Kaira's POV
It was already dark and stars are starting to fill up the night sky, nakasakay ako sa kotse ni Dad at tinatahak namin ngayon ang isang madilim at nakakatakot na gubat. Mag-iisang oras na kaming nasa rutang ito, kanina sementado pa ang daan pero ngayon lubak lubak na. We are off to somewhere that I am not familiar with.
"Dad, are we lost?" naglakas loob na ako upang tanungin ang bagay na yan.
"No, sigurado akong ito ang tamang daan, pero mukhang may naglalaro sa'tin kaya hindi tayo makaalis dito" biglang naging seryoso si Daddy kaya nagsimula na akong kilabutan.
Papunta dapat kami sa hidden cottage ni Lola para samahan siyang tumira doon, we should be there by now but it really seems like we are stuck in this maze-like forest. I don't want to consider this but what if pinaglalaruan kami ng mga masasamang espirito? Gosh, I'm afraid of ghosts.
"Kaira, hold on to your seat and fasten your seat belt, may mga sumusunod sa atin" sabi ni Dad nang hindi lumilingon sa akin, now I'm really scared.
Agad naman akong lumingon sa likuran pero wala naman akong nakikitang sasakyang sumusunod sa'min. Nagtatakang napalingon ako kay Daddy at nagulat ako nang makita ang mata nya, IT WAS GLOWING RED! I was taken aback on what I saw that I've forgot to put on my seat belt.
"There are 16 assassins behind us, we need to hurry" Dad seriously said at sinimulang patakbuhin nang mas mabilis ang sasakyan.
"D-dad your eyes, what's happening?" nanginginig kong tanong, Dad turned his gaze on me at bumalik sa dating kulay ang mga mata nya.
"Let your Lola explain this to you" bigla nyang pinaharurot ang sasakyan dahilan para mapakapit ako lalo ng mahigpit. What the heck is happening?
I returned my gaze behind us at pinagmasdan ko nang mas maigi ang likuran, that's when I started to see shadows jumping from one tree to another. I thought that I might only see this on anime but it's really happening now. Assassins, what do they want from us?
"Dad! May pasugod sa kanan ng kotse!" I tried to warned Dad but it was too late, malakas na pwersa ang tumama sa kanang bahagi ng kotse dahilan upang tumigil ang sasakyan namin.
The car was heavily damaged at mabuti nalang ay hindi ito tumaob. Tuluyang nabasag ang salamin ng kotse sa kanan, nasugatan ako ng ilang bubog ngunit mabuti na lamang at hindi ako masyadong napuruhan.
Agad kong hinanap si Dad at nakita kong duguan ang kanyang braso, siya ang nagmamaneho kaya nahirapan syang lumipat ng puwesto. Agad kaming napayuko ni Dad ng makita ang isang espada na hiniwa ang bubungan ng kotse, we're now exposed, how lucky.
"Kaira! Move!" pumwesto si Daddy sa harap ko at hinarangan ako, tsaka ko lang napansin na napalilibutan na pala kami ng mga assassins.
"Long time no see, Trevor" biglang nagsalita ang isang assassin na sa tingin ko ay babae, may maskara ang kalahati ng kanilang mukha at mata lang ang tanging kita, nahihirapan akong malaman kung babae ba ito dahil sa kulob ang boses na naririnig ko.
"Ano pa bang kailangan nyo? Nakita nyo naman na nakuha ng mga kalaban mula sa akin ang Jade Weapons," naiinis na tanong ni Dad ngunit nararamdaman kong kinakabahan din ito.
"We don't care about the weapons, we want you dead." nakakakilabot na tugon nito.
Tinitigan ko sa mata ang assassin na nagbanta kay Daddy. Nangilabot ako nang magtagpo ang mga mata namin, nakita kong umilaw ang mga nito. Inilayo ko ang tingin sa kanyang mata at mabilisang sinuri ang kabuuan nito, nakumpirma kong babae nga ito base sa kanyang pangangatawan.
