We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Chapter 1

14 0 0
                                        

6am palang ng umaga may tumatawag na
'please wag ngayon dayoff  ko ,gusto kung magpahinga'
bulong ko sa sarili , ng tingnan ko ang caller i.d si Zia pala ang tumatawag akala ko yung Boss ko na naman na mahilig manghingi ng favor tuwing dayoff ko imbis na sagutin ko ay sinilent ko nlng yung phone ko dahil gustong-gusto ko pang matulog , maya2 nag vibrate na naman ulit hinayaan ko parin tumawag ulit
"aaaaaahhhhhh anak ka talaga ng mama mo ZIA MARIE REYES"
sigaw ko sa loob ng kwarto ko na gigil na gigil
"Siguraduhin mo lang na maganda yang sasabihin mo saken"
sabi ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag pero humagalpak lang sa tawa kase alam niya na nanggigil na ako sa kanya
"(Relax Lhuanna Wallace , alam kung sinigaw mo na naman sa loob ng apartment mo yung buong pangalan ko)"
pang-aasar niya pa lalo saken
"Ang galeng mo kase talaga tumyming noh? Ang sarap mo talaga ipa baril sa luneta"
pero tumawa lang ang bruha kung kaibigan
"bakit ba kase ? Ano ba kailangan mo hindi na ba yan makakapag antay ng tanghali?"
"(labas  tayo ang tagal na natin hindi nag hahang'out masyado mo ng seniryoso yung buhay mula ng.......)"
"Sige ituloy mo "
pagbabara ko sa sasabihin ni Zia
"(syempre mula nung na promote ka ,ikaw naman nag overthink kaagad)"
"Talaga lang ah"
"(Sige na pagbigyan mo na ako ngayon , tayo lang naman dalawa eh)"
"Oh ! himala di mo bibitbitin si Jeff, siguro nag-away na naman kayo noh kaya ako ngayon ang ini'esturbo mo"
"(Hindi ah , may business trip daw kasama si Gabrielle)"
hindi ako agad nakasagot
"(Hello Lhulu?)"
tahimik parin ako
"(Lhulu okay kalang ba dyan, naririnig mo ba ako?)"
"Ah , oh Zizi saan ba tayo pupunta?"
"(Butterfly water park tayo)"
"Akala mo naman pagbubuksan ka ng ganitong oras sa sobrang aga mog mag-aya , hindi mo nalang ginawang 3am noh"
sabi ko sa kanya
"(kung pwede nga lang kagabi inaya na kita eh kaso hanggang 12am lng yun,pero syempre bebe time muna bago umalis si sweetie pie)"
"Edi ikaw na may jowa"
"(Ano na ? Kase pupuntahan na kita dyan para sure)"
"Sige na , oo na may magagawa pa ba ako, puntahan mo nalang ako , dahil inisturbo mo naman na ang beauty rest ko edi mag reready nalang ako noh ,kahiya naman sayo di ba baka aartehan mo na naman ako at tsaka di pa open ang pbb for audition masasayang lang ang arte mo saken"
narinig ko na naman ang mala bruha niyang tawa
"(Iloveyousomuch , actually kagabi pa ako nakapaghanda at nakapagpaalam kay Jeff eh)"
"Hindi halatang masyado kang excited niyan Kahit kailan pala disesyon ka talaga ,sige na bye na"

....................................

"Let's go"
sabay naming sambit at patakbo papunta sa pool na parang mga bata ,
"ang laki na pala ng pinagbago ng waterpark natu noh , almost 4years na din hindi tayo nakapunta dito"
"last na punta natin kasama pa natin si ga..... "
bigla kung tinulak sa pool ang madaldal kung kaibigan at lumusob nadin ako para sabayan siya sa pagligo
"feeling ko may galit ka talaga saken eh"
sabi niya saken ng na-uubo pa dahil sa bigla kung pagtulak
"buti alam mo"
at bigla niya akong sinabuyan ng tubig at nagtawanan nalang kami,
............
"Zizi pahinga na muna tayo please , nahihilo na ako sa mga rides"
"Ano ka ba sayang ang oras , dun tayo dali"
"ayoko dun "
sabay higpit ko ng hawak sa may hagdan at pinipilit naman akong hilain ni Zia pinagtitinginan na kami ng mga tao na pa akyat para mag rides sa taas,
"Lhulu tara na kakagatin ko yang mga kamay mo pag di ka bumitaw"
"kahit bigyan mo pa ako ng isang milyon hindi ako sasakay sa rides na yun"
pero pinipilit niya parin akong hilain
"isa Lhuanna , pag etong bilang ko umabot ng tatlo tingnan mo , dalawa , tat.... "
hindi natapos ni Zia ang bilang dahil may biglang nag tawag ng pangalan ko sabay kaming napalingon,
"Hi Lhuanna , how are you? it's been a long time ,Good to see you here ,i thought i was just hallucinating"
"Lhulu sino siya?"
pabulong na tanong saken ni Zia , at formal na akong humarap ,hindi ko na muna pinansin ang tanong ni Zia,
"Hi kuya"
at nagbeso kaming dalawa pati sa kasama niyang babae ,
"this is Lhuanna and lhuanna this is my girlfriend Nancy"
pagpapakila niya saken sa kasama niyang babae , na ibang lahi ,
'Nakailang girlfriend na kaya to sa isang taon'
pabulong ko sa sarili
"Lhulu may kuya ka? bakit hindi ko alam?"
hindi ko parin siya pinansin, hindi na maipinta ang mukha niya sa sobrang curious,babaliwin ko muna siya sa kakaiisip,
"Ah kuya si Zia bestfriend ko"
"Hi po kuya"
formal na bati naman ni Zia kay kuya Sean
"It's to formal for us , why don't you just call me by my name sa pagkakaalam ko hindi naman naglalayo yung edad natin "
pagbibiro ni kuya Sean sabay ngiti at biglang nagbulong yung girlfriend niya sa kanya, humalik muna eto bago umalis,
"Yun oh "
biglang sambit ni Zia , kaya kinurot ko siya sa tagiliran,
"Aray"
tumawa lang si Kuya Sean,
"Wanna have some drinks?"
"Po?"
"I mean juice , tea ,coffee or beer any kinds of drinks you choose"
"Go ako dyan"
"Akala ko ba mag rarides pa tayo?"
"Lhulu ano ka ba kahiya naman tanggihan ang kuya mo , wala ka bang modo"
"Wow nagsalita , ang galing talaga , naku wag ako alam ko kung bakit , salawahan ka talaga"
"Oii bibig mo huh baka ano isipin ng kuya mo"
tumawa lang si Kuya Sean
"So let's go?"
Aya ni kuya Sean samin wala na akong nagawa kase umu'o na ang pala desisyon sa buhay ko , kung di ko lang talaga bestfriend to ako na mismo mag lulublob sa kanya sa pool eh ,
Hindi naman sa umiiwas ako kay Kuya Sean , ayoko ko lang pag usapan na naman ulit ang nakaraan kung sakali mang maibanggit niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEVER STOP LOVINGStories to obsess over. Discover now