahm, ayos l-lang,” maski boses ko ay nautal na rin. “Kasalanan ko naman, medyo insensitive lang ako.”

Kasalanan ko rin naman talaga iyon. Masyado akong nag react ng maaga not knowing kung ano ba talaga iyong gusto niyang ipunto. Nadala na lang siguro ako sa mga sitwasyon noon, na kahit hindi ko kasalanan ay talagang bumaliktad.

La Epifania #1: Radiance of Darkness Where stories live. Discover now