PROLOGUE

12 0 0
                                        

LAHAT ng tao sa simbahan ay napapatingin sa pitong kalalakihan na pawang naka-barong. Nakatayo ảng mga ito sa entrada ng simbahan at masayang nagbibiruan habang hinihintay na magsimula ang kasal.
Hindi nahuhuli ang height ng bawat isa. Ang lima ay may kaitiman ang kulay ng balat, kabilang ang lalaking ikakasal. Ang dalawang nakababata at mas lean ang pangangatawan ay medyo mapusyaw ang balat. Pero sa isang tingin lang, agad na mapapansin na magkakaparid ang mga ito.
Sila ang Braganza Men. Naroroon silang lahat sa
kasal nina Dakila Braganza at Sabina.
Panay ang bulungan ng mga bisitang babae habang
nakatingin sa magkakapatid.
"My God, Dana! lyan ba ang mga bayaw mo?
They're all gorgeous," bulong ni Even, ang kaibigan i Dana. Nagkataong nagbakasyon ito sa bahay ng aibigan.

Napangiti si Dana. "Do you find them sexy, too?" Napahagikgik si Even. "Puwede kong i-take hom! ang kahit na sino sa kanila. Sino pa ba ang available si anim na 'yan?"
"Iyong panganay, si Kuya Umpay, at iyong dalawant pinakabata, si Attorney Marangal Braganza at si Trese n malapit nang maging doktor. Mamili ka," biro ni Dana
"Oh, my! Wala palang itulak-kabigin sa kanila
Puwede bang silang tatlo?"
"Hindi ka gahaman, ano?" natatawang sabi ni Danal
"C'mon, ipakilala mo naman ako sa kanila," an
Even.
"Hey, paano na si Rommel? Hayan o, masama an tingin sa yo." Ang boyfriend nito ang tinutukoy niya Pairap na tiningnan ni Even ang lalaki na nakatay sa di-kalayuan. "Ikaw kasi, hindi mo sinabi na puro mg macho pala ang mga bayaw mo, di sana'y hindi ko n isinama 'yan."
Napahalakhak si Dana.

NAGSIMULA na ang wedding march.
Nauna nang nagmartsa palapit sa altar ang groom, s Dakila, kasabay ang panganay na kapatid na tumatayon pinakamagulang nito, at ang kakambal nito na siyan! best man. Pumuwesto ang tatlo sa gawi ng altar pari hintayin ang bride.
Pinagmamadali naman ng ring bearer na si Her ang flower girl na si Hiyas na abalang nagtatapon ng Hower petals sa daraanan ng bride. Nakasunod na rin si Mayumi at Bayani Jr. Ayaw namang mawalan ng papel 'ni Junjun, kaya nag-barong din ito at sumama sa wedding entourage.
Napangiti si Tagumpay habang pinagmamasdan ang mga pamangkin. Nakadama siya ng pagmamalaki.
Sumunod ang dalawang pares ng mga ninong at ninang. Simple lang ang kasal. Puro mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang naroroon.
Sumunod ang mga abay, ang mag-asawang Magiting at Annabeth, Malakas at Alta, at sina Bayani at Dana.
Pinakahuling nagmartsa ang bride. Hawak ni
Sabina sa magkabilang kamay ang mga magulang nito.
Napatingin si Tagumpay kay Dakila. Hindi matatawaran ang kaligayahang mababakas sa mukha ng kapatid.
Naupo na sila sa kani-kanilang puwesto nang simulang isagawa ang seremonya ng kasal. Naramdaman ni Tagumpay ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
Naluluha siya.
Silly! Ganoon din ang naramdaman niya noong ikasal sina Magiting, Malakas, at Bayani. Masaya siya para sa mga ito, pero may lungkot din sa isang bahagi ng kanyang puso. Dahil ba sa unti-unti nang nawawala ang mga ito sa kanyang piling? Mayroon na silang kanya-kanyang buhay.
Napatingin siya kina Marangal at Trese. Sooner or later, isa naman sa mga ito ang susunod na ikakasal) mawawala sa kanyang poder...
Tpinilig ni Tagumpay ang tlo. Wala siyang dap-na ikalungkot. Malalaki na ang kanyang mga kapatia Sa malaot madali ay magkakaroon na sila ng kany. kanyang buhay.

SA RECEPTION ay tampulan siya ng tukso at kantiyal ng mga kamag-anak at kaibigan.
"Ikaw, Tagumpay, kailan mo kami mapapahigop n mainit na sabaw? Napag-iwanan ka na ng panahon, biro ng isang tiyuhin.
Ngumiti lang siya. "Huwag kayong mag-alala
Darating din tayo do'n. Huwag lang kayong mainip." Pinakawalan na ng mga bagong-kasal ang dalawan puting kalapati; nagsubuan na ng cake at nag-toast ni rin ng champagne. Ang sumunod ay ang traditional ni paghahagis ng bouquet ng bride at garter belt naman ng groom.
Pinatayo ang lahat ng mga naroroong kadalagahan
Inihagis nang patalikod ni Sabina ang bridal bouquer
Isang dalagita ang nakasalo niyon. Pero agad nitong binitiwan ang bouquet. Pagkatapos ay dinampot uli iyon at ibinalik sa bride.
Sumimangot ang dalagita. "Ayoko pang mag.
asawa!" maktol nito.
Nagtawanan ang lahat.

Ang paghahagis naman ni Dakila ng garter na mula sa bride ang sumunod. Pagkatapos patayuin ang mga kabinataan, tumalikod ito at inihagis ang garter.
Lalong lumakas ang tawanan ng lahat nang si
Tagumpay ang makasalo niyon.
"Ikaw na ang susunod. Kaya lang, mukhang nene pa ang magiging bride to be mo," kantiyaw sa kanya ni
Magiting.

TAGUMPAYWhere stories live. Discover now