"Ano ka ba? pabalik na kaya siya diyan! kausap ko siya sa phone kanina."

"Yeah I saw him, pero pagagalitan niya lang ako pagnakita niya ko sa main lobby na bitbit na ang mga gamit pauwi kaya nagtago nalang ako ngayon uuwi nako."

"Tsk bumalik ka na dun nasisira ang ano eh... yung ano ko eh..." Natigilan siya.

"Nasisira ang alin?"

"Wala" Mabilis niyang sagot. "Sige na girl late narin tinatawag na'ko ng Drew ko ihihi..."

"Hayy! sige na bye... take care" At binaba nanamin ang mga phone namin.

Kumalam nanaman ang sikmura ko.

Ahhh, gutom na talaga ako... hindi pa naman sanay magutom ang mga alaga ko...

Uwi na kaya ako? o Sa fastfood nalang ako kakain?

Pag uwi ko kasi magluluto pa'ko eh, sige na nga Mcdo nalang ilang araw narin naman akong nagke-crave sa burger and fries eh.

I go to the nearest Mcdo branch at doon na kumain.

Stanly's POV

Im dissapointed in her. Bakit simpleng utos hindi niya masunod? Ganyan ba talaga siya?

Nakakaines lang isiping ginawa ko siyang secretary kung ganito lang rin naman siya mag trabaho.

This is a very tiring day!

Sobrang daming nangyari at karamihan pa sa mga events and happenings ngayon ay wala naman sa system ko. Dapat naka focus lang ako sa trabaho eh, ano bang ginagawa ko?

Gustong gusto kobtawagan si Angelie para iparinig sa kanyang sisante na siya, hindi na niya ko madadaan sa pag iyak niya kaso wala akong number niya eh.

Tss Im pissed!

Tinawagan ko nalang si Tanya para kahit papano ay matigil ko na ang pagtitig sa phonebook ko.

"Hayy! patulog na'ko eh, what do you want pa ba kuya?" sabi niyang antok na antok.

"Hey yung kaibigan mo rule breaker..."

"Bakit anong ginawa?"

"Iniwan niya ang trabaho niya."

"Bakit anong oras na ba? Diba hanggang 7:00 lang ang office hours niya?"

"Pero sinabi kong hintayin niya ko!" Napakunot ang noo ko.

"Bakit ka naman nagpahintay?"

Hanggang sa natahimik ako...

Bakit nga ba ako nagpahintay? At bakit ngayong iniwan niya ko galit na galit ako?

Humikab si Tanya. "Kausap ko siya kanina sa phone. Anong oras ka ba bumalik? Syempre nagutom na rin siya kaya umuwi na siya. Ikaw kaya magtrabaho ng sandamukal sa first day of work tapos malipasan ka ng gutom."

"Pero bumili ako ng pagkain para sa kanya." Trying to defend myself.

..............

"Tanya?" tanong ko nang hindi na siya sumagot.

"Hey, still there?

Naalimpungatan siya at nagsalita.

"Ummm kuya hwag ka na kasi magalit isa pa karapatan niya namang umuwi dahil tapos na ang trabaho niya eh, sorry nalang kung dimo siya naabutan bakit kasalanan niya bang matagal ka bumalik? Alam mo umuwi ka nalang kuya hindi narin siya babalik diyan at sige na kanina pa bagsak ang mata ko nakakahilo na bye mwuah love you kuya..." Binaba na niya.

Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon