Panagutan Mo 'Ko! *3*

62.2K 1K 165
                                    

Panagutan Mo 'Ko! *3*

Malapit na kami sa may pintuan nang biglang mapatigil sa paglalakad si Cherry. "Wait lang Alex, p-parang ang sakit ata ng tiyan ko," sabi niya na nakahawak na sa tiyan. 'Yan kasi ang takaw. "Ang sakiiit. Natata.. Aaahhh! 'Di ko na kaya," sabi niya sabay takbo pabalik at iniwan akong mag-isa.

"Tsk! Ano ba 'yan? Cherry wrong timing ka naman." Dahil sa kanya wala akong choice kung hindi hintayin siya. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan nang ganon.

Nasa labas lang ako ng bahay at tinitignan 'yung mga taong sayang-saya sa party. Lahat sila tawanan nang tawanan. Ako lang ang mukhang binagsakan ng langit.

"Alex.." May tumawag sa pangalan ko at humawak sa braso ko. Si Leighla at ang lungkot ng mukha niya. "Alex, sorry na. Hindi ko naman sinasadya 'yung sinabi ko. Hindi naman ako against sa mga gay o.." Huminto siya saglit 'tsaka itinuloy 'yung sasabihin "lesbians. Ang ayoko lang 'yung mga bading na trying hard magpakababae, kahit na ang lalaki naman ng mga katawan. Nagmumukha kasing katawa-tawa sa tingin ng iba. Parang ginagawa nilang katatawanan 'yung pagiging bakla nila. 'Yun lang. Kung na-offend kita, sorry. Pero wala akong masamang ibig sabihin sa sinabi ko kanina." Mahabang paliwanag niya. "Kaya huwag ka na sanang magalit sa 'kin." Yumakap pa siya sa braso ko at hinilig pa 'yung ulo sa may balikat ko. "Please?"

Tinignan ko siya habang nakatingin din siya sa 'kin. Pinapupungay pa niya 'yung mata niya at medyo naka-pout pa 'yung labi niya. "Please, bati na tayo," sabi niya, kaya ngumiti ako at tumango na.

"Thank you!" Masaya siya na nagka-ayos kami at sa sobrang saya ata niya nagulat na lang ako nang bigla niya 'kong halikan sa pisngi. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko at 'di makapaniwala sa ginawa niya. "Tara na Alex, pasok na tayo ulit sa loob," yaya niya at hinatak na niya 'ko pabalik sa loob, para makisaya ulit sa party.

Tapos na 'yung nakakagimbal na performance nung limang bakla kanina. Balik na ulit sa kanya-kanyang kwentuhan, sayawan at inuman 'yung mga bisita.

"Alex, try mo 'to." May iniabot sa 'king maliit na baso si Leighla na mukhang gulaman na kulay rainbow 'yung laman at may buong cherry na may nakakabit pang tangkay. "Masarap 'yan. You should try it." Pang-eengganiyo pa niya sa 'kin.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Jello. Basta try mo na." Hinawakan niya 'yung tangkay nung cherry kaya natanggal 'yung gulaman sa baso, tapos inilapit niya sa labi ko. "Say ahhh.." sabi pa niya kaya ibinuka ko naman 'yung bibig ko para kainin 'yung gulaman na isinusubo niya sa 'kin. Nginuya ko 'yung gulaman at napatango-tango ako. Masarap nga siya. "Di ba masarap?" sabi niya nang nakangiti pa sa 'kin.

"Masarap," sagot ko naman. Naka-ilang subo pa ng gulaman si Leighla sa 'kin. Pagkatapos bigla akong hinatak na naman para sumayaw. Tulad kanina ang kislot na naman ng mga kilos niya. Ako naman, konting kilos lang kasi parang nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi ko alam kung dahil ba sa likot ng mga ilaw o kung nalipasan ba ako ng gutom kasi wala pa 'kong nakaing matino maliban sa gulaman na pinakain sa 'kin ni Leighla kanina.

Sumasayaw si Leighla sa harapan ko at unti-unti niyang nilalapit 'yung mukha niya sa 'kin. Mapupungay ang mga mata niya at ang pula ng labi niya na paminsa-minsan ay kinakagat ang ibabang bahagi nito. Inilalapit niya ang labi niya sa 'kin na para bang inaakit ako na halikan ko siya, pero kapag lalapit naman ako bigla siyang lumalayo. Hinawakan ko siya sa bewang para medyo mapigilan ko 'yung pagkilos niya, 'tsaka ko siya tinitigan sa mata. "Leighla, mahal kita." Unti-unti kong inilapit 'yung mukha ko sa kanya para halikan siya, pero tulad kanina umiwas na naman siya.

"Pagod na 'ko. Upo muna tayo," sabi niya kaya naupo muna kami sa couch kung saan may babae't lalaki na naghahalikan at walang pakialam sa mga nakakakita. "Restroom muna ko ha?" sabi ni Leighla na tumayo agad at umalis.

Panagutan Mo 'Ko!Where stories live. Discover now